16/04/2026
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ 7 ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ 2026
Cabisera 7 โ Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Sangguniang Kabataan (SK) officials ng Barangay Cabisera 7, katuwang ang mga youth volunteers, para sa nalalapit na pagbubukas ng Inter Purok Basketball League 2026.
Kagabi, matagumpay na isinagawa ang clean-up drive at repainting ng covered court pavement na tumagal lamang ng limang oras bago tuluyang natapos. Naging posible ang mabilis na pagsasakatuparan ng aktibidad dahil sa sama-samang pagtutulungan at dedikasyon ng mga kabataang boluntaryo sa barangay.
Lubos namang ikinatuwa ni SK Chairperson Christian Angelo Butac ang ipinakitang suporta at pakikiisa ng kabataan. Ayon sa kanya, ang ganitong uri ng pagkakaisa ay patunay ng malasakit ng kabataan sa kanilang komunidad at sa mga programang inilulunsad ng SK Cabisera 7.
Samantala, nakatakda ngayong araw ang paglalagay ng mga tela sa bakal na pinagkakabitan ng ring upang mabawasan ang posibleng panganib o hazard sa mga manlalaro. Bahagi ito ng patuloy na pagsisiguro ng kaligtasan ng lahat ng kalahok sa liga.
Nagpaalala rin ang SK Cabisera 7 sa publiko na hanggaโt maaari ay iwasan muna ang paggamit ng covered court upang mapanatili ang kalinisan at maayos na kondisyon nito hanggang sa mismong araw ng pagbubukas ng liga.
Ang Inter Purok Basketball League 2026 ay inaasahang magbubukas sa darating na Sabado, Abril 18, ganap na ika-4 ng hapon.
โ๏ธTan, inkaibalita