Ang Muog Gumaca NHS

Directions Contact the organization

Ang Muog Gumaca NHS Ang MUOG - Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Gumaca

TINGNAN | Bilang bahagi ng pagtanggap ng paaralan sa mga delegado ng Palarong Quezon, idinaos sa Pambansang Mataas na Pa...
08/09/2026

TINGNAN | Bilang bahagi ng pagtanggap ng paaralan sa mga delegado ng Palarong Quezon, idinaos sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Gumaca (PMPG) ang agawan alinsunod sa Arañat Baluarte Festival bilang host ang Gumaca sa Palarong Quezon 2026 kabilang ang mga atletang kalahok na nagmula sa iba't ibang bayan sa Quezon Province.



TINGNAN | Opisyal nang sinimulan ang pangbungad na programa ng Division Schools Press Conference (DSPC) sa Southern Quez...
04/09/2026

TINGNAN | Opisyal nang sinimulan ang pangbungad na programa ng Division Schools Press Conference (DSPC) sa Southern Quezon Convention Center ngayong ika-4 Setyembre 2026 sa pagkakataong ito na ang Gumaca, Quezon ang tagapag-anyaya ng DSPC.




‎

Maligayang Kaarawan sa aming Tagapayo sa pahinang opinyon, Ma'am Meldine!Hiling po namin saiyo ang mabuting pangangatawa...
31/08/2026

Maligayang Kaarawan sa aming Tagapayo sa pahinang opinyon, Ma'am Meldine!

Hiling po namin saiyo ang mabuting pangangatawan at malusog na isipan, upang patuloy kang magsilbing instrumento ng matapang ngunit responsableng pamamahayag ng bawat batang dyornalismo

Pagbati mula sa pamilyang Ang Muog



WALANG PASOK | Batay sa Malacañang Memorandum Circular Blg. 126, suspendido ang klase at trabaho ngayong Agosto 14, 2026...
14/08/2026

WALANG PASOK | Batay sa Malacañang Memorandum Circular Blg. 126, suspendido ang klase at trabaho ngayong Agosto 14, 2026

Bagama’t walang regular na klase, magpapatuloy ang learning activities na ibibigay ng mga g**o para sa mga mag-aaral.

Kaya, magpahinga, mag-ingat, at huwag kalimutang i-check ang mga learning activities!

TINGNAN: Sa pamamagitan ng parada, pagtatanghal, at pagkilala sa iba’t ibang samahan, matagumpay na binuksan ng paaralan...
13/08/2026

TINGNAN: Sa pamamagitan ng parada, pagtatanghal, at pagkilala sa iba’t ibang samahan, matagumpay na binuksan ng paaralan ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan na nagbigay-diin sa aktibong partisipasyon at talento ng mga mag-aaral.

Idinaos ang pambungad na programa na sinimulan sa pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas na “Lupang Hinirang” na pinangunahan ni Cherry Ann Masilang, BKD President. Sinundan ito ng panalangin mula sa SSLG Grade 10 Representative, Lawrence A Llaga, pag-awit ng “Pambansang Mataas na Paaralan ng Bayang Gumaca (PMPG)” ni Ericka Joyce Rendiza, at panimulang mensahe mula sa SSLG President na si Aldrich A. Libranda.

OPINYON 01 | SELF-PHONESa kasalukuyang taong panuruan, ang paggamit ng gadyet at cellphone ng mga mag-aaral ay pinagbaba...
05/08/2026

OPINYON 01 | SELF-PHONE

Sa kasalukuyang taong panuruan, ang paggamit ng gadyet at cellphone ng mga mag-aaral ay pinagbabawal sa oras ng mga klase malibang emergency at kung gagamitin sa gawain.

Nakasaad sa Gumaca National High School Student Handbook, Isang minor offense ang paggamit ng cellphone sa oras ng klase maliban kung pinahintulutan ito ng g**o. Matagal ng nakasulat sa handbook subalit ngayon lamang binigyang-aksyon o tinutukan.

Ngayon lamang ito binigyang pansin dahil sa memorandum na inilabas ng Department of Education (DepEd) na implementasyon ng DepEd Order No. 006, s. 2026, o ang Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE).

Sa kabila nito, may mga mag-aaral pa ring sumusuway rito. Selpon pagtalikod ng g**o, sa ilalim ng kanilang lamesa o di kaya naman ay magkukunwaring may kukunin sa bag.

Matatandaang nagpagawa si Senator Sherwin Gatchalian ng survey sa Pulse Asia Research nitong 2024 na pag-alis ng cellphone sa mga silid-aralan. 76% na Adult Pilipino sa mga ito ang pumabor.

