KaSama Kabataan

KaSama Kabataan Basta Kabataang Hagonoeño, hindi maiiwan. Kasama ka!

Ang KaSama Kabataan Youth Organization ay naniniwala at nakikiisa sa sama-samang pagkilos at pagtindig ng Hagonoeño upan...
19/09/2025

Ang KaSama Kabataan Youth Organization ay naniniwala at nakikiisa sa sama-samang pagkilos at pagtindig ng Hagonoeño upang ipanawagan ang pagkitil sa korapsyon na siyang humahadlang sa maayos na kinabukasan ng kabataan sa ating komunidad.

Nawa ay makasama ka namin sa pagtindig, kabataang Hagonoeño.

18/09/2025
Bunga ng inilunsad na donation drive ng KaSama Kabataan Hagonoy-Youth Organization ay nabigyan ng munting tulong ang ila...
21/08/2025

Bunga ng inilunsad na donation drive ng KaSama Kabataan Hagonoy-Youth Organization ay nabigyan ng munting tulong ang ilang pamilya na nananinirahan sa lubog pang parte ng barangay Carillo, Hagonoy.

Ang nalikom na 3,090php ay nagamit upang maipangbili ng bigas, instant foods, at hygiene kits para sa 12 pamilya.

Lubos na nagpapasalamat ang organisayon para sa mga naging instrumento para maisakatuparan ang pagtulong na ito.

Maraming salamat rin sa Laan Youth-Org sa pagsama at paggabay sa ating mga volunteers upang ligtas at maayos na mapuntahan ang mga apektadong pamilya.

---

Basta Kabataang Hagonoeño, hindi maiiwan. Kasama ka!

Call for Donations  📣Sa gitna ng pinsalang dulot ng sunod-sunod na bagyong Crising, Dante, Emong, at ng patuloy na pagba...
27/07/2025

Call for Donations 📣

Sa gitna ng pinsalang dulot ng sunod-sunod na bagyong Crising, Dante, Emong, at ng patuloy na pagbaha sanhi ng habagat, ang bayan ng HAGONOY, Bulacan ay kasalukuyang dumaranas ng matinding KRISIS. Maraming pamilya ang nawalan ng tahanan, kabuhayan, at akses sa batayang paSa gitna ng pinsalang dulot ng sunod-sunod na bagyong Crising, Dante, Emong, at ng patuloy na pagbaha sanhi ng habagat, ang bayan ng HAGONOY, Bulacan ay kasalukuyang dumaranas ng matinding KRISIS. Maraming pamilya ang nawalan ng tahanan, kabuhayan, at akses sa batayang pa .

Bilang tugon, ang KaSama Kabataang Hagonoy – Youth Organization ay humihiling ng TULONG mula sa ating mga kababayan. Kailangan po namin ng DONASYON na ESENYSAL NA KAILANGAN katulad ng bigas, malinis na tubig, de-latang pagkain, at hygiene kits tulad ng sabon, toothpaste, sanitary pads, at iba pa. Bukas din kami sa PINANSYAL na donasyon upang makabili ng iba pang kinakailangang kagamitan.

Makakaasa po na LAHAT ng TULONG na inyong ipaparating ay direktang maipamamahagi sa mga apektadong pamilya sa Hagonoy, sa paraang maayos, tapat, at may malasakit.

for MONETARY donations:
GoTyme Bank:
MA. CRISTINA ELIGIO
013644152489

Gcash:
Diana Elizabeth L.
09616488192

BDO:
LUIS TOLENTINO
0054 1043 8354

for IN-KIND donations:
You may drop-off it in Purok 4 Acacia st. San Jose, Hagonoy, Bulacan

Masusubaybayan rin po rito sa aming page ang transparency report.






Kabataan ng Hagonoy, MAGING ALERTO.Narito ang mga numero na maaari ninyong TAWAGAN sa panahon ng PANGANGAILANGAN o EMERG...
24/07/2025

Kabataan ng Hagonoy, MAGING ALERTO.

