Kons JP Umali

Kons JP Umali JPUso.Gawa At Pag-Asa

09/05/2025

𝗦𝗔 π—¦π—˜π—₯π—•π—œπ—¦π—¬π—’ π—‘π—œ π—¦π—œπ—₯ 𝗝𝗣 π—¨π— π—”π—Ÿπ—œ, π—•π—”π—¬π—”π—‘π—š π—›π—”π—šπ—’π—‘π—’π—¬ 𝗔𝗬 𝗠𝗔π—ͺπ—œπ—ͺπ—œπ—Ÿπ—œ!

Nagtatag ng isang organisasyon - ang Juan HagonoeΓ±os si Sir JP Umali upang kahit walang posisyon sa pamahalaan ay makatulong pa rin sa mga nangangailangan nating kababayan. Tahimik siyang naghahatid ng tulong nang walang kapalit. Naniniwala siya sa prinsipyong "kung tutulong, tumulong na lang". Ngayo'y nag-aapply bilang Konsehal ng Hagonoy, ang kanyang plataporma

βœ…Mabilis na Serbisyo Publiko
βœ…Bukas na pamamahala
βœ…Solusyon sa baha

ATING SUPORTAHAN ANG BAGONG MAAASAHAN SA ATING KONSEHO, sa pinakailalim na magsimula !

!

08/05/2025

Si Konsehal Sir JP Umali ay isang lingkod-pamayanan at may-ari ng ilang mga negosyo dito sa ating bayan. Siya ay isang Iskolar na nakapagtapos ng kursong Electronics and Communications Engineering. Siya rin ang tagapagtatag at tagapamuno ng Juan HagonoeΓ±os Organization na sa halos anim na taon ay tumutulong sa mga mamamayan na maralita.

Mga Sentrong Adbokasiya
- Mabilis na Serbisyo Publiko
- Bukas na pamamahala
- Solusyon sa baha

Sa loob ng mahabang na panahon, adbokasiya na niya talaga ang pamamahagi ng libreng gamit sa mga mag-aaral. Kahit sa maliit na bagay, ninanais niya na makatulong sa bawat mamamayan. Ninanais na bilang Konsehal, lahat ng mag-aaral ng elementarya ay magkaroon ng libreng mga school supplies. Sa sektor ng kalusugan, ninanais niya na patuloy na ang pamamahagi ng mga nebulizer, sphygmomanometer, wheelchair, pang-maintenance at vitamins para sa mga Senior Citizens.

Sa pag-iintegrate ng teknolohiya para sa mas mabilis na serbisyo publiko, pangunahing plataporma niya na magkaroon ng One-stop-shop ng mga ahensya sa lokal na pamahalaan upang mas mabilis ang pag-tugon sa mga pangangailangan ng bawat mamamayan. Sa one-stop-shop na ito, mas magiging organisado ang pamamahagi ng tulong at magkakaroon ng organisadong transaksyon ang pamahalaang bayan at ng mga barangay.

Bukod sa research para sa pangmatagalang solusyon sa pagbaha, isusulong niyan ang green recovery upang kapag ganap ng masolusyunan at mapigil ang high tide, ay handa na ang mga mamamayan para sa muling pagbabalik ng sigla ng pamayanan at muling pagbabalik ng sigla ng mga HagonoeΓ±o. Naniniwala si Konsehal JP na , mayroong mas malinaw at makabuluhang kinabukasan na naghihintay para sa lahat kung lahat tayo ay sama-sama at magtutulungan na ihalal ang mga nararapat na kandidato para sa mga posisyon ng pamahalaan.

Ang inyong bagong maaasahan sa konseho,
SA TOTOONG SERBISYO, IKA’Y MAWIWILI KAY KONSEHAL SIR JP UMALI. Numero 30 sa balota!

06/05/2025

β€’30 KONSEHAL JP Umali
Dama ang hirap
Maglilingkod para sa LAHAT πŸ’š

May nagawa na at may Magagawa pa
Pinagkatiwalaan ng ibat ibang Sektor
Tunay na Serbisyo Publiko
Mararamdaman kahit hindi Halalan


JPUso.Gawa At Pag-Asa

Address

Hagonoy
3002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kons JP Umali posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share