Support New Muslim Project

Directions Contact the organization

Support New Muslim Project A donation drive to help our needy new muslim brothers and sisters.

Alhamdulillah…Patuloy pong nagpapakita ng magandang progress si Mujahid at malaking ginhawa ito para sa kanyang pamilya....
07/05/2026

Alhamdulillah…

Patuloy pong nagpapakita ng magandang progress si Mujahid at malaking ginhawa ito para sa kanyang pamilya. Maraming salamat po sa inyong mga du’a, tulong, at pagdamay sa kanila sa mga nakaraang araw.

Sa kasalukuyan, mahigit 8 days na po silang hindi makalabas ng ospital dahil hindi pa po sapat ang pambayad sa natitirang gastusin, lalo na sa doctors’ pay. Bagama’t may inaasahang tulong mula sa DSWD at iba pang government assistance para sa hospital bill, mayroon pa rin pong mga bayarin na kailangang ma-settle.

Kaya kami po ay muling kumakatok sa inyong mga puso na sana ay matulungan pa rin sila sa kanilang natitirang gastusin upang makauwi na rin po si Mujahid kasama ang kanyang pamilya.

Maari po kayong magpadala sa mga account na nasa larawan.

Patuloy po natin silang samahan sa du’a.
Allah is aware of every khayr you give.

Jazaakumullaahu khayran.

Isang taos-pusong pasasalamat sa bawat tumulong…Sa bawat halagang ipinadala maliit man o malaki ito Alhamdulillah at ram...
22/04/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa bawat tumulong…

Sa bawat halagang ipinadala maliit man o malaki ito Alhamdulillah at ramdam na ramdam po namin ang malasakit at kabutihan ng inyong mga puso.

May mga mensahe na nagsasabing, “pasensya na, ito lang muna…”
Ngunit para sa amin at sa pamilya ni Mujahid, hindi po iyon “lang.”
Malaking tulong na po ito para sa kanilang pangangailangan, lalo na sa gamutan ni Mujahid.

Sa mga panahong ito, ang bawat ambag ninyo ay nagiging bahagi ng laban ng isang bata na patuloy na lumalaban para sa kanyang buhay.

Hindi man namin kayo maisa-isa, ngunit ang inyong kabutihan ay hindi nakakaligtaan.
Tunay na nalalaman ito ni Allah, at Siya ang magbibigay ng pinakamainam na gantimpala.

Narito po ang dalawang account na maaari ninyong padalhan:

BPI: Qrcode (nasa ikalawang photo)

Gcash: 0956 791 2782
Name: Wa**a M.

Maraming salamat po sa inyong tiwala, tulong, at patuloy na pagdamay.

Jazaakumullaahu khayran!

16/04/2026

𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: 𝐂𝐮𝐫𝐫𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐧𝐝𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐌𝐮𝐣𝐚𝐡𝐢𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐚𝐥𝐥 𝐟𝐨𝐫 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐮𝐞𝐝 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭

Pakinggan po natin ang mensahe ng Director ng Al-Jalis As-Salih (The Good Companion), Inc. Islamic Center, Ustadh Abdul Jabbar A. Montañer.

Mga kapatid, ito po ay kasalukuyang update tungkol kay Mujahid, anak ng ating kapatid sa da’wah na si Brother Mart Abulkhayr Abuat.

Siya ay patuloy na lumalaban sa ospital. Sa ngayon, umaabot na sa milyon ang kanilang hospital bill, at patuloy pa itong nadadagdagan araw-araw.

Sa video na ito, personal pong nananawagan ang ating Director upang ipaabot ang kanilang sitwasyon at ang agarang pangangailangan ng tulong.

Patuloy po kaming kumakatok sa inyong mga puso.
Kahit maliit na tulong ay napakalaking bagay para kay Mujahid.

Maari po kayong magpadala ng tulong sa mga sumusunod na accounts:

Gcash Account:
0956 791 2782
Wa**a M.

For bank account: Please PM us for bank details

Makikiusap po kami na lagyan ng note ang inyong padala ng: “For Abuat’s Son” upang ito ay maayos na maitala.

Maari rin po kayong personal na mag-abot ng tulong sa aming opisina: Quezon Avenue Extension, Palao, Iligan City, Philippines.

https://maps.app.goo.gl/qcgjmFkJ46vZU7Rp6?g_st=ic

Sa update na ito, mas lalo nating nararamdaman ang kanilang pinagdadaanan. Nawa’y sama-sama nating pagaanin ang kanilang sitwasyon.

