Phase 1 Extension Homeowners Association-Greengate Homes

Directions

Phase 1 Extension Homeowners Association-Greengate Homes OFFICIAL FB PAGE of HOA- PHASE1 EXTENSION, GGH

❤️ PARA SA MGA HOA OFFICERS NA PATULOY NA NAGLILINGKODHindi lahat ng HOA officer ay abogado.Hindi lahat ay eksperto.Hind...
24/08/2026

❤️ PARA SA MGA HOA OFFICERS NA PATULOY NA NAGLILINGKOD

Hindi lahat ng HOA officer ay abogado.
Hindi lahat ay eksperto.
Hindi lahat ay magaling magsalita.

Tao lang din kami. May trabaho, may pamilya, may sariling problema at pagod, pero pinili pa rin naming maglingkod.

Minsan, kami ang unang tinatawag kapag may problema.
Kami ang kailangang makinig sa reklamo.
Kami ang kailangang magpatupad ng rules.
At minsan, kami rin ang unang napupuna kapag may desisyong hindi nagustuhan.

Pero sana malaman ninyo:

ANG HOA OFFICER AY HINDI KALABAN NG HOMEOWNER.

Ang tungkulin namin ay maglingkod at pangalagaan ang kapakanan ng community—kabilang ang pagprotekta sa lehitimong karapatan ng mga homeowners at pagpapanatili ng maayos, ligtas at patas na pamayanan.

Hindi namin sinasabing tama kami palagi.
Nagkakamali rin kami.

Kapag may mali, itama.
Kapag may hindi alam, turuan.
Kapag may concern, pag-usapan.
Kapag may problema, sama-sama nating hanapan ng solusyon.

Hindi kailangan maging perpekto para maglingkod.

Hindi lahat aral. Hindi lahat magaling.
Pero lahat puwedeng matuto.
Lahat puwedeng tumulong.
At lahat may malasakit sa community. ❤️

🙏 Sa mga homeowners, sana ang makita natin ay hindi lamang ang pagkakamali ng officer, kundi pati ang oras, pagod at responsibilidad na kanilang ginugugol para sa kapakanan ng lahat.

Dahil sa huli….

HINDI ITO OFFICERS VS. HOMEOWNERS.

🏠 COMMUNITY NATIN ITO.
KARAPATAN NATIN ITO.
RESPONSIBILIDAD NATIN ITO.

Magkaiba man ng pananaw, puwedeng magkaisa.
Magkaroon man ng problema, puwedeng mag-usap.
At kahit hindi perpekto, puwedeng sama-samang gumawa ng mas mabuti. ❤️

STRONG COMMUNITY, STRONGER TOGETHER. 🤝🏠

GUSTO NATIN NG MAAYOS NA COMMUNITY?Then let’s do our part.Hindi sapat ang reklamo.Hindi sapat ang “dapat.”Hindi sapat an...
23/08/2026

GUSTO NATIN NG MAAYOS NA COMMUNITY?

Then let’s do our part.

Hindi sapat ang reklamo.
Hindi sapat ang “dapat.”
Hindi sapat ang “HOA ang bahala.”

SUMUNOD. MAKIPAGTULUNGAN. MAKIALAM, MAGING KASAMA SA PAGSULONG NG KOMUNIDAD!

🏡 Kaayusan na gusto ng lahat,
disiplina na dapat gawin ng lahat.

Maliit na disiplina. Malaking pagbabago.



MAHALAGANG ANUNSYONais po naming ipabatid sa lahat na ganap nang naaprubahan at na-notaryo ang ating Board Resolution No...
13/08/2026

MAHALAGANG ANUNSYO

Nais po naming ipabatid sa lahat na ganap nang naaprubahan at na-notaryo ang ating Board Resolution No. 2026-015B Series of 2026, bilang pagtugon sa resulta ng isinagawang REFERENDUM hinggil sa pagpapatupad ng One-Way Traffic Scheme sa Phase 1-Extension, Greengate Homes.

📌 DRY RUN: Sabado, Agosto 15, 2026
📌 FULL IMPLEMENTATION: Sabado, Agosto 29, 2026

Hinihiling po namin sa lahat ng residente at motorista na sundin ang mga nakatalagang karatula (signages) at directional map upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na daloy ng trapiko sa ating buong komunidad.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa, pang-unawa, at kooperasyon.

