21/10/2025
BALITA | 𝐀𝐫𝐞𝐯𝐚𝐥𝐨 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐁𝐒𝐏 𝐂𝐚𝐦𝐩, 𝐢𝐝𝐢𝐧𝐚𝐨𝐬 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐜𝐨𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡
Sa layong maikintal sa isip at mahubog sa gawi ang mga wastong kasanayan, pagpapahalaga, at pag-uugali ng isang Iskawt, isinagawa ang Arevalo District Boy Scouts of the Philippines (BSP) Camp noong ika-17 ng Oktubre, 2025 sa Paaralang Elementarya ng Arevalo
Gabay ng temang “Service, Innovation, and Scouting for All”, idinaos ang gawain bilang bahagi ng taunang Scouting Month tuwing Oktubre.
“Lubos ang pasasalamat ko sa mga outfit adviser ng RANHS at MLNNHS, gayundin kay Eagle Scout John Michael Mediavilla; maraming salamat din sa John B. Lacson Foundation Maritime University BSP Organization, RANHS Alerto Club, Iloilo Pegasus Search and Rescue Group sa pamumuno ni G. Jerwin Sano, sa mga punongguro ng mga paaralan sa distrito, at sa mga magulang sa suportang natanggap sa pagtatagumpay ng mga gawaing ito,” pahayag ni G. Raymund Paul Garcia, BSP District Scouting Coordinator ng Arevalo.
Dagdag pa, dinaluhan ito ng mga iskawt mula sa iba't ibang paaralan sa Distrito ng Arevalo na pinangunahan ng mga kinatawan ng Senior Scouts mula sa Mataas na Paaralang Nasyonal ng Ramon Avanceña (RANHS) at Melchor L. Nava (MLNNHS).
“Ang naging preparasyon namin para sa camp na ito ay kooperasyon, dahil natapos namin ang camp sa loob ng isang araw sa tulong ng bawat isa, at hindi na baleng pagod, basta masaya ang aming karanasan ngayong araw,” bahagi ni John Gabriel Minerva, isang senior scout mula sa RANHS.
Naging tampok sa naturang aktibidad ang iba't ibang gawain katulad ng knot-tying, pagtuturo ng paunang-lunas, at mga larong pampalakasan na nagpatunay ng kanilang kasipagan at diwa ng pagkakaisa.
Sa kabilang dako, nagkaroon ng scout investiture ceremony para sa mga bagong kasapi ng Senior Scouts ng RANHS at MLNNHS upang gawing opisyal ang kanilang pangako at taos-pusong paglilingkod sa organisasyon.
“Sadya akon experience sang camp kay damo games kag damo obstacles nga pwede namon itry kag damo ko friends halin sa iban nga skwelahan.” masayang pagbabahagi ni Michael Angelo Panique, isang boy scout mula sa Paaralang Elementarya ng Sto. Niño Sur.
Gayundin, isasagawa ang BSP Iloilo 80th Charter Anniversary Scout Jamboree sa ika-25 hanggang ika-30 ng Oktubre sa Sara, Probinsya ng Iloilo; ito ay dadaluhan ng mga iskawt at mga tagapayo sa buong probinsya.
Isinulat nina Nigel R. Villamor at Lorraine A. Panique
Larawang kuha ni Nigel R. Villamor
Para sa mga larawang kuha sa Arevalo District Camp, i-click lamang ang mga link na ito:
https://web.facebook.com/share/p/1JyqLJdxqg/
https://web.facebook.com/share/p/1BZehgTisf/