05/10/2026
๐ท๐จ๐น๐จ ๐บ๐จ ๐ด๐ฎ๐จ ๐ฎ๐ผ๐น๐ถ๐ต๐ฎ ๐ต๐จ๐ฎ๐ฉ๐ฐ๐ฎ๐จ๐ ๐ต๐ฎ ๐จ๐น๐จ๐ณ ๐จ๐ป ๐ฐ๐ต๐บ๐ท๐ฐ๐น๐จ๐บ๐๐ถ๐ต
Ngayong Araw ng mga G**o, buong pusong nakikiisa ang Makapil Klab sa pagdiriwang para sa mga g**ong araw-araw na nagbibigay ng kanilang oras, tiyaga, at malasakit para sa kanilang mga mag-aaral.
Mas naging makulay ang pagdiriwang dahil nakita natin ang ating mga g**o na nakisaya, nakipaglaro, nagtawanan, at naglaan ng oras upang magsaya kasama ang buong paaralan. Sa likod ng kanilang seryosong pagtuturo at responsibilidad, masaya ring makita ang kanilang mga ngiti at ang mga sandaling nagbigay sa atin ng magagandang alaala.
Bilang Makapil Klab, nagpapasalamat kami sa pagkakataong maging bahagi ng espesyal na araw na ito. Malaking pasasalamat din sa SSLG, YES-O, BKD, TBLSC, at AP Club na nakibahagi at tumulong upang maisakatuparan ang mga gawain para sa ating mga g**o. Sa bawat oras, effort, at simpleng tulong na ibinigay ng bawat isa, naging mas maayos at mas masaya ang ating pagdiriwang.
Sa aming mga minamahal na g**o, maraming salamat sa inyong walang sawang pagtuturo at paggabay. Salamat sa inyong pasensya sa aming mga pagkakamali, sa mga paalalang minsan ay paulit-ulit, at sa mga aral na hindi lamang tungkol sa mga asignatura kundi pati na rin sa buhay.
Maaaring hindi namin palaging maipakita o masabi kung gaano namin kayo pinahahalagahan, ngunit ang inyong mga pagsisikap ay hindi nasasayang. Ang bawat kaalaman, payo, at inspirasyong ibinabahagi ninyo ay nagiging bahagi ng aming paglaki at paghahanda para sa aming kinabukasan.
Ngayong araw, sana ay nakaramdam kayo ng saya at pagpapahalaga na tunay ninyong deserve. Ang araw na ito ay para sa inyoโpara sa mga g**ong patuloy na nagbibigay, nagtitiis, nagtuturo, at naniniwala sa kanilang mga mag-aaral.
Maligayang Araw ng mga G**o sa lahat ng aming minamahal na g**o!
Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming mga pangarap, kwento, at paglalakbay bilang mga mag-aaral.
**o