Our Lady of Manaoag Chapel - Batang

Our Lady of Manaoag Chapel - Batang Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Our Lady of Manaoag Chapel - Batang, Non-Governmental Organization (NGO), Barangay Batang, Pangasina, Infanta.

06/05/2019

GoodMorning po. Remind ko lang po bukas ay kapiestahan ng ating Patron Our lady of Manaoag,

Ang December 30 na nakasanayan nating kapiestahan ay isang Brgy. Fiesta lang, sinasabi po ito abg araw na pagkatapos ng kapilya kaya nagpiepiesta tayo ng December 30, ngunit sa katunayan, ang Original at totoong kapiestahan ng ating patron ay ikatlong Mierkules pagkatapos ng Lingo ng Pagkabuhay. Ngayung taon gaganapin ito May 8, 2019 at sa susunod na taon naman ay ibng araw nanaman dahil ang ating kapiestahan ay movable or paliat lipat ng date dahil binabase natin ito sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday. Bagamat bukas ang kapiestahan ng ating patron, ay sa December 30 naman ay nd na nating tatawaging Patronal Fiesta kundi Barangay Fiesta nalang.

P**i tignan nlang po sa Schedule kung ano po ang ganap bukas. Maraming salamat po.

26/02/2019

MGA PAGBASA SA ARAW NA ITO - Pebrero 27, 2019 (Miyerkules ng Ika-7 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

I. UNANG PAGBASA: Sirak 4:12-22

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Kinakalinga ng Karunungan ang mga humahanap sa kanya;
sila’y kanyang itatampok at padadakilain.
Ang nagmamahal sa kanya’y nagpapahalaga sa buhay;
ang maagang naghihintay sa kanya ay magtatamasa ng kaligayahan.
Ang nagkamit ng Karunungan ay magtatamo ng karangalan,
pagpapalain siya ng panginoon saanman siya pumunta.
Ang naglilingkod sa Karunungan ay naglilingkod sa Panginoon;
iibigin ng Panginoon ang sinumang umiibig sa Karunungan.
Ang tumatalima sa kanya’y humahatol nang wasto;
ang nagpapahalaga sa kanya’y nabubuhay nang matiwasay.
Magtiwala ka sa Karunungan at kakamtan mo siya,
at mananatili siya sa iyong lahi hanggang sa iyong kaapu-apuhan.
Sa pasimula’y isasama ka niya sa mga liku-likong landas,
tatakutin ka niya at pupunuin ng agam-agam.
Pagtitiisin ka niya ng bigat ng kanyang mga tuntunin,
at susubukin ka niya sa pamamagitan ng kanyang mga utos,
hanggang sa ikaw at matutong magtiwala sa kanya.
Pagkataposm agad-agad ka niyang lalapitan;
ipahahayag niya sa iyo ang kanyang mga lihim,
at paliligayahin ka niya.
Ngunit kapag siya’y iyong tinalikuran,
pababayaan ka niya at mabubulid ka sa kapahamakan.

Ang Salita ng Diyos.

II. SALMONG TUGUNAN: Salmo 118:165. 168. 171. 172. 174. 175

Tugon: Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Ang magmahal sa utos mo’y mapayapa yaong buhay,
matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Tugon: Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Sinusunod ko ang iyong kautusa’t mga aral,
ang anumang gawain ko ay kita mo’t namamasdan.

Tugon: Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Ako’y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin,
pagkat ako’y tinuruan ng aral mo at tuntunin.

Tugon: Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Dahilan sa kautusan, ako ngayon ay aawit,
sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid.

Tugon: Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Nasasabik ako, P**n, sa pangakong pagliligtas,
nadama ko sa utos mo ay ang ligaya at galak.

Tugon: Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Upang ako ay magpuri, ako’y bigyan mo ng buhay,
matulungan nawa ako ng tuntunin mo at aral.

