12/08/2026
Ipinanawagan ni Sen. Kiko Pangilinan ang pagbuo ng komprehensibong national flood management plan at pagsasagawa ng full accounting sa public funds na nakalaan para sa flood control projects.
Kasunod ito ng patuloy na pag-ulang dulot ng pinalakas na Habagat sa ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na probinsya.
“Kahit gumastos tayo ng bilyon-bilyon, pero kung walang pagkakaugnay-ugnay ang ating flood control management plan, lulubog at lulubog pa rin ang ating mga kalsada at mga bahayan,” ayon sa senador.
“Dapat malinaw kung saan ito napunta at kung ano ang naging resulta. Hindi pwedeng may proyekto sa papel pero kapag umulan, binabaha pa rin ang mga tao,” dagdag ni Pangilinan.