Iloilo National High School Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino

Iloilo National High School Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino Ito ang opisyal na pahina ng INHS-KAMFIL.

๐ŸŽ„๐ŸŽฎ MGA LARO SA SIGABAZAAR 2025! ๐ŸŽฎ๐ŸŽ„Kung naghahanap kayo ng saya, tawanan, at kaunting kilig ngayong Kapaskuhan, siguradon...
09/12/2025

๐ŸŽ„๐ŸŽฎ MGA LARO SA SIGABAZAAR 2025! ๐ŸŽฎ๐ŸŽ„
Kung naghahanap kayo ng saya, tawanan, at kaunting kilig ngayong Kapaskuhan, siguradong magugustuhan ninyo ang aming hanay ng mga laro! Para ito sa mga bata, kabataan, at maging sa mga batang-puso. Dito, masusubok ang bilis, talas ng alaala, galing sa koordinasyon, at siyempreโ€”swerte!

Bawat laro ay ginawa upang maghatid ng ngiti at sigla, at bawat panalo ay may kasamang karangalang tiyak ninyong maipagmamalaki. Kaya ihanda na ang barkada, pamilya, at kaklaseโ€”sama-sama nating buhayin ang kasiyahan ng Sigabazaar sa pamamagitan ng mga nakakatuwang palaro!

๐ŸŽฏ MGA LARO:
โ€ข Lemon Balance
โ€ข Ring Toss
โ€ข Bottle Color Match
โ€ข Memory Game
โ€ข Human Slot Machine
โ€ข Photobooth

๐ŸŽ‰ Halinaโ€™t maglaro, magsaya, at damhin ang diwa ng Pasko! โœจ๐ŸŽ„



-aaralSaFilipino

๐ŸŽ„โœจ MGA PRODUKTO SA SIGABAZAAR 2025! โœจ๐ŸŽ„Sa darating na Sigabazaar, hindi lamang tuwa at damdaming pamasko ang dala naminโ€”k...
09/12/2025

๐ŸŽ„โœจ MGA PRODUKTO SA SIGABAZAAR 2025! โœจ๐ŸŽ„
Sa darating na Sigabazaar, hindi lamang tuwa at damdaming pamasko ang dala naminโ€”kasama rin ang ibaโ€™t ibang produktong siguradong magpapasaya sa inyo at sa mga taong nais ninyong regaluhan. Mula sa maliliit na pasalubong hanggang sa personalisadong palamuti, siguraduhing hindi ninyo palalampasin ang aming abot-kayang mga paninda na tamang-tama bilang pang-regalo, pang-alaala, o dagdag-kulay sa inyong araw!

Sa bawat mesa, matatagpuan ninyo ang kakaibang gawang-kamay, makukulay na disenyo, at mga bagay na siguradong pasok sa inyong budget. Kaya bago pa maubusan, halinaโ€™t silipin ang aming mga produktoโ€”baka dito ninyo makita ang perpektong pang-Pasko! ๐ŸŽ

๐Ÿ›๏ธ MGA PRODUKTO:
โ€ข Customized Bracelet
โ€ข Stickers
โ€ข Bookmarks
โ€ข Glowsticks
โ€ข Phone Charms
โ€ข Customized Keychains
โ€ข Face Paint

โœจ Abot-kaya, maganda, makulayโ€”para sa lahat!



-aaralSaFilipino

๐ŸŽ„โœจ 1 ARAW NA LANG! โœจ๐ŸŽ„Isang tulog na lang bago sumiklab ang kasiyahan sa SIGABAZAAR 2025! Bukas na ang araw ng tuwa, pagk...
09/12/2025

๐ŸŽ„โœจ 1 ARAW NA LANG! โœจ๐ŸŽ„

Isang tulog na lang bago sumiklab ang kasiyahan sa SIGABAZAAR 2025! Bukas na ang araw ng tuwa, pagkain, tugtugin, at damdaming pamasko na magpupuno sa inyong puso! ๐ŸŽถ๐ŸŽโœจ

Magkita-kita tayo bukas! ๐ŸŽ„



-aaralSaFilipino

๐ŸŽ„โœจ 2 ARAW NA LANG! โœจ๐ŸŽ„Dalawang tulog na lang bago sumabog ang saya ng SIGABAZAAR 2025! Ihanda ang kasuotan, lakas, at diw...
08/12/2025

๐ŸŽ„โœจ 2 ARAW NA LANG! โœจ๐ŸŽ„

Dalawang tulog na lang bago sumabog ang saya ng SIGABAZAAR 2025! Ihanda ang kasuotan, lakas, at diwang pamasko dahil paparating na ang pinakamasayang bazaar ng taon! ๐ŸŽถ๐ŸŽ๐Ÿ›๏ธ

