Kilusang Maralita sa Kanayunan- KilosKa

Kilusang Maralita sa Kanayunan- KilosKa A Philippine national peasant movement based in Mindanao dealing with issues on agrarian reform, environmental degradation, and development aggression.

Ang Kilusang Maralita sa Kanayunan (Kilos Ka) ay kalipunan ng mga maliliit na mga magsasaka, mangingisda, manggagawang bukid; lahat ng mga maralitang nakasalalay ang hanap buhay sa kanayunan. Ito ay itinatag noong Abril 13-15, 2010 sa Iligan City at kasalukuyang binubuo ng 80 na myembrong organisasyon mula sa iba't ibang probinsya ng Mindanao.

12/06/2026
12/06/2026
๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ– ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐งHindi lamang pag-alala sa nakaraan ang Araw ng Kalayaan, ito ay pagpapatibay ng ating sama-saman...
11/06/2026

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ– ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง

Hindi lamang pag-alala sa nakaraan ang Araw ng Kalayaan, ito ay pagpapatibay ng ating sama-samang lakas at paninindigan para sa isang mas makatarungan at makataong lipunan.

Sa diwa ng sakripisyo at kabayanihan ng ating mga ninuno, patuloy nating isinusulong ang karapatan, dignidad, at kapakanan ng bawat Pilipino.

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ ๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™œ๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ก๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฎ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ, ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™œ๐™–๐™ฌ๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™™๐™ž๐™จ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ, ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™–๐™—๐™ค๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ, ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™ข๐™ž๐™ก๐™ฎ๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ช๐™ข๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™š๐™œ๐™ช๐™ง๐™ž๐™™๐™–๐™™ ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™–.

Ngayon, higit kailanman, ang ating pagkakaisa at kolektibong pagkilos ang susi sa pagbuo ng isang bansang walang naiiwan at walang napag-iiwanan.

๐Šalayaan, ๐Šatarungan, ๐Šaunlaran ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ!

Patuloy nating buhayin ang diwa ng kalayaan sa bawat pagkilos, pakikilahok, at pagtatanggol sa karapatan ng sambayanan.

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ฆ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š, ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š, ๐ค๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง, ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ฌ๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐š ๐ฌ๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ ๐จ!

๐™†๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™‡๐™–๐™๐™–๐™ฉ, ๐™ƒ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™‹๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™„๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ.

11/06/2026

On the last day of the Asian Development Bank's Asia Clean Energy Forum 2026, GAIA Asia Pacific puts the spotlight on the proposed โ‚ฑ26-billion waste-to-energy incinerator in Tondo, Manila, and the harms it threatens to deepen in a community long shaped by poverty, waste work, displacement, and grassroots resilience.

The study raises serious legal, environmental, financial, and human rights concerns surrounding the project, including risks of pollution, forced demolitions, and threats to zero waste livelihoods and the right of urban poor communities to on-site development.

This publication is part of GAIA Asia Pacificโ€™s Loss and Damage Report series, which centers community experiences and demands for justice, accountability, and real zero waste solutions.

Download here: https://bit.ly/SmokeyMountainWTE

11/06/2026

SUMAMA! JUNE 12 / 5AM-8AM
LIWANAG SA MINDANAO!
Martsa para sa Katarungan, Pananagutan, Kalikasan, Karapatan, at Kasarinlan!
CSU-CCNHS Sinsuat Hiway to Tantawan Park

Wakasan ang lohika ng Pribatisasyon, Deregulasyon at Liberalisation! Mas lalong nasasadlak ang Mamamayan, iginagapos sa Kadena ng pananamantala ng dinastiya at kapitalista.

Isa dito na โ€‹patotoo ay ang kasalukuyang sistema sa Elektrisidad sailalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ay nagsisilbi lamang sa akumulasyon ng tubo ng malalaking korporasyon sa halip na sa serbisyo publiko. Isang buhay na patunay rito ang kontrol ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa transmission component ng bansaโ€”isang consortium na 60% ay pagmamay-ari ng mga negosyanteng Henry Sy, Jr., Robert Coyiuto, Jr., at ng Maharlika Investment Corporation, habang ang 40% ay hawak ng State Grid Corporation of China.

โ€‹Dapat ituring ng Pilipinas ang enerhiya at elektrisidad bilang isang estratehikong usaping panseguridadโ€”gaya ng pagkain, tubig, at kalusugan. Ang kawalan ng kontrol dito ay isang malaking dagok sa ekonomiya at sa buong mamamayan.

