22/02/2026
reason nganong sigeg ulan...FYI
ANO ANG SHEAR LINE? π§οΈ
Ngayong panahon muli ng amihan (northeast monsoon), palagi nating naririnig ang salitang "shear line" na kadalasang nauugnay sa maulang panahon. Ano nga ba ito?
β‘ Ang shear line ay palinyang (linear) lugar kung saan may biglaang pagbabago sa direksyon ng hangin dulot ng pagsasalubong ng dalawang hangin na magkaiba ng pinanggalingan, ayon sa American Meteorological Society (AMS).
β‘ Dito sa Pilipinas, ito ay kadalasang dulot ng pagsasalubong ng malamig na hanging galing sa hilagang silangan (northeasterlies), na kadalasang tinatawag na amihan (northeast monsoon) kapag malakas, at mainit na hangin galing sa silangan (easterlies) o karagatang Pasipiko.
β‘ Ito ay kadalasang nakakaapekto sa bansa tuwing panahon ng amihan sa mga buwan ng Oktubre hanggang Marso. Nagbabago rin ang posisyon nito, depende sa lakas ng amihan: umaangat ito sa Extreme Northern Luzon kapag humihina ang amihan, at bumababa hanggang sa Mindanao kapag lumalakas ang amihan.
β‘ Sa pagsasalubong ng dalawang hangin na ito, nabubuo ang maraming mga kaulapan na kadalasan ring nauuwi sa mga pag-ulan at thunderstorm.
β οΈ May mga pagkakataong maraming ulan ang ibinubuhos ng shear line na nagdudulot ng malawakang mga pagbaha at paggugo ng lupa, tulad ng nangyari nitong Enero 2023 na kumitil sa buhay ng 45 katao sa Visayas at Mindanao.
Karagdagang impormasyon: https://sciencekonek.com/ano-ang-shear-line/