29/07/2026
๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ญ๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐๐๐๐) ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ญ๐๐ญ๐ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ
Ang krisis sa klima ay hindi na basta banta sa hinaharap. Ito na ang araw-araw na realidad ng milyun-milyong Pilipino, pati na sa Metro Manila.
Kapag umuulan kahit saglit lang, lubog na agad sa baha ang mga eskinita at kalsada. Kapag tag-araw naman, nakakapaso sa balat ang matinding init. Patuloy pa rin ang polusyon sa hangin na naglalagay sa kalusugan ng publiko sa panganib. Samantala, ang mga komunidad sa baybayin ng Manila Bay ay patuloy na nangangamba sa pagkawala ng kanilang kabuhayan at tahanan dahil sa pagtaas ng lebel ng dagat lalo kapag high-tide. Ilan lamang ang mga ito sa mga epekto ng lumalalang krisis sa klima na nararanasan na ng mga mamamayan.
Ngunit sa katatapos lamang na State of the Nation Address ngayong taon, halos hindi nabigyan ng pansin ng Pangulo ang krisis sa klima.
Hindi simpleng pagkukulang ang pananahimik na ito. Mapanganib ito.
Ang SONA ay hindi lamang ulat ng mga nagawa ng pamahalaan sa nakalipas na taon. Dito rin inilalatag ang mga prayoridad at direksyong tatahakin ng Administrasyon sa mga susunod na taon. Kaya para sa isa sa mga bansang pinaka-bulnerable sa krisis sa klima, nakakabahala na halos walang malinaw na direksyon ang pambansang pamahalaan kung paano nito haharapin ang isa sa pinakamalalaking banta sa kinabukasan ng bansa.
Ngunit ang problema ay hindi lamang kung ano ang hindi nabanggit sa SONA. Ang mas nakababahala ay ang mga patuloy na desisyong ginagawa ng pamahalaan sa kabila ng pananahimik na ito.
Habang tahimik ang SONA tungkol sa krisis sa klima, naging malinaw naman ang direksyong tinatahak ng Administrasyon sa mga proyektong patuloy nitong isinusulong. Kabilang dito ang Pasig River Expressway (PAREX), Southern Access Link Expressway (SALEX), mga Waste-to-Energy projects, ang planong Pax Silica, at ang patuloy na reklamasyon sa Manila Bay at iba pang bahagi ng bansa. Matagal nang kinukuwestiyon ang mga proyektong ito ng mga apektadong komunidad, mga eksperto, at mga climate at environmental advocates dahil sa mga posibleng epekto nito sa kalikasan, kalusugan ng publiko, kabuhayan ng mga komunidad, mobilidad, at lalo pang pagpapalala sa krisis sa klima.
Ito ang direksyong tinatahak ng pamahalaan sa kasalukuyan.
The government cannot reclaim its way out of rising seas. The government cannot build more expressways while communities remain trapped in flooded streets and worsening traffic. The government cannot call Waste-to-Energy a climate solution while neglecting waste reduction, recycling, and renewable energy. The government cannot promote environmentally harmful projects while claiming to pursue sustainable development. And the government cannot claim to protect future generations while continuing to approve projects that put both present and future generations at risk.
Hindi slogan ang hinihingi ng mga kabataan. Hindi sapat ang pagbanggit sa klima sa isang talumpati kung ang mismong mga polisiya at proyekto ng pamahalaan ay patuloy na nagpapalala sa krisis.
Ang kailangan ng bansa ay isang pag-unlad na inuuna ang tao at kalikasan kaysa sa tubo. Ligtas, abot-kaya, at episyente na pampublikong transportasyon kaysa sa mas marami pang expressway. Malinis at abot-kayang enerhiya kaysa sa mga huwad na solusyon. At mga patakarang nakabatay sa agham, katarungan, at kapakanan ng kasalukuyan at ng mga susunod na henerasyon.
Sa sitwasyon ngayon klima, kasalanan ang pananahimik ng pamahalaan at hindi naman sapat ang mga pangako lang. Panahon na para ang bawat desisyon ng pamahalaan ay maging desisyong para sa klima at kalikasan, para sa mamamayan, at para sa kinabukasan.
Hindi maghihintay ang krisis sa klima ng susunod na SONA. Hindi rin dapat tayo.
?