01/08/2026
Sama-samang Pagtatanim, Sama-samang Pag-asa para sa Kalikasan
Sa patuloy na nararanasang pabago bagong panahon kung saan ang malalakas na pag-ulan at matinding init ay nagdudulot ng iba't ibang hamon sa ating mga komunidad mahalagang magkaisa tayo sa pangangalaga at pagpapanumbalik ng ating kalikasan.
Bilang tugon dito, matagumpay na isinagawa ang Tree Planting Activity sa Balibaguhin River, Purok Batibot, Brgy. Cawayan, Real, Quezon, na pinangunahan ng KAKAMPI Youth Alliance Incorporated katuwang ang Haribon Foundation at ang ating mga partner organizations at ahensya:
• Binangonan De Lampon Pacific Eagles Club
•Paramount Finest Lady Eagles Club
•RMFB IV-A 405th A Maneuver Company
•Sangguniang Barangay Cawayan, Real, Quezon
•SK Cawayan, Real, Quezon
•MENRO Real
•People's Council of Real
•Binhi at Lawa
• Kalao Farmers Association
Ang aktibidad na ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga organisasyon, lokal na pamahalaan, at mga mamamayan, makakalikha tayo ng positibong pagbabago para sa ating kapaligiran. Ang bawat punlang ating naitanim ay sumisimbolo sa ating pangako na pangalagaan ang kalikasan para sa susunod na henerasyon.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng partner organizations, volunteers, at mga sumuporta upang maging matagumpay ang gawaing ito. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa MENRO Office ng General Nakar, Quezon sa kanilang ipinagkaloob na mga seedlings na naging mahalagang bahagi ng ating tree planting activity.
Malaki rin ang aming pasasalamat sa aming mga sponsors - Ybars by the Garden, The Bite, at KAMP ELLIE sa kanilang suporta at sa pagbibigay ng mainit na lugaw, Kape at meryenda para sa ating mga volunteers.
Higit sa lahat, taos-pusong nagpapasalamat ang KAKAMPI Youth Alliance Incorporated sa lahat ng mga indibidwal na volunteers na naglaan ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon. Ang inyong malasakit at pakikiisa ay nagpapatunay na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa sama-samang pagkilos ng bawat isa.