Dalawang araw na lang! ๐ŸŽ„โœจ



-aaralSaFilipino

๐ŸŽ„โœจ 3 ARAW NA LANG! โœจ๐ŸŽ„Lalong tumitindi ang pananabik dahil tatlong araw na lang bago ang pagbubukas ng KAMFIL SIGABAZAAR ...
07/12/2025

๐ŸŽ„โœจ 3 ARAW NA LANG! โœจ๐ŸŽ„
Lalong tumitindi ang pananabik dahil tatlong araw na lang bago ang pagbubukas ng KAMFIL SIGABAZAAR 2025! Handa na ba kayo sa kasiyahan, tugtugan, pagkain, at diwa ng Paskong puno ng kulay at kislap? ๐ŸŽ๐ŸŽถโœจ

Kaunting hintay na langโ€”tatlong araw na lang! ๐ŸŽ„



-aaralSaFilipino

๐ŸŽ„โœจ Tara na sa KAMFIL Kunang-Pangkalaunan! โœจ๐ŸŽ„Halinaโ€™t namnamin ang saya, kulitan, at diwa ng Kapaskuhan dito sa Sigabazaa...
06/12/2025

๐ŸŽ„โœจ Tara na sa KAMFIL Kunang-Pangkalaunan! โœจ๐ŸŽ„

Halinaโ€™t namnamin ang saya, kulitan, at diwa ng Kapaskuhan dito sa Sigabazaar! Isama ang mga kaibigan, pati ang iyong SPECIAL SOMEONE ๐ŸซฃโœŒ๏ธ. Ihanda ang inyong mga ngiti, barkada poses, kuhang pang-magkasintahan, at pinakamataas na enerhiya ng Paskoโ€”dahil dito, bawat larawan ay tiyak na pang-pampaskong alaala! ๐Ÿ“ธโค๏ธ

Kita-kits sa Disyembre 10, 2025! Sama-sama tayong lumikha ng masasayang sandali!



-aaralSaFilipino

๐ŸŽ„โœจ Handog ng Paskong INHSโ€”Maghanda na Kayong Magsaya dito sa KAMFIL โœจ๐ŸŽ„Ihanda na ang inyong mga sarili dahil puno kami ng...
06/12/2025

๐ŸŽ„โœจ Handog ng Paskong INHSโ€”Maghanda na Kayong Magsaya dito sa KAMFIL โœจ๐ŸŽ„

Ihanda na ang inyong mga sarili dahil puno kami ng sorpresa, tuwa, at mga pasabog na siguradong kukumpleto sa inyong karanasang pampasko. Mula dekorasyon hanggang pakulo, bawat sulok ay inayos upang maging pangkuhang alaala na puno ng saya kasama ang barkada! โœจ๐ŸŽ…๐ŸŽโค๏ธ

Kung nais mo ng lugar na may makakaramdam ka talaga ng pasko, masayang paligid, at mga gawain na hindi mo mahahanap kung saan-saanโ€”dito ka na sa KAMFIL Booth. Halinaโ€™t makisaya, damhin ang diwa ng Pasko, at lumikha ng mga alaala na tiyak mong hahanapin at babalikan. ๐ŸŽ„๐Ÿ’ž

Kita-kits sa Disyembre 10โ€”kung hindi ka na niya napapasaya, sa amin ka na pumunta! โœจ๐ŸŽ„



-aaralSaFilipino

๐ŸŒŸ๐Ÿ“š Learnersโ€™ Expo 2025 sa Asignaturang Filipino ๐Ÿ“š๐ŸŒŸMalugod naming ipinapakita ang kahusayan at pagkamalikhain ng ating mg...
09/09/2025

๐ŸŒŸ๐Ÿ“š Learnersโ€™ Expo 2025 sa Asignaturang Filipino ๐Ÿ“š๐ŸŒŸ

Malugod naming ipinapakita ang kahusayan at pagkamalikhain ng ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng Learnersโ€™ Expo! โœ๏ธ๐ŸŽจ Sa asignaturang Filipino, tampok dito ang kanilang pinakamagagandang outputs mula sa malikhaing pagsulat, masining na biswal, hanggang sa makabuluhang proyekto na sumasalamin sa galing, talino, at pagmamahal sa ating sariling wika at kultura. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

๐Ÿ’ก Ang bawat obra ay patunay na ang pagkatuto ay hindi lamang nasa silid-aralan, kundi patuloy na nabubuo sa paglikha, pagbabahagi, at pagtuklas. ๐ŸŒบ๐Ÿ‘

