25/11/2025
https://www.facebook.com/share/p/1DB27F7ikF/
๐๐๐ง๐ฎ๐ง๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐๐๐ฐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฌ
Alinsunod sa Article E ng City Ordinance No. 02-70, s. 2016 ng Lungsod ng Imus, lahat ng kabataang may edad 17 taon pababa ay sakop ng ipinatutupad na curfew mula 10:00 P.M. hanggang 4:00 A.M.
Narito ang mga pangunahing gabay kaugnay ng nasabing curfew:
๐ต Kinakailangang may kasamang kamag-anak na nasa legal na edad kung lalabas sa mga nasabing oras.
๐ต Malalagay sa temporary protective custody ng pulis ang mga menor de edad na lalabag dito hanggang sa matapos ang oras ng curfew o sa kahilingan ng magulang, sinumang miyembro ng pamilya, o legal guardian.
๐ต Hindi rin pinahihintulutan ang pananatili ng mga menor de edad sa anumang establisimyento, maliban na lamang kung nagtatrabaho ito.
Narito naman ang mga eksempsyon:
๐ข May kasamang magulang, legal guardian, o nakatatandang may responsibilidad sa kanyang kapakanan.
๐ข Legal na nagtatrabaho o nagbibigay-tulong sa anumang legal na aktibidad.
๐ข Galing o papunta sa paaralan o anumang aktibidad na may kaugnayan dito.
๐ข Galing o papunta sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa relihiyon, panlipunan, o sports.
๐ข Anumang katunayang nagsasaad na pauwi na ang menor de edad sa bahay.
๐ข Isang araw bago o pagkatapos ng Pasko, Bagong Taon, Araw ng Eleksyon, o iba pang pampublikong kaganapan.
๐ข Dalawang araw bago at pagkatapos ng pista ng lungsod o barangay kung saan naninirahan.
๐ข Pagsuspinde sa curfew ng Sangguniang Panlungsod para sa partikular na oras o okasyon.
Ang curfew ay ipinatutupad para sa kaligtasan ng mga kabataan. Inaasahan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang maayos na pagpapatupad nito sa bawat barangay.
Nawaโy makiisa rin ang bawat magulang at pamilya upang matiyak ang kaligtasan ng inyong mga anak.