โ€‹Ang Aming mga Posisyon at Panawagan:

โœ“ โ€‹Tutulan ang Pagsasapribado ng Agus-Pulangi Hydroelectric Complex (APHEC): Ang tubig at kuryente ay mga batayang karapatan at hindi dapat gawing kasangkapan para sa tubo ng iilang negosyante. Ang kuryente mula sa APHEC ang isa sa pinakamurang pinagkukunan ng enerhiya sa Mindanao; ang pagkawala nito sa pampublikong kontrol ay garantiya ng mas matinding kahirapan para sa mga konsyumer.

โœ“ โ€‹Kontrol ng Publiko, Hindi ng Korporasyon: Ang mga Public-Private Partnership (PPP) o concession agreements ay nag-iiwan lamang ng pangalan ng gobyerno sa papel. Ang kontrol sa operasyon, kita, at singilin ay napupunta pa rin sa mga korporasyon sa loob ng maraming henerasyon.

โœ“ โ€‹Rehabilitasyon, Hindi Benta: Pananagutan ng pamahalaan na pondohan at irehabilita ang APHEC sa ilalim ng pampublikong pamamahala upang mapanatili ang murang kuryente (generation cost) na nagtataguyod sa mga lokal na industriya at sambahayan sa Mindanao. Ayon sa datos ng gobyerno, kumikita ang APHEC ng hindi bababa sa โ‚ฑ9 bilyon taon-taonโ€”ang koleksyon mula pa noong 2001 ay sobra-sobra pa para pondohan ang rehabilitasyon nito nang hindi na kailangang ibenta sa mga pribadong kamay. Bakit hindi pa rin nababayaran ang utang?

โœ“ โ€‹Ibasura ang EPIRA at Alisin ang VAT: Pasanin sa aming mga mamamayan na sa ilalim ng EPIRA, pinapayagang patawan ng dagdag na buwis ang bawat yugto ng serbisyo (generation, transmission, distribution, at systems loss). Hiling namin ang pagtanggal ng 12% VAT at excise tax sa mga estratehikong serbisyo tulad ng elektrisidad at petrolyo, lalo na't malayang ipinapasa ng mga Independent Power Producers (IPPs) ang kanilang singil sa amin tuwing may krisis sa langis.

โœ“ โ€‹Independent Audit sa PSALM at NAPOCOR: Nananawagan kami na ilunsad ang isang transparent na imbestigasyon at audit upang matukoy kung alin ang tunay na utang, paano ginasta ang kita, at saan napunta ang mga pondo ng sektor ng elektrisidad.

โœ“ โ€‹Alagaan at Ipagtanggol ang Kalikasan: Una, ay kilalanin ang Karapatan sa Lupaing Ninuno at Katubigan ng mga Katutubo at Bangsamoro. Nanawagan din kami sa malawakang proteksyon sa mga kagubatan at katubigan para sa sustenableng pagsasaka at pangingisda. Kasama dito ang paglalaan ng komprehensibo at Sustenableng atensyon para sa agrikultura at makakalikasan at demokratikong industriyalisasyon.
โ€‹
Malinaw, na โ€‹ang mga Ilog Agus at Pulangi ay buhay na ugnayan ng mga Meranaw, Manobo Pulangiyon, at ng buong Mindanao. Marapat lamang na manatili itong pampublikong yaman. Ang pagsasapribado nito ay tahasang pagtalikod ng gobyerno sa responsibilidad nito sa bayan. Ang usaping APHEC ay usaping tubig, Karapatan, kabuhayan at buhay, hindi lang Elektrisidad.

Panawagan din nating dapat may managot sa mga anomalyang nailahad sa flood control, sa sektor sa edukasyon, kalusugan, agrikultura, at iba pa.

Dagdag pa, dapat isakatuparan ang mapayapa at Malaya ang KAUNA-UNAHANG Halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Itigil na ang nakasanayang Marahas at maruming kalakaran na yumuyurak sa kalayaan at Karapatan ng bawat botante.

Panghuli, ay parehong palayasin ang mga pwersang dayuhan tulad ng Tsina at Amerika, at iba pang bansa na nangingialam sa pampolitika at pang-ekonomiyang buhay ng BARMM, Mindanao at Pilipinas.

Sa Hunyo 12, 2026, samahan natin ang iba't-ibang sektor sa Cotabato City at karatig bayan para sa isang Paghahayag at naiibang paggunita sa Araw ng Kalayaan.

Magkitakita po tayo sa harap ng CSU at CCNHS Main Campus sidewalk, alas 5 ng umaga. Babaybayin natin ang kahabaan ng Sinsuat Avenue papuntang Tantawan Park para sa isang programa.