Narito ang mga numero na maaari ninyong TAWAGAN sa panahon ng PANGANGAILANGAN o EMERGENCY:

0933-472-2211 - Rescue/MDRRMO-Hagonoy
0915-029-5184 - BFP-Hagonoy
0998-598-5382 - PNP-Hagonoy
0960-600-6396 - MAYORS OFFICE
0917-551-6211 / 0925-771-6211 - MERALCO

Maaari ninyo ring contact-in ang aming page kung sakaling kailanganin.

Unahin palagi ang kaligtasan, kabataan.

Walang maiiwan, kasama mo kami.

Maalab na pagbati, PIO Harvie! Nawa'y maging instrumento ka sa paglinang ng mga kabataan sa labas o loob man ng Hagonoy....
16/07/2025

Maalab na pagbati, PIO Harvie!

Nawa'y maging instrumento ka sa paglinang ng mga kabataan sa labas o loob man ng Hagonoy. 🤎

Taos-pusong pagbati sa iyo, KSK VP Mark Joshua!Ika'y inspirasyon para sa mga kabataang Hagonoeno! 🤎
16/07/2025

Taos-pusong pagbati sa iyo, KSK VP Mark Joshua!

Ika'y inspirasyon para sa mga kabataang Hagonoeno! 🤎

Binabati ka namin, KSK Treasurer Diana!Dangal ka ng kabataang Hagonoeno! 🤎
16/07/2025

Binabati ka namin, KSK Treasurer Diana!

Dangal ka ng kabataang Hagonoeno! 🤎

07/09/2024
DEAD MOTHER, DEAD ALL!Hinahamon ng SKSF ang lahat ng "mother" sa kabataan na bumuo ng grupo para sa kategoryang "chinese...
17/08/2024

DEAD MOTHER, DEAD ALL!

Hinahamon ng SKSF ang lahat ng "mother" sa kabataan na bumuo ng grupo para sa kategoryang "chinese garter" ng LARO NG LAHI BUKAS, Agosto 18, alas 3 ng Hapon sa bakuran ng Sagrada Familia Elementary School.

Makisaya at balikan ang pagkabata sa programahang handog ng Sanggunian Kabataan at KaSama Kabataan!



Katuwang ang KaSama Kabataan  ay matagumpay na naisakatuparan ng SK Sagrada Familia ang pagpapanood ng educational film ...
17/08/2024

Katuwang ang KaSama Kabataan ay matagumpay na naisakatuparan ng SK Sagrada Familia ang pagpapanood ng educational film sa mga bata sa baitang 5 at 6 noong Huwebes, Agosto 15 taong pangkasalukuyan.

Sa pamamagitan ng orihinal na Filipino Animated 2008 Film na Dayo ay natutunan ng mga bata ang tungkol sa mitolohiyang Filipino na parte ng ating kultura, kasama na rin ang natalakay sa istorya na pagmamahal sa lolo't lola, pagiging mali ng bullying, pagmamahal sa kalikasan, at pagkakaroon ng bilib sa sarili.

Alinsunod sa Sec 30 of Republic Act No. 10742, ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Sagrada Familia ay nakikiisa sa pagd...
13/08/2024

Alinsunod sa Sec 30 of Republic Act No. 10742, ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Sagrada Familia ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2024!

Sa isang linggong selebrasyong ito ay naghanda ang SKSF ng mga makabuluhan, kapakipakinabang, at masayang programang bubuhay sa talento at samahan ng Kabataang Sagrada.

Makakasama rin natin sa ilang kaganapan ang KaSama Kabataan youth-organization.

Manatili lamang nakatutok dito sa aming page kabataang Sagrada para sa mga anunsyo ngayong linggo.

Linggo mo ito kabataan!

Alinsunod sa Sec 30 of Republic Act No. 10742, ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Sagrada Familia ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2024!

Sa isang linggong selebrasyong ito ay naghanda ang SKSF ng mga makabuluhan, kapakipakinabang, at masayang programang bubuhay sa talento at samahan ng Kabataang Sagrada.

Makakasama rin natin sa ilang kaganapan ang KaSama Kabataan youth-organization.

Manatili lamang nakatutok dito sa aming page kabataang Sagrada para sa mga anunsyo ngayong linggo.

Linggo mo ito kabataan!



Address

Sagrada Familia
Hagonoy
3002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KaSama Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share