Jazaakumullaahu khayran.

Assalamu ‘alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh.Nais po naming ipabatid na ang anak ng ating kapatid ay patuloy pa ring n...
14/04/2026

Assalamu ‘alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh.

Nais po naming ipabatid na ang anak ng ating kapatid ay patuloy pa ring naka-confine sa ospital at kasalukuyang humaharap sa malaking gastusin para sa kanyang pagpapagamot. Dahil dito, kami po ay magalang na kumakatok sa inyong mga puso para sa anumang tulong na maaari ninyong maipagkaloob, narito po ang GCASH account na maaaring padalhan ng tulong:

GCash Number: 0970 286 9449
Name: Mart Abuat

Nawa’y ipagkaloob ng Allah (SWT) ang kagalingan sa bata at pagaanin ang pagsubok na kinakaharap ng kanilang pamilya. Anumang tulong at panalangin ay lubos po naming pinahahalagahan.

Jazaakumullahu Khayran.

Assalamu alaykum warahmatullahi e wabarakaatuh Dahil ang naunang GCash account ay umabot na sa monthly limit at hindi na...
25/03/2026

Assalamu alaykum warahmatullahi e wabarakaatuh

Dahil ang naunang GCash account ay umabot na sa monthly limit at hindi na maaaring padalhan, narito po ang alternatibong GCash account para sa mga nais magpadala ng tulong:

GCash Number: 0970 286 9449
Name: Mart Abuat

Makikiusap po kami na lagyan ng note ang inyong padala ng: “For Abuat Son” upang ito ay maayos na maitala.

Nawa’y ipagkaloob ng Allah (SWT) ang kagalingan sa bata at pagaanin ang pagsubok na kinakaharap ng kanilang pamilya. Anumang tulong at panalangin ay taos-pusong pinahahalagahan.

JazaakumAllāhu Khayran

Assalamu ‘alaykum wa rahmatullahi wa barakaatuh,Si Brother Abulkhyr Abuat ay ang appointment Imam ng jamaah ng mga balik...
25/03/2026

Assalamu ‘alaykum wa rahmatullahi wa barakaatuh,

Si Brother Abulkhyr Abuat ay ang appointment Imam ng jamaah ng mga balik-Islam sa Initao, Misamis Oriental sa ilalim ng gabay at pangangasiwa ng Al-Jalis As-Salih. Kilala siya bilang isa sa mga masisipag na da‘iyah na naging instrumento sa pagkalat ng Islam sa Kanituan at naging dahilan ng pagyakap ng maraming kapatid sa Islam sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan, kami po ay nananawagan ng inyong mga du‘a at tulong para sa kanyang anak na sampung (10) taong gulang, na kasalukuyang naka-confine sa ospital matapos ma-diagnose sa isang 𝐫𝐚𝐫𝐞 𝐜𝐚𝐬𝐞 𝐧𝐠 𝐜𝐡𝐢𝐜𝐤𝐞𝐧 𝐩𝐨𝐱 na nagdulot ng blood clot sa kanyang utak. Sa ngayon ay patuloy siyang lumalaban sa kanyang kalagayan

Narito po ang GCASH Account:

𝐆𝐜𝐚𝐬𝐡 𝐀𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭 :

GCash Number: 0970 286 9449
Name: Mart Abuat

Maaaring ipadala ang inyong tulong sa nasabing account. Ang QR Code ng GCASH ay makikita sa kalakip na larawan para sa mas mabilis pagpapadala. Anumang halaga, maliit man o malaki, ay malaking ambag sa kanyang pangangailangan. Higit sa lahat, ang inyong taos-pusong du‘a ay lubos naming pinahahalagahan.

Nawa’y ipagkaloob ng Allah (SWT) ang kagalingan sa bata, at pagaanin ang pagsubok na kinakaharap ng kanilang pamilya.

JazaakumAllāhu Khayran.

Address

Al-Jalis As-Salih (the Good Companion) Inc. Islamic Information Center, Quezon Avenue Extension, Brgy. Pala-o
Iligan City
9200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Support New Muslim Project posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Support New Muslim Project:

Shortcuts

Share