Tugon: Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

III. MABUTING BALITA: Marcos 9:38-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi kay Hesus ni Juan, “Guro, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan mo, at pinagbawalan namin sapagkat hindi natin siya kasamahan.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan ko ang agad magsasalita ng masama laban sa akin. Sapagkat ang hindi laban sa atin ay panig sa atin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

24/02/2019

MGA PAGBASA SA ARAW NA ITO - Pebrero 25, 2019 (Lunes ng Ika-7 ng Linggo sa Karaniwang Panahon (I) )

I. UNANG PAGBASA: Sirak 1:1-10

Ang simula ng aklat ni Sirak

Mula sa Panginoon ang lahat ng karunungan
at iyon ay taglay niya magpakailanman.
Sino ang makabibilang ng butil ng buhangin sa dagat,
O ng patak ng ulan, o ng mga araw,
sa panahong walang pasimula at walang katapusan?
Sino ang makasusukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa?
Sino ang makaaarok sa kalaliman ng dagat
at sino ang makasasaliksik sa Karunungan?
Bago pa likhain ang alinmang nilalang,
nalikha na ang Karunungan,
at ang tunay na pagkaunawa,
bago pa nagsimula ang mga panahon.
Ang Karunungan ay nagmula sa salita ng Diyos
sa kataas-taasang langit,
at ang kanyang mga aral ay batas na walang hanggan
kanino ipinahayag ang simula ng Karunungan,
at sinong nakatatalastas ng kanyang pamamaraan?
Kanino ipinagkaloob ang makakilala sa Karunungan,
at sinong nakauunawa ng kanyang masaganang mga karanasan?
Iisa lamang ang talagang marunong;
dapat tayong gumalang na may paghanga
sa harap ng kanyang luklukan.
Ang Panginoon ang maylikha ng kanyang nilalang.
Binahaginan niya ng Karunungan ang lahat ng tao,
ngunit higit na masagana ang bigay niya
sa mga umiibig sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

II. SALMONG TUGUNAN: Salmo 92:1ab. 1k-2. 5

Tugon: Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika.

Panginoo’y naghahari, na ang suot sa katawan
ay damit na maharlika at batbat ng kalakasan.

Tugon: Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika.

Ang sandigan ng daigdig, matatag ang pinatungan
kahit ano ang gawin pa’y hindi ito magagalaw.
Ang trono mo ay matatag simula pa noong una.
Bago pa ang ano pa man, likas ika’y naroon na.

Tugon: Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika.

Walang hanggan, Panginoon, ang lahat ng tuntunin mo,
sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.

Tugon: Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika.

III. MABUTING BALITA: Marcos 9:14-29

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, habang bumababa si Hesus sa bundok, kasama sina Pedro, Santiago at Juan, ay nakita nila ang napakaraming taong nakapaligid sa mga alagad na naiwan, at ang mga eskriba na nakikipagtalo sa mga ito. Nagulat ang mga tao nang makita nila si Hesus. Sila’y patakbong lumapit sa kanya, at binati siya. Tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad, “Ano ba ang pinagtatalunan ninyo at ng mga taong iyon?” Sumagot ang isa mula sa karamihan, “Guro, dinala ko po rito sa inyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya’y inaalihan ng masamang espiritu, at hindi makapagsalita. Tuwing aalihan siya nito, siya’y inilulugmok; bumubula ang kanyang bibig at nagngangalit ang kanyang ngipin, at siya’y naninigas. Hiniling ko po sa inyong mga alagad na palayasin ang espiritu, ngunit hindi nila napalayas ito!” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Lahing walang pananampalataya! Hanggang kailan ako dapat manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!” At dinala nga nila ito sa kanya. Nang si Hesus ay makita ng espiritu, biglang pinapangisay nito ang bata, anupa’t napalugmok ito sa kanya, at gumugulong-gulong na bumubula ang bibig. “Kailan pa siya inalihan ng masamang espiritu?” tanong ni Hesus sa ama. “Mula pa po sa kanyang pagkabata!” tugon niya. “Madalas siyang ihagis nito sa apoy at sa tubig upang patayin. Kaya kung may magagawa kayo, mahabag po kayo sa amin at tulungan ninyo kami.” “Kung may magagawa!” ulit ni Hesus. “Mapangyayari ang lahat sa may pananalig.” Kaagad sumagot nang malakas ang ama ng bata, “Nananalig po ako! Tulungan ninyo ako bagamat ako’y nagkulang.”

Nang makita ni Hesus na dumaragsa ang mga tao, pinagsabihan niya ang masamang espiritu, “Ikaw, espiritung nagpapapipi at nagpapabingi – iniuutos ko sa iyo: lumabas ka sa bata! At huwag ka nang papasok sa kanya!” Nagsisigaw ang masamang espiritu, pinapangisay ang bata, at saka lumabas. Naging mistulang bangkay ang bata, kaya’t ang sabi ng marami. “Patay na!” Subalit siya’y hinawakan ni Hesus sa kamay at ibinangon. At tumindig ang bata.

