Love BOGS ADAD

Directions

Love BOGS ADAD "THE SECRET OF LIVING IS GIVING"
BY TONY ROBBINS

📢 LATE POST: 10,000 FOLLOWERS CELEBRATION! 📢 Isang taos-pusong pasasalamat po sa inyong lahat! Dahil sa inyong walang-sa...
19/09/2026

📢 LATE POST: 10,000 FOLLOWERS CELEBRATION! 📢

Isang taos-pusong pasasalamat po sa inyong lahat! Dahil sa inyong walang-sawang suporta, nakamit natin ang ating 10,000 Followers milestone! 🎉🙏

Bilang pasasalamat, isinagawa natin ang ating Cash Raffle at Best Banner Contest isang simpleng pagbabalik-loob para sa inyong patuloy na pagtangkilik. Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at naging bahagi ng ating selebrasyon!

Sa lahat ng nanalo CONGRATULATIONS! 🎊 At sa lahat ng sumuporta maraming salamat po. Hindi tayo makakarating dito kung wala kayo. Patuloy tayong magsama at lumago nang magkasama! 💙

Kaya dapat lagi kang nakapuso☺️💙

Isang makabuluhan at masayang araw para sa ating mga Gumaca Stroke Survivor! 💙 Ngayong araw, masayang nagsama-sama ang m...
19/09/2026

Isang makabuluhan at masayang araw para sa ating mga Gumaca Stroke Survivor! 💙

Ngayong araw, masayang nagsama-sama ang miyembro ng GSS Gumaca Stroke Survivor para sa isang masayang beach outing at munting salo-salo. Tunay na nagbigay ng ligaya ang pagkakataong ito upang magpahinga, magpalakas, at magbahagi ng karanasan kasama ang isa’t isa.

Lubos po tayung nagpapasalamat kay Sir Romel Capparos, na bukal ang loob na ipinahiram ang kanilang magandang resort dito sa Plaridel, Quezon bilang tagpuan ng kasiyahan! Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap at pagmamalasakit. 🙏

Hindi rin nawala ang pag-aalaga sa kalusugan naghanda kami ng masusustansyang pananghalian para sa lahat, upang masiguro na habang tayo ay nag-e-enjoy, pinapangalagaan din natin ang ating kalusugan at katawan. 🍱🥗

Salamat sa pagkakaisa, sa pagdamayan, at sa wagas na pagkakaibigan. Patuloy tayong magsama, magpalakas, at magpasalamat sa bawat araw na ipinagkakaloob sa atin. Hanggang sa muli nating pagsasama! ☺️



Agad po natin tinugunan ang kahilingan ng Sangguniang Barangay ng Rosario at ng mga residente nito matapos ang ating pag...
16/09/2026

Agad po natin tinugunan ang kahilingan ng Sangguniang Barangay ng Rosario at ng mga residente nito matapos ang ating pagbisita at pakikipag-usap sa kanila. Ang hinihiling nilang waiting shed sa katabing bahagi ng Gumaca District Hospital ay itinayo at naipatupad nang mabilis.

Layunin ng proyektong ito na magbigay ng maayos na lugar para sa mga naghihintay ng sasakyan at para sa mga pamilyang nag-aalaga ng pasyente sa nasabing ospital. Isang patunay na ang bawat hiling ng taumbayan ay ating pinahahalagahan at isinasakatuparan.




Sa lahat ng aming minamahal na kababayan, Malugod namin kayong inaanyayahan na dumalo at makisaya sa Pasiringan x Variet...
15/09/2026

Sa lahat ng aming minamahal na kababayan,

Malugod namin kayong inaanyayahan na dumalo at makisaya sa Pasiringan x Variety Show, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-102 na Kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia.

📅 Kailan: Setyembre 24, 2026 — ika-7 ng gabi
📍 Brgy. Peñafrancia, Gumaca

Inaasahan po namin ang inyong pagdalo upang sama-sama nating ipagdiwang ang ating tradisyon, pasalamatan ang ating Mahal na Ina, at magbahagi ng saya at pagkakaisa bilang isang pamayanan.

Inaanyayahan po namin ang bawat isa — masayang pagtitipon, magandang palatuntunan, at mainit na pagsasalubong ang naghihintay sa inyong lahat.