Lumahok! Maghayag! Magdala ng mga panawagan. Magdala ng kasama.

Ating panawagan:
โ€‹HUWAG IPASAKAMAY SA PRIBADO ANG MGA ILOG AGUS AT PULANGI!
GOVERNMENT-LED REHABILITATION NG APHEC, HINDI PPP, HINDI BOT!
TANGGALIN ANG 12% VAT AT EXCISE TAX SA KURYENTE AT LANGIS!
ISAPUBLIKO ANG PAMAMAHALA NG APHEC!
AUDIT PSALM AT NAPOCOR! ABOLISH EPIRA!
ITULOY MAAYAPA AT MALAYANG BARMM ELECTIONS!

โ€‹

11/06/2026

LIWANAG SA MINDANAO: Isang Martsa para sa Kapayapaan, Katarungan, at Kasarinlan

Ngayong darating na Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, 2026, ang mga sektor at mamamayan sa Cotabato City at mga probinsya ng Maguindanao ay hindi lamang aalalahanin ang nakaraang kasaysayan.

Sa kabila ng paglipas ng mga siglo, nananatili pa rin ang mamamayang nakagapos sa bago at lumang anyo ng panunupil.

Para sa mga sektor at karaniwang mamamayan, ang araw na ito ay pagtindig para sa patuloy na pagsusulong ng tunay na kalayaanโ€”isang kalayaang may nakabubuhay na sahod, may sariling pagpapasya sa teritoryo, walang dayuhang dikta, at malaya sa takot at korapsyon.

Inaanyayahan ang buong sambayanan, mga mamamayan ng Cotabato City, at mga lalawigan ng Maguindanao na sumama sa "Liwanag sa Mindanao: A Walk for a Free and Peaceful BARMM Elections, Against APHEC Privatization, and for Accountability."

๐Ÿ“ Detalye ng Pagtitipon:
Assembly Point: Harap ng Cotabato State University (Cotabato City National High School Main Campus Highway)
Oras: 5:00 AM (Alas-singko ng umaga)
Ruta: Babaybayin ang Sinsuat Avenue patungong Tantawan Park (kung saan gaganapin ang isang mapagpalayang programa)

โœŠ Ang Ating mga Sentral na Panawagan:

1. Patuloy na Pagsusulong ng Tunay na Kalayaan at Soberenya laban sa Dayuhang Pangingialam

Ang tunay na kalayaan ay hindi lamang pagkakaroon ng sariling watawat; ito ay ang kakayahan ng bansang itakda ang sarili nitong landas nang walang idinidiktang interes ng malalaking bansa. Ipaglaban ang soberenya ng Pilipinas sa ating mga katubigan at buong teritoryo! Mariing labanan ang lahat ng uri ng dayuhang pangingialam sa ating ekonomiya at politika, at itulak ang pagbuwag sa mga di-makatarungang kasunduan na nagpapasailalim sa atin sa dayuhang kapritso. Kaakibat nito, ipaglaban ang karapatan ng mga katutubong pamayanan at Moro sa kanilang Lupaing Ninuno na siyang ugat ng ating kasarinlan. Kasama rin sa ating panawagan ang pagwawakas ng mga okupasyon, digmang agresyon ,at panunupil sa mga bansa (Paelstina, Ukraine, Cuba, Myanmar, at marami pa).

2. Isulong ang Demokratikong Karapatan ng Lahat ng Sektor ng Lipunan

Walang tunay na kalayaan kung ang mga maylikha ng yaman ng bansa ay nakalubog sa kahirapan. Isulong ang nakabubuhay na sahod, regular na trabaho, at ligtas na pagawaan para sa mga manggagawa; tunay na reporma sa lupa para sa mga magsasaka; proteksyon sa tradisyunal na pangisdaan para sa mga mangingisda; pantay na karapatan at pagwawakas sa diskriminasyon para sa kababaihan; at ang kapanahunan at kagalingan ng lahat ng pinagkakaitang sektor sa lipunan.

3. Buwagin ang mga Dinastiyang Politikal at Panunupil ng Alyansang Politiko-Kapitalista

Ang monopolyo sa kapangyarihan ay tanikala sa leeg ng mamamayan. Nananawagan tayo sa pagbuwag ng mga dinastiyang politikal na nagbabaon sa bayan sa kahirapan upang mapanatili ang sarili sa puwesto. Labanan at baklasin ang mapanupil na alyansang politiko-kapitalista na nagkukuntsabuhan upang dambungin ang yaman ng bayan, pagsamantalahan ang lakas-paggawa, at supilin ang boses ng mga mamamayan.

