23/08/2026
🏸 4TH IBAAN OPEN & AGE-GROUP BADMINTON TOURNAMENT — SUCCESSFULLY CONCLUDED! 🏆
Matagumpay nating naidaos ang ika-4 na edisyon ng Ibaan Open and Age-Group Badminton Tournament!
Taos-pusong pasasalamat sa Barangay Officials, sa pangunguna ni Kapitan Ison Ilagan kasama si Ma’am Mary Rose Dalisay, sa inyong suporta at tulong upang maisagawa ang tournament.
Maraming salamat din sa MBG Officers, headed by President Keith Amiel Sadama, kay Consultant Jimwell Montalbo, at kay Michael Q. Balanay, Tournament Head, na sa ika-apat na magkakasunod na taon ay nanguna sa pag-organisa ng Ibaan Open.
Special thanks sa ating mga MBG members, professionals, pioneers, consultants, at supporters na nagbigay ng financial assistance at iba pang tulong: Hon. Bien Gabrielle Yabyabin, Wendell Ilagan, Beneson Maralit, Mark Palma, Joey Paul Endaya, Marc Leo Cabatay, Sir Jay Kit Leongson, at Nathaniel Balanay.
Maraming salamat din sa ating parents, players, umpires, tournament officials, technical committee, volunteers, at lahat ng tumulong behind the scenes. Ang inyong suporta at tiwala sa MBG ang dahilan kung bakit patuloy nating naisasagawa ang tournament na ito.
Nakakatuwang makita ang improvement ng ating mga young players—mas malakas na ang palo, mas marunong nang dumiskarte, mas tumatagal sa rallies, at mas lumalaban hanggang dulo! 💪🏸
Sa ating mga bata, sana bukod sa medals at panalo ay may naiuwi kayong bagong kaalaman, experience, sportsmanship, masasayang alaala, at bagong kaibigan. Continue training and keep improving!
Anuman ang mga hamon at kahit limitado ang resources, magpapatuloy ang MBG sa paggawa ng paraan upang masuportahan ang badminton at ang ating mga kabataang manlalaro sa Ibaan.
Para sa mga bata. Para sa mga manlalaro. Para sa badminton community ng Ibaan.
Maraming salamat sa inyong lahat!
Palakas pa tayo at see you next year sa 2027 Ibaan Open and Age-Group Badminton Tournament! 🏆🏸