Alumni SGC - Gen. Licerio Topacio NHS

Alumni SGC - Gen. Licerio Topacio NHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alumni SGC - Gen. Licerio Topacio NHS, Nonprofit Organization, Imus.

14/06/2025

Hello po dear stakeholders/alumni /parents, blessed day po.

baka pwede po makasolicit po sa inyo. Nag-iipon po sana kami para makabili ng bagong printer para sa Math Department ng Licerio po. Any amount will go a long way para Makabuo po ng pambili ng bagong printer para sa Mathematics remediation activities po ng ating mga struggling learners. Maraming salamat po.

Love Lots, SIR NERI

Ito po ang GCASH #: 09606513781
GRACE ALTO
MATH KEY TEACHER

This holiday season, let’s spread some joy and kindness! Be a Santa to our Licerians. 🎁For any questions, feel free to m...
02/12/2024

This holiday season, let’s spread some joy and kindness! Be a Santa to our Licerians. 🎁

For any questions, feel free to message our page.

Together, we can make this season a little warmer for everyone! 💖

Every ending is a new beginning.Our school’s simple thanksgiving and send off party for Manong Wilson. Salamat po sa lah...
26/12/2023

Every ending is a new beginning.

Our school’s simple thanksgiving and send off party for Manong Wilson.

Salamat po sa lahat na naging punong abala para sa kaganapan na ito.

Special thanks to all Alumni na nagpunta and to those who sent their financial help for Manong. 😊

Manong Wilson, we will see you again. 💕

Story behind  Si Manong Wilson ay kasama sa mga butihing trabahador na bumuo ng paaralang GEANHS(Annex) sa Brgy. Pasong ...
19/12/2023

Story behind

Si Manong Wilson ay kasama sa mga butihing trabahador na bumuo ng paaralang GEANHS(Annex) sa Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite. Noong matapos gawin ang school last 2007, ang Engineer daw po ng school construction ay nakiusap kay Sir Samson (dati at unang OIC ng GEANHS-Annex) upang kupkupin si Manong Wilson. Doon na po nagumpisa na siya ay tumira sa loob ng paaralan. Sa pagstay niya po sa school, siya ay naging guard, utility, caretaker, kuya, manong, tatay at kung ano ano pa.

Ngayon na siya ay 65 years old na, ayun sa batas (Article 302 (287) of the Labor Code) considered as compulsory retirement na po ang edad na ito. Nabigyan po siya ng hanggang end of this year para makaalis na sa school. Subalit walang mapupuntahan si Manong Wilson dahil sa almost 17years niya na pagtira sa paaralan, wala siyang naging komunikasyon sa mga kamag anak niya.

Kahapon, December 18, ay naibahagi po sa Facebook ang balita na ito kung saan mabilis pong umabot sa mga dating estudyante ng GEANHS-Annex/GLTNHS. Dahil sa libo libong share ng post na iyon, nahanap po ang mga kamag anak ni Manong at nagcontact agad sa school. Kanina pong umaga ay personal pong nagpunta ang isa sa kapatid ni Manong at dalawa pa nilang kamag anak. Confirmed naman po na sila ay tunay na kamag anak dahil na rin sa pagbibigay nila ng kumpletong impormasyon. Bukod pa doon ay nakilala at naalala sila ni Manong. Napagpasyahan po na sasamahan nilang iuwi si Manong sa probinsiya.

Ngayong araw rin po sa tulong ng ating TEC President/SPTA Secretary at GPTA President ay naumpisahan na asikasuhin ang pagkuha ng Brgy ID niya na kakailanganin para sa pagbook at flight niya going home to Negros Occidental. Sila po ay lumapit na rin sa ating Barangay upang makahingi ng tulong na Balik Probinsya ng pamahalaan subalit hindi sasapat ang natitirang araw ng taon para eto ay maasikaso lalo pa at holiday season. But good news is, our beloved teachers will make sure na maibook ang ticket ni Manong for December 29. Sila po ay may direct contact na rin sa relatives ni manong.

Bilang pasasalamat ay nagset po ng simpleng salo salo para kay Manong sa December 26 2PM na gaganapin rin po sa paaralan. Potluck po ito para tayo ay may pagkaen na pagsasaluhan pero kung wala man po ang presensya niyo ay siguradong ikasisiya niya. Iniimbitahan ko po kayo na magpunta kung may pagkakataon sa araw na iyan.

