20/10/2025
β
(sa ilalim ng Labor Code ng Pilipinas) ay isang uri ng ng termination o pagtanggal sa trabaho.
βοΈ Kahulugan:
Ang redundancy ay nangyayari kapag ang posisyon ng empleyado ay sobra o hindi na kailangan dahil sa mga pagbabago sa operasyon ng kumpanya.
Halimbawa:
1. May sobrang tauhan para sa parehong trabaho;
2. O kaya ay nagsanib o nagbago ang mga departamento, kaya hindi na kailangan ang ilang posisyon.
π Batayan sa Batas:
β‘οΈ Article 298 [dating Article 283] ng Labor Code of the Philippines
β
REQUISITES OF A VALID REDUNDANCY
(Batay sa Labor Code at mga desisyon ng Korte Suprema)
Para maging lehitimo o valid ang pagtanggal ng empleyado dahil sa redundancy, kailangang masunod ng employer ang mga sumusunod na apat na rekisito π
βοΈ 1. Written notice
π Kailangang magbigay ng nakasulat na abiso sa:
1. Apektadong empleyado, at
2. DOLE (Department of Labor and Employment)
Na Hindi bababa sa 30 araw bago ang petsa ng effectivity ng termination.
βοΈ 2. Good faith
πΌ Dapat ay ginawa ang redundancy na may mabuting loob (IN GOOD FAITH), hindi upang takasan ang pananagutan o parusahan ang empleyado.
Ang layunin ay dapat makatipid o mapabuti ang operasyon ng kumpanya, hindi personal na dahilan o diskriminasyon.
βοΈ 3. Fair and reasonable criteria
π Kailangang gumamit ng makatarungan at makatwirang pamantayan sa pagpili ng tatanggalin, gaya ng:
A. Seniority
B. Efficiency at performance
C. Status of employment
D. Disciplinary record
βοΈ 4. Proof of redundancy
π Kailangang mapatunayan ng employer na tunay na may labis o sobra sa tauhan.
Halimbawa:
A. Organizational chart bago at matapos ang pagbabago
B. Financial statements o feasibility studies
C. Board resolutions o management orders
π‘ Sa Madaling Sabi:
Hindi sapat ang basta sinabing βredundant ka.β
Kailangang may dokumento, dahilan, at proseso upang maging valid ang termination DAHIL sa redundancy.
π Mga Dapat Gawin ng Employer:
1. Magbigay ng written notice sa empleyado at sa DOLE 30 days bago ang effectivity ng termination.
2. Magbayad ng separation pay na katumbas ng isang (1) buwang sahod bawat taon ng serbisyo, alinman ang mas mataas.
π‘ Halimbawa:
Kung si Attorney Promdi ay nagtatrabaho sa kumpanya ng 6 na taon at natanggal dahil sa redundancy:
Separation Pay = 30,000 (1 month pay) x 6 years of service =180,000