Tara na at saksihan ang paglalakbay ng ating mga mag-aaral tungo sa pagiging mapanlikha, mapanuri, at makabansang Pilipino! ๐Ÿš€๐Ÿ“–



-aaralSaFilipino

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ โœจ ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘พ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ฉ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฐ โœจ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ"Ngayong  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข, ating ginugunita ang kanilang ๐’Œ๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’•๐’Š๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐Ÿ—ก๏ธ at ๐’”๐’‚๐’Œ๐’“๐’Š๐’‘๐’Š๐’”๐’š๐’ ๐Ÿค pa...
25/08/2025

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ โœจ ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘พ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ฉ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฐ โœจ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

"Ngayong ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข, ating ginugunita ang kanilang ๐’Œ๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’•๐’Š๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐Ÿ—ก๏ธ at ๐’”๐’‚๐’Œ๐’“๐’Š๐’‘๐’Š๐’”๐’š๐’ ๐Ÿค para sa kalayaan ng ating Inang Bayan. Ang kanilang ๐๐ฎ๐ ๐จโ€™๐ญ ๐ฉ๐š๐ฐ๐ข๐ฌ ๐Ÿ’ง ang naging ๐’ƒ๐’Š๐’๐’‰๐’Š ๐ŸŒฑ ng kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Ngunit ang pagiging bayani ay hindi lamang nakapako sa ๐‘ฒ๐’‚๐’”๐’‚๐’š๐’”๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐Ÿ“œ โ€” itoโ€™y isinasabuhay sa bawat kabutihang ginagawa natin para sa ๐ค๐š๐ฉ๐ฐ๐š ๐Ÿ‘ฅ at ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ.

๐Ÿ“– Tulad ng sinabi ni Jose Rizal:
โ€œ๐€๐ง๐  ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š๐ง ๐š๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐š๐ค๐š๐ซ๐š๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐จ๐ซ๐จ๐จ๐ง๐š๐ง.โ€

Paalala ito na ang ating ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚ ๐Ÿ“, ๐‘ฒ๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚ ๐ŸŽญ, ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’Œ๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’๐’‚๐’ โœจ ay dapat patuloy na ipagmalaki at pangalagaan.

Bilang kabataan at kasapi ng ๐Š๐€๐Œ๐…๐ˆ๐‹ (๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐‚๐ฅ๐ฎ๐›), tungkulin nating ipagpatuloy ang diwa ng kabayanihan โ€” sa pagtangkilik sa ๐’˜๐’Š๐’Œ๐’‚, sa pagpapahalaga sa ating ๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’š๐’”๐’‚๐’š๐’‚๐’, at sa pagiging ๐’Š๐’๐’‚๐’˜ ๐Ÿ’ก ng pagbabago para sa kinabukasan.

๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’› ๐‘ด๐’‚๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’Šโ€”๐’๐’๐’๐’, ๐’๐’ˆ๐’‚๐’š๐’๐’, ๐’‚๐’• ๐’ƒ๐’–๐’Œ๐’‚๐’”! ๐ŸŒŸ



-aaralSaFilipino

โ„™๐•’๐•˜๐•ค๐•’๐•๐•ฆ๐••๐•  ๐•ค๐•’ ๐•Ž๐•’๐•ฅ๐•’๐•จ๐•’๐•ฅ, โ„™๐•’๐•˜๐••๐•’๐•œ๐•š๐•๐•’ ๐•ค๐•’ ๐•Ž๐•š๐•œ๐•’! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœŠ๐ŸผNoong Lunes, nagsama-sama ang buong paaralan ng Iloilo National High School...
13/08/2025

โ„™๐•’๐•˜๐•ค๐•’๐•๐•ฆ๐••๐•  ๐•ค๐•’ ๐•Ž๐•’๐•ฅ๐•’๐•จ๐•’๐•ฅ, โ„™๐•’๐•˜๐••๐•’๐•œ๐•š๐•๐•’ ๐•ค๐•’ ๐•Ž๐•š๐•œ๐•’! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœŠ๐Ÿผ

Noong Lunes, nagsama-sama ang buong paaralan ng Iloilo National High School (INHS) para sa isang makabuluhang Flag Ceremony bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang โ€œ๐™‹๐™–๐™œ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™–: ๐™ˆ๐™–๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฎ๐™จ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–. โ€ โœจ Pinangunahan ito ng Special Program in Journalism, katuwang ang mga opisyales ng KAMFIL at ng Senior High School, na nagpaigting sa pagmamahal sa sariling wika at kulturaโ€”isang hakbang tungo sa mas matibay na pambansang pagkakakilanlan.