Nang pumasok na si Hesus sa bahay, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Bakit po hindi namin napalayas ang espiritu?” Sumagot si Hesus, “Ang ganitong uri ng espiritu ay hindi mapalalayas kundi sa pamamagitan ng panalangin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

23/02/2019

MGA PAGBASA SA ARAW NA ITO - Pebrero 24, 2019 (Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) )

I. UNANG PAGBASA: 1 Samuel 26:2. 7-9. 12-13. 22-23

Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel

Noong mga araw na iyon, lumakad si Saul, kasama ang tatlunlibong piling kawal na Israelita, upang hulihin si David.

Kinagabihan, lihim na pinasok nina David at Abisai ang kampo ni Saul. Dinatnan nila itong tulog na tulog at napaliligiran ni Abner at ng buong hukbo. Ang sibat nito ay nakatarak sa gawing ulunan. Sinabi ni Abisai kay David, “Niloob ng Diyos na mahulog ngayon sa mga kamay mo ang iyong kaaway. Kung ibig mo, tatarakan ko na siya ng sibat. Kapag nasaksak kong minsan iyan, hindi na kakailanganing ulitin.”

Ngunit sinabi ni David, “Huwag mong gagawin iyan. Malaking kasalanan ang magbuhat ng kamay sa hinirang ng Panginoon.” Kinuha nga ni David ang sibat sa ulunan ni Saul at ang lalagyan ng inumin nito, at sila’y umalis. Isa man kina Saul ay walang nagising pagkat pinahimbing sila ng Panginoon. Dumating at umalis sina David nang walang nakaalam.

Pagdating ni David sa kabilang gulod, tumayo siya sa isang mataas na lugar. Sinabi ni David, “Narito ang inyong sibat, mahal na hari. Ipakuha ninyo rito sa isa ninyong tauhan. Ang taong tapat at matuwid ay gagantimpalaan ng Panginoon. Sa araw na ito’y niloob niyang mahulog kayo sa aking mga kamay ngunit hindi ko maaaring pagbuhatan ng kamay ang hinirang ng Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

II. SALMONG TUGUNAN: Salmo 102:1-2. 3-4. 8 at 10. 12-13

Tugon: Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Tugon: Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob.

Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,
ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.

Tugon: Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob.

Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos,
kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway;
di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan.

Tugon: Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob.

Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayun ang pagtingin sa sinumang nagkasala.
Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya
gayun siya nahahabag sa may takot sa kanya.

Tugon: Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob.

III. IKALAWANG PAGBASA: 1 Corinto 4:1-5

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, kami’y mga lingkod ni Kristo at katiwala ng mga hiwaga ng Diyos – ganyan ang dapat na aming palagay ninyo sa amin. Ang katiwala’y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon. Walang anuman sa akin ang ako’y hatulan ninyo o ng alinmang hukuman ng tao; ni ako ma’y di humahatol sa aking sarili. Walang bumabagabag sa aking budhi, ngunit hindi nangangahulugang ako’y walang kasalanan. Ang Panginoon ang humahatol sa akin. Kaya’t huwag kayong humatol nang wala sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Ilalantad niya ang mga bagay na ngayo’y natatago sa kadiliman at ipahahayag ang mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa’y tatanggap ng papuring nauukol sa kanya mula sa Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

IV. MABUTING BALITA: Mateo 6:24-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.

“Kaya’t sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain at inumin na kailangan ninyo upang mabuhay, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon: hindi sila naghahasik ni nag-aani o kaya’y nagtitipon sa bangan. Gayunman, pinakakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makapagpapahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?

