16/04/2025
Taunang Tradisyon: Pabasa ng Kapitbahayan sa Nayon
Mula taong 1975 ay patuloy at taon-taong itinataguyod ang Pabasa ng Purok 1. Ilang linggo itong pinagtutulungang itayo at itaguyod ng ating sambahayan. Hangganv kasalukuyan ang tradisyong ito ay patuloy nating itinataguyod sa kabila man ng ilang mga pagsubok kagaya ng pandemya na pansamantalang pumigil sa taunang proyekto na ito.
Abril 16, 2025, araw ng Miyerkules ganap na ika-12 ng tanghali ay opisyal nang uumpisahan ang Pabasa sa ating Purok sa bakuran ng Pamilya 'Liwanag'.
Lubos ang aming pasasalamat sa walang sawang suporta sa ating kapitbahayan.
Asahan po namin ang bawat isa na makibahagi hanggang sa huling araw ng gawain na ito.
isinulat ni:
Justine Diama Carlos
Johnna Paula Roberto