Angat Buhay - Hagonoy, Bulacan

Angat Buhay - Hagonoy, Bulacan Mabuhay mga KakamPink! Sama sama tayo, tulong tulong sa pagsalubong sa isang kinabukasang maliwanag, payapa at ligtas para sa lahat.

Si Leni Robredo ang Magdadala sa atin!

07/10/2025

🎶 TINDIG SA HIGHTIDE, HAGONOY PROTEST CONCERT 🎶

Hernandez, Mendoza, Alcantara
Bernardo, Galang, Discaya
Jinggoy, Binay, Joel, Revilla, Romualdez, Co,
Legacy, EGB, Alpha and Omega
St. Timothy, Road Edge, SYMS
Wawao, Darcy and Anna

Pamilyar ba sila? Tara ikanta natin 'yan!
Isang gabi ng Musika at Protesta para sa bayang sawa na sa malalang korupsyon at baha.

📍 Hagonoy Municipal Compound
📅 Oktubre 11, 2025 (Sabado) – 4:00PM

KITA-KITS ✊🫣✊



Kung may kuwestiyonable o maanomalyang proyekto sa inyong barangay, i-share sa KMJS ang larawan o video para kanilang ma...
30/09/2025

Kung may kuwestiyonable o maanomalyang proyekto sa inyong barangay, i-share sa KMJS ang larawan o video para kanilang maimbestigahan!

Mayroon bang kuwestiyonable o maanomalyang proyekto sa inyong lugar? I-share n'yo naman sa'min ang larawan o video para ating maimbestigahan.

17/09/2025
17/09/2025
17/09/2025
P1.365 BILLION FLOOD CONTROL PROJECTS SA HAGONOY NGAYONG 2025Ayon sa FY 2025 Annual Infrastructure Program na batay sa R...
16/09/2025

P1.365 BILLION FLOOD CONTROL PROJECTS SA HAGONOY NGAYONG 2025

Ayon sa FY 2025 Annual Infrastructure Program na batay sa Republic Act 12116 o General Appropriations Act (GAA) for Fiscal Year 2025, 511 projects na nagkakahalaga ng kabuuang P21.3 BILLION ang nakalaang pondo para sa Bulacan na karamihan ay naka-assign sa Bulacan 1st District Engineering Office bilang Implementing Office.

Mula sa kabuuang nakalaan sa Bulacan, 20 flood control projects na naman na nagkakahalaga ng tumataginting na P1.365 BILLION ang naka-budget para sa Hagonoy.

Matatandaang may kabuuang P1.74 BILLION (23 projects) noong 2023 ang nakalaan sa Hagonoy at P1.31 BILLION (20 projects) naman noong 2024.

Dahil para sa taong 2025 ang mga proyekto na ito, dapat lahat ng proyektong ito ay nasa status na on-going, completed, or may percentage na ng accomplishment o kaya naman ay nakikita at nararamdaman na ng mga tao. Bukod sa mga Flood Control Projects, marami ding iba pang Infrastructure Projects at Public Works ang makikitang nakalaan sa Hagonoy para sa taong 2025.

Nakapagtataka rin na kahit magkakaibang barangay, pare-pareho na naman ang halaga ng mga naaprubahang proyekto.
Bukod sa LGU, ang mga opisyal at residente ng mga barangay ang makakapagsabi kung meron nga ba o wala ang mga proyektong nakalista sa ibaba. Kaya mula sa GAA 2025, eto ang mga dapat na nagawa na o ginagawang mga flood control projects (kasama kung magkano ang allotment) sa Hagonoy.

Ping Lacson
Department of Public Works and Highways Sec Vince Dizon
Bongbong Marcos

Source: https://www.dpwh.gov.ph/dpwh/node/37500

Address

Hagonoy
3002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angat Buhay - Hagonoy, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Angat Buhay - Hagonoy, Bulacan:

Share