16/09/2026
📰 ALE NEWS
ROTARY CLUB OF TAGAYTAY CITY, TULOY-TULOY ANG SERBISYONG MAY PUSO
Ni Association Chair Lineth Fidel Espineli, MMPA
Mula Mayo hanggang Agosto 2026, sunod-sunod na proyekto ang isinagawa ng Rotary Club of Tagaytay City sa pangunguna ni Incredible Club President Joel “Jojo Sanchez Bathan. Nakatuon ang mga programa sa edukasyon, kalusugan, nutrisyon, kabuhayan, palakasan at kapakanan ng mga residente ng Barangay Tartaria, Silang, Cavite.
Suporta sa Edukasyon
Nakiisa ang Rotary Club sa Brigada Eskwela ng Tartaria Elementary School at Tartaria West Elementary School sa pamamagitan ng pagbibigay ng pintura at mga kagamitan sa paglilinis.
Nagkaloob din ang samahan ng tig-isang 65-inch Smart TV sa Tartaria West Elementary School noong Hulyo at sa Tartaria Elementary School noong Agosto. Layunin nitong makatulong sa mas makabago, malinaw at masiglang paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral.
Sinuportahan din ng club ang Zumba for a Cause ng Tartaria West Elementary School at nagbigay ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral na kalahok sa Taekwondo.
Pagkain at Malasakit sa Pamilya
Nagsagawa ng mga feeding program para sa:
* Mga tricycle driver
* Mga bata sa Buklod Bahayan Child Development Center
* Humigit-kumulang 100 residente sa Ilaya, Barangay Tartaria
* Mga ina at kanilang mga anak
Sa bawat pagkaing ipinamahagi, kasabay nitong naihatid ang mensaheng walang pamilyang dapat makaramdam na sila ay nag-iisa.
Kalusugan at Aktibong Pamumuhay
Nagdaos ang club ng mga libreng Zumba at dance fitness activities para sa mga kababaihan, Zumba mommies at community leaders. Ang mga gawaing ito ay nagbigay hindi lamang ng ehersisyo kundi pati ng pagkakataon para sa pagkakaisa at masayang samahan.
Pagpapaunlad sa Kabataan
Upang mailayo ang mga kabataan sa bisyo at mahikayat silang maging aktibo, sinuportahan ng Rotary Club ang:
* One-Day Volleyball League para sa mga kababaihan at kabataan
* Basketball One-Day League para sa mga kabataan ng Buklod Bahayan
* Tartaria West School Taekwondo delegates
Tulong sa Komunidad at Kabuhayan
Nagbigay rin ng solar light para sa mga tricycle TODA driver, bilang suporta sa kanilang kaligtasan at pang-araw-araw na hanapbuhay.
Isinulong naman ang Charity Timba para makatulong sa tinatayang 1,000 nangangailangang residente ng Barangay Tartaria, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa pamahalaang bayan at mga indibidwal na handang sumuporta sa mga gawaing makatao ng Rotary.
Matatag na Samahan
Bukod sa mga community project, nagsagawa rin ang Rotary Club ng club planning, fellowship, leadership meetings, content creation activities at paglahok sa District 3810 Handover and Induction. Mahalaga ang mga gawaing ito upang mapalakas ang samahan at maihanda ang mas marami pang programa para sa komunidad.
“Sa bawat batang natutulungan, pamilyang napapakain at mamamayang napaglilingkuran, pinatutunayan ng Rotary Club of Tagaytay City na ang tunay na liderato ay nasusukat sa serbisyong may malasakit at pusong handang kumilos.”
Sa ilalim ng pamumuno ni ICP Jojo Sanchez Bathan, patuloy na isinasabuhay ng Rotary Club of Tagaytay City ang diwa ng:
CREATE LASTING IMPACT
Serbisyong may puso, pagkilos na may tunay na epekto!