17/06/2026
๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ผ๐. ๐๐ผ๐๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐. ๐๐ผ๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐.
Sa buwang ipinagdiriwang ang kalayaan at kasarinlan, ay isinilang ang mga taong puno ng ngiti, sigla, at kagalakan. Katulad ng bansang Pilipinas na nagdiriwang ng bagong simula, ang bawat isa ay isang patunay na ang Hunyo ay hindi lamang buwang puno ng kasaysayan โ kundi ito ay buwang ipinagdiriwang natin ang kapanganakan at bagong yugto ng buhay ng mga taong siyang tunay na dahilan kung bakit napakaespesyal ang buwan na ito.
Kagaya ng pagkatatag ng Katipunan na siyang nagbuklod sa mga Pilipino tungo sa iisang mithiin โ kayo rin ay pinagbuklod ng tadhana upang maging bahagi nitong samahang may layunin at kahulugan. Sa kabila ng pagkakaiba ng pinagmulan, karanasan, at pananaw โ kayo ay nagkaisa sa kadahilanang lugod ninyong pinili na pagsilbihan ng ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ถ๐ด๐ฐ, ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ฏ, ๐ข๐ต ๐ช๐ฏ๐ต๐ฆ๐จ๐ณ๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ ang ating samahan. Kayo ang dahilan kung bakit mas maas may kabuluhan, puno ng saya, at lubos na nagiging makulay ang pagdiriwang na ito. Sa buwan na ito ng inyong kaarawan, binibigyang-pugay namin ang inyong buhay na nagsisilbing regalo sa buong samahan. Isang napakalaking pribilehiyo na kayoโy aming nakasama upang paglingkuran ang ating kapwa mag-aaral. Nawa'y sa bagong yugto ng inyong buhay ay mas marami pa kayong mapaligaya at mapagsilbihan.
Gaya ng maingat na paghibla sa tela at ang katangi-tanging paglikha ng ating watawat na siyang sumisimbolo sa ating kasarinlan at pagkatao, kayo rin ay hinubog ng Maykapal na may kanya-kanyang ganda, taglay, at abilidad. Tulad ng bawat kulay ng watawat na may sariling kahulugan โ ang p**a na sagisag ng tapang at dugo ng ating mga bayani, ang asul na kumakatawan sa kapayapaan at katarungan, at ang puting sumasalamin sa kalinisan ng layunin, gayundin ang bawat isa sa inyo ay may kulay na natatangi, may simbolo na kakaiba, at may kahulugang hindi maaaring palitan ng iba. Hindi kayo basta-bastang naisilang โ kayo ay pinili, maingat na hinubog, at may layuning katangi-tangi na inilagay sa mundong ito. Bawat ngiti ninyo ay isang hibla ng pag-asa, bawat tawa ay isang tahi ng kagalakan, at bawat hakbang na inyong ginagawa ay isang bahagi ng mas malaking larawan na ipinipinta ng Maykapal na para sa inyo. Kung paano ang watawat ay hindi kumukupas kahit sa gitna ng bagyo at pagsubok, nawaโy kayo ay mananatiling maliwanag, malakas, at hindi matibag sa gitna ng mahirap at mapaghamong yugto ng inyong buhay.
At tulad ng pagwagayway ng bandila nang may pagmamalaki at bilang tanda at pag-asa, ganoon din namin itinataas ang ang aming mga ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ, ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ถ๐ณ๐ช ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ถ๐จ๐ข๐บ โ bilang pagkilala at pagdiriwang sa inyong espesyal na araw. Itinataas namin ito hindi lamang dahil kaarawan ninyo, kundi dahil kayo ay bahagi ng samahang ito na patuloy na lumalago, nagbabago, at nagbibigay ng kulay sa bawat aktibidad, bawat proyekto, at bawat sandaling mag kakasama tayo. Kung paano ang bandila ay itinaas sa mga sandaling may kahulugan โ sa mga tagumpay, sa mga pagdiriwang, at sa mga sandaling ipinagmamalaki ng isang bansa ang kanyang sarili, ganoon din ang aming pagbati sa inyo.
Ngayong buwan na ito, ang bandila ay para sa inyo.
๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ข๐๐ข๐๐ก๐๐ ๐ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐ ๐๐ฎ๐ค. Ang inyong pagiging bahagi ng Computer Science Society, ang inyong mga naiambag, at ang inyong patuloy na pagnanais na lumago at matuto. At kasama ng buong samahan, itinataas natin ito nang buong dangal, nang buong puso, at nang may pagmamalaking walang kupas. Nawa'y maging simula ito ng mas marami pang tagumpay, mas malalalim na karanasan, at mas malawak na pag-unlad para sa inyo.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๏ธ Jezreel Guillermo
๐ป Rieck Paco