02/08/2026
๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐
Noong Hulyo 26, 2026, nagsagawa ang SK Council ng Barangay Pag-asa Uno ng kanilang regular session para sa buwan ng Hulyo.
Sa nasabing sesyon, napag-usapan ang mga dokumentong kinakailangan bilang requirements para sa pagproseso at pag-apruba ng budget ng SK Council. Kasabay nito, lumagda rin ang mga miyembro ng SK Council sa mga kinakailangang dokumento bilang bahagi ng proseso.
Nagmungkahi naman si SK Kagawad Raine Polangco na habang hinihintay ang pag-apruba ng mga isinusumiteng dokumento, gamitin ang mga susunod na linggo upang pagplanuhan at pag-usapan ang mga paparating na proyekto ng SK Council. Layunin nitong maging handa ang konseho upang sa oras na maaprubahan ang budget ay maayos at mabilis nang maisakatuparan ang mga nakaplanong programa at proyekto.
Agad namang sinuportahan ang mungkahing ito nina SK Kagawad Jhayaan, SK Kagawad Angel, SK Kagawad Kat, SK Kagawad Leandro, SK Kagawad LA, at SK Chairperson Kassandra Laureen Cabrera.
Bilang bahagi ng aming transparency, nais naming ipabatid sa lahat na sa oras na maaprubahan at maging maayos na ang budget, ang una nating isasagawang proyekto ay ang taunang School Supplies Distribution, na pangungunahan ng Education Committee Chairperson, SK Kagawad Kat Batayola. Kasabay nito ang Feeding Program, na pangungunahan naman ng Health Committee Chairperson, SK Kagawad Raine Polangco, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo.
Inaanyayahan po namin ang lahat na abangan ang mga susunod na anunsyo at updates dito sa aming opisyal na page.
Maraming salamat po.