03/07/2025
๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ฉ๐ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐๐จ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฉ ๐ข๐๐จ๐๐๐๐จ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฃ๐๐๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐จ, ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐จ๐๐ก๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐จ๐๐ง๐๐๐จ๐ฎ๐ค ๐๐ฉ ๐ข๐๐ก๐๐จ๐๐ ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐ก๐๐ก๐๐ข ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ค๐ง ๐๐๐ ๐พ๐ง๐ค๐จ๐จ ๐๐ค๐ช๐ฉ๐ ๐พ๐ค๐ช๐ฃ๐๐๐ก!
Hindi matatawaran ang inyong dedikasyon at malasakit na ipinamalas sa bawat gawaing makatao. Sa bawat pagtulong, sa bawat oras na inilaan ninyo para sa kapakanan ng iba, ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng boluntaryong paglilingkod. Isang paglilingkod na walang hinihinging kapalit kundi ang kaginhawaan at kaligtasan ng kapwa.
Habang kayo ay humaharap sa mga bagong simula sa labas ng mga silid ng UPHSI, nawaโy baunin ninyo ang mga aral ng empatiya, pamumuno, at pagkakaisa na humubog sa inyong paglalakbay dito. Patuloy ninyong dalhin ang diwang ito sa mga komunidad na inyong paglilingkuran, saanmang panig ng mundo kayo dalhin ng inyong mga pangarap.
Ang inyong pagtatapos ay hindi wakas, kundi panibagong simula ng mas malawak na misyonโang maging liwanag sa gitna ng pangangailangan, maging tinig para sa mga inaapi, at maging sandigan ng pag-asa para sa mga nawalan ng lakas.
Live the Fundamental Principles of the Red Cross: humanity, impartiality, neutrality, independence, voluntary service, unity, and universality, not just in words, but through your everyday actions.
Muli, isang taus-pusong pagbati at pagpupugay sa inyong lahat mula sa UPHSI Senior Red Cross Youth Council! Mabuhay, Batch Malara at Batch Kislap-Diwa!
๐๐ฆ๐๐ช๐ฌ ๐๐ฒ๐ฑ๐ฑ๐ฆ ๐๐ฏ๐๐ฑ๐ฑ๐ข๐ฉ๐ฆ! ๐๐ข ๐๐ฏ๐ข ๐๐ฉ๐ฉ ๐๐ฏ๐ฌ๐ฑ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ฐ!
๐ผ๏ธ: Lance Doricarion, Ma. Graziella Jedee Lagutang, Jerrell Empedrad
โ๏ธ: Jayhan Lorin Madarico