“At bakit kayo nababagabag tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagpapagal ni humahabi man. Ngunit ito ang sasabihin ko sa inyo: maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasing ganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagamat napakariringal ang mga damit niya. Kung ang mga damo sa kabukiran, na buhay ngayon at kinabukasa’y iginagatong sa kalan, ay dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya? Kay liit ng pananalig ninyo sa kanya! Kaya’t huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakanin, iinumin, o daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo. Kaya, huwag ninyong ikababahala ang para sa araw ng bukas; saka na ninyo harapin kapag ito’y dumating. Sapat na sa bawat araw ang kanyang mga suliranin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

23/02/2019
21/02/2019

MGA PAGBASA SA ARAW NA ITO - Pebrero 22, 2019 (Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro)

I. UNANG PAGBASA: 1 Pedro 5:1-4

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, sa matatandang namamahala sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang tulad ninyo. Nasaksihan ko ang paghihirap ni Kristo at makakahati naman ako sa karangalang nalalapit nang ipahayag. Ipinamamanhik kong alagaan ninyo ang kawang ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos. Pamahalaan ninyo ito nang maluwag sa loob, hindi napipilitan lamang, sapagkat iyan ang ibig ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa masakim na paghahangad ng pansariling kapakinabangan, kundi sa katuwaang maglingkod; hindi bilang panginoon ng inyong mga nasasakupan, kundi bilang uliran ng inyong mga kawan. At pagparito ng Pangulong Pastol ay tatanggap kayo ng maningning na koronang di kukupas kailanman.

Ang Salita ng Diyos.

II. SALMONG TUGUNAN: Salmo 22:1-3a. 3b-4. 5. 6.

Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

III. MABUTING BALITA: Mateo 16:13-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Culmination of Virgin Mary Our Lady of ManaoagSt. John the Evangelist ParishPoblacion,  Infanta,  PangasinanThe Holy Pre...
14/10/2018

Culmination of Virgin Mary
Our Lady of Manaoag

St. John the Evangelist Parish
Poblacion, Infanta, Pangasinan

The Holy Precession
10/14/18

OCTOBER MARIAN DEVOTION SCHEDULE NOVENA SPONSORED BY THE FF. BARANGAY.NOVENA STARTS AT 5:00AM AND EUCHARISTIC CELEBRATIO...
01/10/2018

OCTOBER MARIAN DEVOTION SCHEDULE NOVENA SPONSORED BY THE FF. BARANGAY.
NOVENA STARTS AT 5:00AM AND EUCHARISTIC CELEBRATION STARTS AT 6:30AM
OCT. 5: POBLACION AND PITA
OCT. 6: PATIMA AND BABUYAN
OCT. 7: MAYA AND SAN JUAN
OCT. 8: POTOL AND DOLIMAN
OCT. 9: CATO AND NANGALISAN
OCT. 10: NAYOM
OCT. 11: BAMBAN
OCT. 12: BAYAMBANG
OCT. 13: BATANG

OCT. 14: (SUNDAY)
6:30am First Mass
8:00am Second Mass
Culmination of the Feast of Our Lady of Holy Rosary Eucharistic Celebration stars at 4:00pm followed by Holy Procession

Mass Celebrant: REV. FR. MARIOLITO S. FERRER |ST. JOHN THE EVANGELIST PARISH PRIEST - INFANTA, PANGASINAN|

23/01/2018

FYI mga minamahal na kapatid namin kay Kristo Hesus nais po namin ipamalita na ang Brgy Mass ay gaganapin sa January 31 sa ganap na 8am ng unaga dto sa brgy Batang ang Lahat ay inaanyayahan sa Banal na santa Misa maraming salamat po.

For your Information mga kapatid at Minamahal kung nga taga Brgy.  BATANG,  AT karatig Barangay eto po ang ating schedul...
05/12/2017

For your Information mga kapatid at Minamahal kung nga taga Brgy. BATANG, AT karatig Barangay eto po ang ating schedule this upcoming Patronal Fiesta to honor our Blessed Mary ang ina ng ating tagapagligtas at nagiisang Panginoong JESUS, Our Lady of Manaoag, Batang Chapel. Iniimbitahan ko po kayong lahat sa ngalan ng aking mga kasama sa Batang Pastoral Council.

GODbless!!!

OUR LADY OF MANAOAGSchedule of ActivitiesPATRONAL FIESTA 2016December 20-30, 2016
08/12/2016

OUR LADY OF MANAOAG

Schedule of Activities

PATRONAL FIESTA 2016

December 20-30, 2016

23/11/2016

My Liga po Ba o wala???
Saan na po ang nilabas daw po nilang pondo para magpaliga???

Projects? X
Sports? X

Address

Barangay Batang, Pangasina
Infanta

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Manaoag Chapel - Batang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share