31/07/2026
๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐ต๐ญ
Sa pagbubukas ng Agosto, muling ipinagdiriwang ang ๐ฝ๐ช๐ฌ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ฃ๐จ๐โ isang pagdiriwang na layong gisingin ang diwang makabayan at muling pagningasin ang pag-ibig sa wikang pagkakakilanlan ng bawat Pilipino. Ang wikang hindi lamang letra o salita, bagkus ay ugat ng kasaysayan, hibla ng salinlahing pinanday sa karangalan, at kaluluwa ng kulturang ipinamana't ngayon ay ating higit pang malilinang.
Sa taong ito, tampok ang temang "๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฉ ๐ผ๐: ๐๐๐จ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐จ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ช๐ก๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ง๐ข๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ". Sa panahong ang kaalaman ay nasa dulo na lamang ng ating mga daliri at ang teknolohiya ay patuloy na hinuhubog ang paraan ng ating pagkatuto, ipinaaalala ng temang ito na maaaring maging kaagapay ang 'paraang makabago' sa diwa ng Wikang Filipino.
Sa pananaliksik, umaalalay ang AI o ๐๐ณ๐ต๐ช๐ง๐ช๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐๐ฏ๐ต๐ฆ๐ญ๐ญ๐ช๐จ๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฆ sa higit na pagpapabilis ng pangangalap at pagsusuri ng impormasyon, gayundin, nakatutulong ito sa pagtunton sa angkop na datos, ideya, at mga sanggunian. Subalit, ating tandaan na ang teknolohiya ay hindi papantay sa ating wika, bagkus ay kasangkapan lamang upang mapagyaman ang kaalamang produkto ng ating isipan.
Nawa'y sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay tumimo sa atin na ang tunay na pag-unlad ay hindi masusukat sa mga "teknolohiyang" nagsisilabasan, kundi sa kung paano nito nahahasa ang ating kakayahan at nakaaalinsabay sa pagpapahalagaโt pangangalaga sa ating sariling wika.
Sapagkat sa nagbabagong mundo, hindi maiiwan ang Wikang Filipino. ๐๐ณ๐ต๐ช๐ง๐ช๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐๐ฏ๐ต๐ฆ๐ญ๐ญ๐ช๐จ๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฆ ay ๐ ๐๐ฉ๐ช๐ฌ๐๐ฃ๐, hindi utak na papalit sa Pilipinong may pusong umiibig sa wikang ipinipintig ng kaniyang puso. ๐ต๐ญโค๏ธโ๐ฅ
โ๐ป : Elmer Suico & Jairah Jumaquio