27/07/2023
MASUNGIT NA PANAHON, PATULOY NA MARARAMDAMAN NGAYONG GABI⚠️
Patuloy na mararamdaman ang malalakas na hangin, buhos na ulan, at daluyong, sa Northern Luzon hanggang bukas ng madaling araw dahil sa bagal ng Typhoon ( ). Mahangin at maulan pa rin sa Luzon at Visayas.
⚠️ Ang mapaminsalang hanin at ulan ng bagyong EGAY ay patuloy na mararamdaman sa Babuyan Islands, northwestern portion of mainland Cagayan, at mga northern portion ng Apayao at Ilocos Norte ngayong gabi.
KASALUKUYANG IMPORMASYON SA BAGYO (7:00 PM):
• LOKASYON NG SENTRO: 95 km West Northwest of Calayan,
CAGAYAN
• PAGKILOS: Northwestward at 15 km/h
• LAKAS NG HANGIN MALAPIT SA GITNA: 165 km/h
• PAGBUGSO: 230 km/h
• LAWAK NG MALALAKAS NA HANGIN: 700 km mula sa sentro
MGA BAGONG IMPORMASYON:
➡ NASAAN NA ANG BAGYO?
Ang sentro ng bagyong EGAY ay nasa kanluran na ng Babuyan Islands, ngunit ang malawak na sirkulasyon niyo ay patuloy na makakaapekto sa Luzon ngayong gabi.
➡ ANO ANG MGA PINAKAAPEKTADO NG MAPAMINSALANG HANGIN?
Mula ngayong gabi hanggang bukas ng madaling araw, ang mapaminsalang inner rainbands ng bagyo ay patuloy na makakaapekto sa Babuyan Islands, northwestern portion of mainland Cagayan, at mga northern portion ng Apayao at Ilocos Norte.
➡ ANO ANG MGA PINAKAAPEKTADO NG MATINDING ULAN?
Mula ngayong gabi hanggang bukas, inaasahang pinakamatitindi ang mararanasang pag-ulan sa northwestern portion ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands at Ilocos Norte, Batanes, Ilocos Sur, the rest of Cagayan, Apayao, at Abra. Malalakas na pag-ulan rin ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng Northern Luzon.
Maraming lugar na sa Northern Luzon ang lubog sa baha dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan simula pa kahapon.
➡ HANGGANG KAILAN ANG MASUNGIT NA PANAHON?
Posibleng hanggang bukas ng umaga maramdaman ang masungit na panahon sa Northern Luzon, partikular sa Extreme Northern Luzon.
➡ ANO ANG AASAHAN SA IBANG LUGAR?
May pabugsu-bugsong ulan at hangin pa ring mararanasan sa Central Luzon, Metro Manila, at Southern Tagalog Region ngayong gabi. May paminsan-minsan hanggang sa madalas na pag-ulan pa ring aasahan ngayong araw sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas buong araw dahil sa habagat.
Tumataas ang tiyansang magtuluy-tuloy ang maulang panahon sa malaking bahagi ng Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas hanggang sa weekend dahil sa pag-ibayo pa ng habagat.
ℹ️ Patuloy na inaabisuhan ang lahat na patuloy na mag-antabay sa mga susunod na updates ukol sa inaasahang lagay ng panahon. Ingat!
PANAHONKONEK TC UPDATE FOR EGAY (DOKSURI)
8:00 PM PhST | 26 July 2023
Main Reference: PAGASA/JMA
Model Reference: ECMWF and GFS