4. Labanan ang Pribatisasyon ng Agus-Pulangi Hydroelectric Complex (APHEC)

Ang pagtatanggol sa APHEC laban sa pribatisasyon ay pagtindig para sa kalikasan at sa karapatan ng mga mamamayan sa abot-kayang kuryente. Ang ating panawagan: Ibalik sa publiko ang pamamahala ng APHEC at ang buong sektor ng elektrisidad, o tuluyang ibasura ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA)! Ang pagtatanggol sa APHEC ay pagtatanggol din sa integridad at buhay ng mga Ilog Agus at Pulangi.

5. Malinis, Ligtas, at may Kredibilidad na Halalan sa BARMM

Kaisa ang mamamayan sa panawagan sa pamahalaan at mga kaukulang ahensya na seryosohin at agarang tugunan ang mga karahasang nauugnay sa parating na halalan. Karapatan ng bawat mamamayan sa Bangsamoro ang isang halalang ligtas, tapat, at may kredibilidad upang matiyak na ang tunay na tinig ng bayan ang mamamayani.

6. Pang-ekonomiyang Hustisya at Pagsugpo sa Kahirapan

Isang mabigat na pasakit sa bulsa ng bawat pamilya ang 12% Value Added Tax (VAT) at iba pang mga dagdag-singil sa mga pangunahing bilihin at serbisyo, na pinalalala pa ng epekto ng nagpapatuloy na digmaan sa Gitnang Silangan. Nananawagan tayo sa pamahalaan ng isang komprehensibo, agaran, at sustenableng tugon upang maibsan ang krisis sa kabuhayan.

7. Pananagutan sa Kabang-Bayan at Kapangyarihan

Itaas natin ang boses para sa tunay na hustisya. Dapat panagutin ang lahat ng mga tiwali na sangkot sa pandarambong, korapsyon, at pang-aabuso sa kapangyarihan at sa kaban ng bayan. Walang tunay na kalayaan kung walang pananagutan!

Magkaisa. Magmartsa. Magprotesta.

Ang kalayaan ay hindi ibinibigay, ito ay ipinaglalaban. Huwag nating hayaang manatili sa dilim ang kinabukasan ng Mindanao. Maging liwanag tayo sa gitna ng mga hamon ng panahon. Magkita-kita tayo sa Hunyo 12!

Ikontak:
09556424756/Bong
09971778144/Rsdy

11/06/2026
10/06/2026
10/06/2026
๐ŸŒพ ๐Ÿ‘๐Ÿ– ๐“๐š๐จ๐ง ๐ง๐  ๐‚๐€๐‘๐: ๐‹๐ฎ๐ฉ๐š, ๐Š๐š๐ญ๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ƒ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐ŸŒพTatlong dekada at walong taon na ang nakalipas mul...
10/06/2026

๐ŸŒพ ๐Ÿ‘๐Ÿ– ๐“๐š๐จ๐ง ๐ง๐  ๐‚๐€๐‘๐: ๐‹๐ฎ๐ฉ๐š, ๐Š๐š๐ญ๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ƒ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐ŸŒพ

Tatlong dekada at walong taon na ang nakalipas mula nang maisabatas ang ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ซ๐ž๐ก๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ž ๐€๐ ๐ซ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง ๐‘๐ž๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ (๐‚๐€๐‘๐), isang mahalagang bunga ng mahabang pakikibaka ng mga magsasakang Pilipino para sa kanilang karapatan sa lupa.

Ngunit hanggang ngayon, marami pa ring magsasaka ang naghihintay ng ganap na katarungang agraryo. Patuloy nilang hinaharap ang mga suliranin sa pagmamay-ari ng lupa, kakulangan ng suporta sa produksyon, mababang presyo ng ani, at mga banta sa kanilang kabuhayan.

Sa paggunita ng ika-38 anibersaryo ng CARP, kinikilala natin ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa pagtiyak ng pagkain sa ating mga hapag at sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Ang laban para sa lupa ay laban para sa dignidad, kabuhayan, at kinabukasan ng ating mga pamayanan.

Makatarungang repormang agraryo.
Proteksyon sa karapatan ng mga magsasaka.
Kaunlarang ramdam hanggang sa kanayunan.



๐™‡๐™ช๐™ฅ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™–. ๐™†๐™–๐™ฉ๐™–๐™ง๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ข๐™–๐™œ๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™–.

Address

Iligan City
9200

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kilusang Maralita sa Kanayunan- KilosKa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kilusang Maralita sa Kanayunan- KilosKa:

Share