08/08/2026
📢 PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE
Sa mga oras ng emergency at sakuna, hinihiling po namin sa lahat na manatiling kalmado, mapagpasensya, at maunawain.
Nauunawaan po namin ang inyong pangamba at abala kapag may pagkawala ng kuryente, problema sa suplay ng tubig, o iba pang emergency. Gayunpaman, nais po naming ipaalala na ang Meralco at Happywell ay patuloy na kumikilos upang matugunan ang mga reklamo at pangangailangan ng kanilang mga customer, ngunit ang bilis ng kanilang pagresponde ay maaaring depende sa iba’t ibang sitwasyon.
Kabilang dito ang:
• Lakas at kondisyon ng panahon
• Lawak at tindi ng pinsala o problema
• Dami ng mga lugar na nangangailangan ng agarang assistance
• Accessibility at safety ng lugar
• Availability at kaligtasan ng mga field personnel
• Pagbibigay-priyoridad sa mga sitwasyong may agarang panganib sa buhay at kaligtasan
Paalala rin po na kaligtasan muna ng lahat. Hindi po maaaring isugal ang buhay ng mga responders habang masama o delikado pa ang kondisyon sa lugar.
🙏 Hinihiling po namin ang inyong pasensya, pakikiisa, at pang-unawa. Ang bawat concern ay mahalaga, at ginagawa po ng mga concerned utility providers ang kanilang makakaya upang maibalik ang serbisyo at maresolba ang mga problema sa lalong madaling panahon at sa pinakaligtas na paraan.
Sa panahon ng emergency, ang pagtutulungan, pagiging kalmado, at pag-unawa sa isa’t isa ay malaking tulong sa buong komunidad.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. ❤️