Patunay ito na noon pa suliranin ang gadyet na humihila sa pagkatuto ng isang kabataan. Hinigpitan ang panukala pero marami pa rin ang nakakawala at sumusuway rito. Huwag na sanang dumating pa sa punto na tuluyang itong alisin dahil sa pang-aabuso ng teknolohiya.

Magkaroon ng pagpipigil at limitasyon sa sarili, disiplina ay pairalin. Sumunod sa patakaran, hindi sa pansariling kagustuhan. Ginawa ang gadyet upang mapadali ang trabaho pero kung ito ay sobra, baka ito pa ang magiging dahilan ng kakulangan ng kaalaman.

Kontrolin ang paggamit sa cellphone, hindi ang cellphone ang gagamit ng buhay mo.

ISINULAT NI SA MADLA NAG MULA
IGINUHIT NI RENOAH VIRREY AT SHIVA NAIREL

Bilang pag-iingat at pagbibigay priyoridad sa kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at kawani, suspendido ang lahat ng kl...
26/07/2026

Bilang pag-iingat at pagbibigay priyoridad sa kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at kawani, suspendido ang lahat ng klase ngayong Hulyo 27, 2026 dahil sa isang iniimbestigahang ulat na may kaugnayan sa umano'y banta sa seguridad na kumakalat sa social media.

Sa pamumuno ni Principal IV Dr. Gener Delos Reyes, Patuloy na nakikipag-ugnayan ang paaralan sa mga kinauukulang awtoridad upang masig**o ang katotohanan ng impormasyon at ang kaligtasan ng buong paaralan.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at kooperasyon, Manatiling ligtas at maging mahinahon.



PANITIKAN 01 | MAHAL ANG MAGMAHALSabi nila, ang pagmamahal ay walang katumbas na halaga. Marahil ito ay totoo ngunit hab...
12/07/2026

PANITIKAN 01 | MAHAL ANG MAGMAHAL

Sabi nila, ang pagmamahal ay walang katumbas na halaga. Marahil ito ay totoo ngunit habang tumatagal, unti-unting ipinapaalala ng realidad na ang pag-ibig ay hindi lamang nasusukat sa tibok ng puso, kundi sa bigat ng responsibilidad na kaakibat nito.

Napakadaling sabihin ang mga katagang "mahal kita", ngunit mahirap itong panindigan kapag ang pangarap ay nauuna pang lamunin ng pangangailangan. Hindi kayang punan ng matatamis na salita ang sikmurang kumakalam, Mahirap din magbitiw ng pangako kung kinabukasa’y walang kasiguraduhan.

Sapagkat ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang ang pagpiling manatili, kundi ang pagpiling maging handa. Dahil sa huli, hindi sapat na mahal mo ang isang tao kung hindi mo pa kayang buuin ang mundong nararapat para sa inyo.

Hindi naman talaga hadlang ang kahirapan sa pag-ibig. Ngunit maaari itong maging balakid sa kinabukasang nais ninyong buuin. Kaya bago mo bitawan ang mga katagang "mahal kita", tanungin mo muna ang iyong sarili kung handa ka na bang akuin ang responsibilidad na kaakibat ng salitang iyon? Sapagkat sa huli, mahal ang magmahal.

ISINULAT NI: SHIVA NAIREL A. VIRREY
IGINUHIT NI: RENOAH A. VIRREY

Maligayang kaarawan sa Patnugot ng Isports, Joshua Garcia este Jericho Mascarina!🥳🎊Pagbati mula sa pamilyang ang Muog   ...
12/07/2026

Maligayang kaarawan sa Patnugot ng Isports, Joshua Garcia este Jericho Mascarina!🥳🎊

Pagbati mula sa pamilyang ang Muog



ABANGAN❗🎨Handa na ba kayong masilayan ang husay ng bawat Muogians sa pagguhit at pagkukuwento?Halina't subaybayan ang mg...
28/06/2026

ABANGAN❗🎨

Handa na ba kayong masilayan ang husay ng bawat Muogians sa pagguhit at pagkukuwento?

Halina't subaybayan ang mga akdang pampanitikan ng bawat MUOGians, tampok dito ang mga obrang nagpapakita ng pagkamalikhain sa pagsulat at paguhit ng cartoon.
Sa bawat akda ay matutuklasan ang talento, at Imahinasyon ng manunulat.

Hindi na lamang sa loob ng paaralan umiikot ang pahayagang ANG MUOG kundi patuloy nitong inilalapit sa mas maraming mambabasa ang mga balita, kuwento, at akdang likha ng mga batang MUOGIANS.

dibuho ni: Tricia Bongalos



Address

Brgy Mabini National Highway
Gumaca
4307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Muog Gumaca NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Ang Muog Gumaca NHS:

Shortcuts

Share