Greengate Homes Phase 1-Extension HOA

Paunawa sa lahat ng taga Phase 1 Extension...Naayos napo namin mga papers natin sa BIR..Nabayaran na rin po natin mga pe...
05/08/2026

Paunawa sa lahat ng taga Phase 1 Extension...

Naayos napo namin mga papers natin sa BIR..
Nabayaran na rin po natin mga penalties mula pa nuong 2013 wala npo tayong open cases...
Sa mga nagtatanong kung saan napupunta ang ibinabayad nyong monthly dues,, pangunahin po na pinaglalaanan natin ay ang pambayad sa street light at pag aayos ng mga papeles natin.

Kaya lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng pang unawa at suporta nyo sa amin,,
Sa mga nagbabayad ng monthly dues God bless us all.🙏
Makaka asa po kayong hindi namin sinasayang mga ibinabayad nyo.🥰

02/07/2026

Thank you po CICLEDO, Mayor "AA" Advincula, City Govt of Imus! 💙

Maraming salamat po sa
📍FREE LIVELIHOOD TRAINING SA AMING KOMUNIDAD!📍

Ang inyong tulong at dedikasyon ay malaking inspirasyon sa aming komunidad. Sama-sama nating itaguyod ang mas maunlad na kinabukasan.

Maraming maraming Salamat po sa inyo!

From: HOA Greengate Phase 1 Extn
, Officers and Members❤

📢 Magandang gabi, mga Ka-HOA!Handa na ba kayo? 😊Sa lahat ng nagpalista sa Libreng Livelihood Training sa Paggawa ng Long...
01/07/2026

📢 Magandang gabi, mga Ka-HOA!

Handa na ba kayo? 😊

Sa lahat ng nagpalista sa Libreng Livelihood Training sa Paggawa ng Longganisa at Tocino, kita-kits po tayo bukas, July 2 (1pm to 5pm)!

⏰ Huwag kalimutang dumating nang mas maaga upang makapagsimula tayo sa tamang oras.

See you, mga Ka-HOA! ❤️

👇

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=122153413040986639&id=61579599194829

👇👇

📢 LIBRENG LIVELIHOOD TRAINING SA PAGGAWA NG LONGGANISA AT TOCINO! 📢

Bilang bahagi ng programang pangkabuhayan para sa komunidad, inaanyayahan namin ang lahat ng interesadong residente na lumahok sa Libreng Livelihood Training sa Paggawa ng Longganisa at Tocino.

Ang programang ito ay hatid ng pagtutulungan ng CICLEDO, City Government of Imus, HOA Livelihood Committee, at HOA Officers upang mabigyan ang mga residente, members ng karagdagang kaalaman at kasanayan na maaaring maging daan sa pagkakaroon ng sariling pagkakakitaan.

✅ Libreng pagsasanay
✅ Hands-on na pag-aaral sa paggawa ng Longganisa at Tocino
✅ Angkop para sa mga nais magsimula ng maliit na negosyo o dagdag-kabuhayan

📅 Petsa: July 02, 2026
⏰ Oras: 1PM to 5PM
📍 Lugar: Clubhouse Phase 1 Extension

Tara na ka-HOA! Magparehistro na at samantalahin ang pagkakataong matuto ng bagong kasanayan para sa mas maunlad na kabuhayan!

📩 Para sa karagdagang impormasyon at pagpaparehistro, makipag-ugnayan sa ating HOA Office o magpadala ng mensahe sa ating FB page.

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Connie Requiso, Joey Bartolay, Liz Lutong Bahay, Muttsu Y...
01/07/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Connie Requiso, Joey Bartolay, Liz Lutong Bahay, Muttsu Yeon-in

Kung sino man po ang nahulugan ng cellphone, magpunta lang po sa HOA OFFICE PHASE 1 EXTENSION,  magdala lang po ng prof ...
27/06/2026

Kung sino man po ang nahulugan ng cellphone, magpunta lang po sa HOA OFFICE PHASE 1 EXTENSION, magdala lang po ng prof na sa inyo ang cellphone. Salamat po

Go go go BOD'sGawa lang tayo ng gawa... Huwag magpa apekto sa ngawa ng ngawa...✌️✌️✌️
25/06/2026

Go go go BOD's

Gawa lang tayo ng gawa... Huwag magpa apekto sa ngawa ng ngawa...✌️✌️✌️

Address

New Imus City Government Center, Imus Boulevard, Malagasang I-G
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Phase 1 Extension Homeowners Association-Greengate Homes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share