29/08/2026
๐๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ฌ ๐๐๐๐ง ๐๐๐ข๐จ๐ง ๐ง๐๐ง๐ ๐! ๐
Dahil nalalapit na ang kapistahan ng ating pinipintakasing patron San Gregorio Magno, narito ang ikalimang fact tungkol sa kaniya:
๐ป๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ "๐บ๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐" ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐. ๐ฎ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.
Ayon sa nahanap na sanggunian, sa kabila ng kanyang mataas na posisyon bilang Papa, tinanggihan ni San Gregorio ang mga matataas at magarbong titulo. Sa halip, pinili niyang tawagin ang kanyang sarili bilang "Servus Servorum Dei" upang ipaalala na ang tunay na pamumuno sa Simbahan ay nakabatay sa pagpapakumbaba at buong-pusong paglilingkod sa kapwa. Ang titulong ito ay patuloy pa ring ginagamit ng mga Papa hanggang sa kasalukuyan.
Ipinapaalala sa atin ni Tata Gorio na sa mata ng Diyos, ang pinakadakila ay ang siyang marunong magpakumbaba at maglingkod nang walang hinihintay na kapalit.
Patuloy nating kilalanin at pagnilayan ang buhay ng ating patron saint sa ating paghahanda para sa kanyang kapistahan ngayong Setyembre 3!
Reference: https://localcatholicchurches.com/resource/st-gregory-the-great-life-legacy-and-lessons/?fbclid=IwY2xjawT_z2FwZG9mA2V4dG4DYWVtAjExAHNydGMGYXBwX2lkATAAAR4vlEGAsZeytCUsoKqDeWukmeVVuyXR0VYV5PSw0uVvEIvR1VIJq_DCAuSHCQ_aem_FRCbBDDA9GFnLaGjl3VwTw
๐ฌ Reflection for Today:
Sa paanong mga simpleng paraan mo maipapakita ang pagiging isang "lingkod" sa iyong pamilya, paaralan, o parokya?