12/08/2025
๐
๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐๐๐ฒ ๐
๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ
Kapag ang iyong mga paa ay nakaapak sa pasukan ng ibat ibang mga gusali ng mga kolehiyo at nadatnan ng iyong mga mata ang mga kulang at luma na mga classrooms na hindi nakaangkop sa mga pangangailangan ng mga estudyante, ito ang maguudyok sayo na magimbal dahil sa kakulangan ng badyet para sa mga silid aralan sa WVSU. Kung maalala natin noong nakaraang taon, ang ibaโt ibang mga kolehiyo sa WVSU ay nagdaos ng mga klase sa mga lugar na hindi nakaaya-aya para sa pagaaral, tulad na lamang ng isang klase na nabunyag sa mini forest, mga hallways ng unibersidad o kahit na sa online classes dahil sa nakakaalarma na kakulangan ng classrooms o student spaces. Salamin ang mga ito ng kawalan ng badyet sa sektor ng edukasyon at sa pag-imik ng gobyerno sa mga tugon ng mga estudyante.
Bilang isang institusyon na naglalayon ng kahusayan sa edukasyon, may mga estudyanteng napagiwanan dahil sa kakulangan ng badyet para sa mga silid aralan at mga laboratories. Noong nakaraang buwan, naglaan ang Opisina ng Presidente ng Pilipinas ng tatlong milyon para sa pagkukumpuni ng WVSU Cultural Center, habang ang ibang mga silid aralan ng mga kolehiyo ay malayong malayo sa ninais nais na kagandahan para sa Cultural Center. May mga
silid aralan na kulang sa proporsyon ng populsayon ng mga esudyante, mga pader na malapit nang masira at mga maiinit na silid tulad na lamang sa College of Communication na ang proporsyon ng estudyante at classrooms ay hindi nagaayon dahil ang mga silod lamang ay tatlo at minsan, sa lobby ng kolehiyo nagdadaos ng klase. Sa College of Business and Management naman ay kapag bumubuhos ang ulan ay biglaan ang pagbaha, Sa College of PESCAR naman ay kulang ang mga pasilidad at hindi ito angkop sa lumalaki na mga pangangailangan at populasyon ng mga estudyante.
Ang sagot ng gobyernong Marcos-Duterte sa ating matindi at puspusang pangangailangan ay ang pag red tag ng mga estudyante sa pamamaraan ng pagpunla ng mga student intells sa mga mass organizations upang makakuha ng mga sensitibong mga impormasyon sa mga miyembro at gamitin ito sa ngalan ng red tagging at harrasment. Bukod dito, ang Forum Dimensions at University Student Council ay hindi makapamahagi ng serbisyo sa mga estudyante kapag walang tamang permit para magpalakad ng serbisyo sa school premises, ito ay malinaw na kaso ng censorship at pangbubusal galing sa pasistang rehimen ng Marcos at Duterte na dumadaloy na sa mga unibersidad.
Patuloy rin ang pagsasawalang bahala ng administrasyon sa pag-impeach kay Sara Duterte na nagpalala ng pagpapahirap sa sambayanang pilipino na nagnakaw ng ating bilyon-bilyong pera sa pamamagitan ng Confidential and Intelligence Funds. 8 na buwan na ang nakalipas mula noong pagpasa ng complaints laban sa bise presidente ngunit hanggang ngayon, nasa posisyon parin si Duterte at malayang makakapagdagdag ng pasakit sa mga Pilipino.
Ang mga ito ay nagsasalamin sa kung paano sinasagot ng rehimeng Marcos-Duterte ang mga tugon ng masa, makikita ito sa kung paano nila hinaharass at sawatain ang mga komunidad ng mga pesante at mga tumandok. Nakakagimbal na kahit sa mga paaralan at unibersidad ay laganap din ang pagsupil ng madugong rehimen.
Kaya, ang sagot ng mga estudyante sa pagbukas ng bagong academic year ay First day Fight laban sa pagsupil sa mga estudyante, sa mga kulang na mga silid aralan at mga pasilidad, sa tamang paglaan ng pondo para sa pagpaayos ng sira sirang silid, laban sa campus militarization, laban sa walang humpay na pagsupil ng pasistang rehimen ng Marcos-Duterte sa mga iyak at pagdedemanda para sa pangangailan ng mga estudyante.
Sa pagpapatuloy ng tradisyon sa paglilingkod sa masa, itinaas natin ang ating mga kamao laban sa kakulangan ng badyet para sa sektor ng edukasyon. Ito ang ating unang araw na paglaban sa pagbawas ng badyet sa mga SUCs, militarisasyon sa kampus, at para sa karapatan at kapakanan ng mga estudyante. Kaming mag-aaral, ay unang nakaranas kung paano ito nakakaapekto sa aming edukasyon-mula sa kakulangan ng mga silid-aralan hanggang sa pagsupil. Gayunpaman, ang mga realidad na ito ay magpakailanman na nagpapaypay ng apoy ng pakikipaglaban at pakikibaka hanggang sa matamasa ng mga mag-aaral ang magandang silid-aralan, paglaya mula sa militarisasyon sa kampus, hanggang sa matugunan ang ating mga kahilingan para sa mas malaking badyet para sa edukasyon at hanggang sa tunay na malaya ang inaaping masa. Ito ang simula ng bagong akademikong taon, ang simula ng pagliliyab ng patuloy na pakikibaka para sa karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral!
Mga Taga-West, sama sama tayong magdemanda at magorganisa para sa dagdag na badyet sa sektor ng edukasyon at para sa Studentsโ Rights and Welfare. Manindigan tayo na dapat tugunan ang mga totoo at nakakalarma na mga pangangailangan ng mga estudyante para itaguyod ang tradisyon ng kahusayan.