🎂 Isang Napakasaya at Mapagpalang Ika-26 na Kaarawan po, Mark Greg Daño Bonaobra! Sa inyong espesyal na araw, nais namin...
14/09/2026

🎂 Isang Napakasaya at Mapagpalang Ika-26 na Kaarawan po, Mark Greg Daño Bonaobra!

Sa inyong espesyal na araw, nais naming ipaabot ang aming pinakamalugod na pagbati. Ang inyong ika-26 na taon ay hindi lamang pagdiriwang ng inyong kaarawan, kundi pati na rin ng inyong dedikasyon at wagas na paglilingkod sa ating kabataan at sa buong Bayan ng Gumaca.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Maykapal ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas ng loob upang maisakatuparan ang lahat ng inyong mga adhikain. Ang inyong pagmamalasakit ay nagsisilbing inspirasyon sa aming lahat.💙

A blessed Sunday to everyone! 🙏💙Let us continue helping our fellow people,Together, let us keep serving with a sincere h...
12/09/2026

A blessed Sunday to everyone! 🙏💙

Let us continue helping our fellow people,
Together, let us keep serving with a sincere heart. No matter how small, every act of kindness creates a meaningful change in our community. May we never tire of doing good and lifting up those in need. Onward, together for our people! 🙏

— Bogs Adad



Bilang bahagi ng ating adhikain na mapalakas ang suporta sa edukasyon at paghahanda sa mga mag-aaral, naghatid tayo ng s...
07/09/2026

Bilang bahagi ng ating adhikain na mapalakas ang suporta sa edukasyon at paghahanda sa mga mag-aaral, naghatid tayo ng solar lights sa ilang schools dito sa ating bayan kabilang ang Lagyo Elementary School at Panikihan National High School. Ang mga ito ay magagamit sa paparating na Palarong Quezon. Kasabay din nito, ipinagkaloob natin ang mga computer units sa Panikihan National High School upang lalo pang mapaghusay ang kanilang pagkatuto.

-Love BOGS ADAD




Courtesy:Panikihan National Highschool

Hindi tayo nagdalawang-isip na tugunan agad ang kahilingan ng Sangguniang Barangay ng Rosario para sa pagtatayo ng isang...
04/09/2026

Hindi tayo nagdalawang-isip na tugunan agad ang kahilingan ng Sangguniang Barangay ng Rosario para sa pagtatayo ng isang waiting shed na lubos na mapapakinabangan ng ating mga kababayan sa harap ng Gumaca District Hospital. Matapos ang pagpupulong, agad po natin pinuntahan ang lugar at sinimulan ang pagpapatayo nito kinabukasan upang mapakinabangan na ng ating mga kababayan habang naghihintay.💙💙💙

Love BOGS ADAD 💙



Bilang pagpapatuloy ng ating programang Serbisyo sa barangay, ipinagkaloob naten ang dalawang basketball set at ikinabit...
03/09/2026

Bilang pagpapatuloy ng ating programang Serbisyo sa barangay, ipinagkaloob naten ang dalawang basketball set at ikinabit natin sa Barangay Villa Victoria para sa kanilang mga kinakailangang kagamitan para sa palarong basketball at gawaing pambarangay bilang bahagi ng adhikaing Makatulong sa bawat baranggay

Layunin nitong magbigay ng makabuluhang gawain sa mga kabataan at palakasin ang diwa ng pagkakaisa tungo sa isang payapa at malusog na pamayanan.💙🏀

Love BOGS ADAD




Sa pagbubukas ng panibagong buwan, tila muling sumisikat ang pag-asa sa ating mga puso. Ang Setyembre ay hindi lamang pa...
01/09/2026

Sa pagbubukas ng panibagong buwan, tila muling sumisikat ang pag-asa sa ating mga puso. Ang Setyembre ay hindi lamang pagbabago ng panahon ito ay paanyaya sa panibagong simula, panibagong lakas, at panibagong pag-asa para sa mas maliwanag na bukas.

Nawa’y maghatid ang buwang ito ng pagpapala, kapayapaan, at pagkakaisa sa bawat tahanan at sa ating buong pamilya😊

Pag bati Mula kay Fernando BOGS ADAD

Address

TABING DAGAT
Gumaca
4307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Love BOGS ADAD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share