Upang magkaroon ng pasimula si Manong sa panibagong buhay at panibagong taon, lubos po niya na ikagagalak ang kahit na magkanung cash donation para sa kanya. Maaari niyo itong iabot sa kanya sa araw na nabanggit(12/26/23) or isend sa akin at makakasigurado po kayo na makakarating ito sa palad niya. Send me a message po.

Kung may iba pa po kayong katanungan, magcomment lang po kayo sa post na ito. Maraming Salamat po.

Thank you po sa lahat ng nagshare ng post. May kamag anak na po si Manong Wilson na nareach out sa school. Bale, uuwi na...
19/12/2023

Thank you po sa lahat ng nagshare ng post. May kamag anak na po si Manong Wilson na nareach out sa school. Bale, uuwi na po siya sa probinsiya nila sa December 29. To all my classmates and batchmates, contact me if you have extra money, any amount will do para may maipabaon tayo kay Manong Wilson. Noong tayo ang estudyante sa paaralan, siya pa nagbibigay saten noon ng pera, alam niyo yan. This time, tayo naman magbalik ng magandang loob sa kanya. Pero syempre yun ay kung bukal sa puso naten.

Salamat po.

-Glen Ejercitado

Magandang Araw po!

Sya po si Mr Wilson Dormitorio (65 years old) from Bacolod City, School Utility ng General Licerio Topacio National High School, Imus City,Cavite.

Dahil sa kanyang edad ay kailangan na po nyang magcompulsory retirement upang mas mabigyang pansin ang kanyang personal na pangangailangan.Matagal na panahon ang pagtatrabaho nya sa aming paaralan kaya naman gumagawa po kami ng paraan upang mahanap ang kanyang mga kamag-anak upang mas maayos at ligtas sya aalis dito sa aming paaralan.

Sa mga kamag-anak po ni Manong Wilson, maari nyo po kaming macontact sa numero na eto: (046) 859-4605 / 09451158267

Sharing this post baka umabot po sa kung saan man. Si Manong Wilson ang isa sa naging tatay namin mula 2nd year HS till ...
18/12/2023

Sharing this post baka umabot po sa kung saan man. Si Manong Wilson ang isa sa naging tatay namin mula 2nd year HS till end of HS. More or less 17years na siyang nakastay sa school. Noon pa man naitanong na namin sa kanya kung taga saan siya sino mga pamilya niya pero hindi na niya alam at hindi na niya kilala. Yung tanong namin na yun ay more than 15years ago what more pa ngayon, lalong hindi na niya alam sino mga kapamilya niya.

Si Manong Wilson yung mahilig magbigay samin ng pagkaen, alam niyo kung bakit?. Kasi kaming mga estudyante ng paaralan ang itinuring niyang pamilya. Yung school na ang naging mundo at tirahan niya. 13years ago since we graduated pero sure ako na tanda pa kami ni Manong Wilson. Kami ba naman unang batch ng estudyante na nanggulo sa buhay niya eh. Hahaha. Hays, those were the days.

Nakakalungkot tong balita na to, compulsary retirement 😞 Ganun ganun nalang pala yun. Hoping na sa pagshare ng post na to e possible na mahanap yung mga kamag anak niya. Let us still trust the power of social media.

And we, as Alumni of this school, we will do our best to extend our help for Manong Wilson. Batchmates and schoolmates, feel free to message me if you have anyway to help.

For anyone reading this, sharing it will not cost you any penny. Thank you.

-Glen E.

Magandang Araw po!

Sya po si Mr Wilson Dormitorio (65 years old) from Bacolod City, School Utility ng General Licerio Topacio National High School, Imus City,Cavite.

Dahil sa kanyang edad ay kailangan na po nyang magcompulsory retirement upang mas mabigyang pansin ang kanyang personal na pangangailangan.Matagal na panahon ang pagtatrabaho nya sa aming paaralan kaya naman gumagawa po kami ng paraan upang mahanap ang kanyang mga kamag-anak upang mas maayos at ligtas sya aalis dito sa aming paaralan.

Sa mga kamag-anak po ni Manong Wilson, maari nyo po kaming macontact sa numero na eto: (046) 859-4605 / 09451158267

Address

Imus

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alumni SGC - Gen. Licerio Topacio NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share