๐Ÿ“š Sa temang ito, ipinagdiriwang natin ang yaman at kahalagahan ng wikang Filipino at mga katutubong wika bilang tulay ng ๐Ÿค pag-unawa at pagkakaisa. Naging makabuluhan at makulay ang programa, puno ng kaalaman, inspirasyon, at pagmamalasakit sa ating lahi, habang sabay-sabay nating itinaas ang watawat at dangal ng ating wika kasama ang buong pamunuan at komunidad ng paaralan.



-aaralSaFilipino

Wikang atin, isapuso natin at sama-sama nating ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจSa makulay na sinulid ng Filipino...
10/08/2025

Wikang atin, isapuso natin at sama-sama nating ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Sa makulay na sinulid ng Filipino at mga katutubong wika, hinahabi natin ang kwento ng ating kalayaan. Sa bawat salitang sinasabi at kantang inaawit, patuloy nating pinayayabong ang ating pinagmulan para sa mas maliwanag na kinabukasan. ๐Ÿ“œ๐Ÿ’ฌ

Ako si [Pangalan] mula sa [Section] ng [PROGRAM], isang tagapagtangkilik ng ating wika at kultura, nakikiisa sa diwang nagbubuklod sa bawat Pilipino mula Aparri hanggang Jolo. ๐ŸŒŠ๐ŸŒ„

Tara, makiisa sa ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika mula Agosto 1 hanggang Agosto 31, at ipakita sa buong mundo na sa ating wika, may lakas at pagkakaisa. โœŠ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong buwan, bigyang-halaga natin ang Filipino at mga katutubong wika. Samahan niyo kami sa panibagong simula. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’ฌ Itaas natin ang bandila ng ating pagkakakilanlan! ๐Ÿ’ซ

Link: https://www.twibbonize.com/buwan-ng-wika-203

"


-aaralSaFilipino

"๐’๐š ๐ฐ๐ข๐ค๐š'๐ฒ ๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ, ๐ฒ๐š๐ฆ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ฌ๐š, ๐ฉ๐š๐ -๐ข๐›๐ข๐  ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐ฐ๐š๐ ๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š." ๐Ÿ’ฎ๐Ÿฆ… Sa buwan ng ๐‘จ๐’ˆ๐’๐’”๐’•๐’, ating ginugunita ang ๐๐ฎ...
09/08/2025

"๐’๐š ๐ฐ๐ข๐ค๐š'๐ฒ ๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ, ๐ฒ๐š๐ฆ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ฌ๐š, ๐ฉ๐š๐ -๐ข๐›๐ข๐  ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐ฐ๐š๐ ๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š." ๐Ÿ’ฎ๐Ÿฆ…

Sa buwan ng ๐‘จ๐’ˆ๐’๐’”๐’•๐’, ating ginugunita ang ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š, isang marangal na pagdiriwang na nakatuon sa pagpapahalaga at pagtataguyod ng wikang Filipino, ang pambansang wika na nagbibigkis sa ating identidad bilang isang bansa. Ito ay isang panahon upang sariwain ang ๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’š๐’”๐’‚๐’š๐’‚๐’, ๐’Œ๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚, at mga ๐’•๐’“๐’‚๐’…๐’Š๐’”๐’š๐’๐’ na nagpapayaman sa ating pagka-Pilipino, at upang ilahad ang kahalagahan nito sa pagbuo ng ating kinabukasan. ๐Ÿ‚๐Ÿ›–

Sa pamamagitan ng Buwan ng Wika, ating binibigyang-pugay ang mga aral ng ating mga ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข, ang mga awitin ng ating mga ๐ง๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐จ, at ang mga kuwento na humubog sa ating ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š-๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ. Ito ay isang pagkakataon upang ipakita ang ating pagmamahal sa wikang Filipino sa pamamagitan nang masigasig na paggamit nito sa ating mga pakikisalamuha, sining, panitikan, at iba pang larangan ng ating buhay. ๐ŸŒฟ๐Ÿฅญ

Kaya't ating ipagdiwang ang Buwan ng Wika nang may pagkakaisa, pagmamalaki, at pagpapahalaga sa ating sariling wika. Ipakita natin sa mundo ang ganda at yaman ng ating kultura sa pamamagitan ng ๐ฐ๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, ang ating kaluluwa at pagkakakilanlan! ๐ŸŽ‰๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ




-aaralSaFilipino

Address

Iloilo City
5000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Iloilo National High School Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share