27/09/2025
📣📣 REMINDER 📣📣
Hanggang September 30 lang po ang huling pasahan ng bawat teams para sa 15U at Open Division.
Posible pong hindi matuloy ang Brgy Basketball League kung sakaling hindi marereach ang qouta ng bawat teams na lalaro.
Maraming salamat po. 🤍
📣🏀 PORMAL NA PAGAANUNSYO 🏀📣
Magandang buhay, Kabataan ng Barangay Bagong Buhay! 🙌
Ipinapaabot ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Bagong Buhay ang isang kapana-panabik na balita — opisyal nang magsisimula muli ang ating BARANGAY BASKETBALL LEAGUE 2025! 🎉
NEW LIFE BASKETBALL LEAGUE 2025 - “NLBL 2025” 🏆🏀
🔹 Layunin: Mapalakas ang pagkakaisa, palaguin ang sportsmanship, at mailayo ang kabataan sa masasamang bisyo.
🔹 Sino ang pwedeng sumali: Mga kabataan at residente ng Barangay Bagong Buhay.
📌 Paraan ng Pagrehistro:
1. Magtungo sa SK Office simula bukas September 05, 2025 at bukas ang opisina mula Monday hanggang Friday tuwing 9:30 am to 11:30 am at 1:30 pm to 4:30 pm
2. Mag-fill out ng team line-up registration form.
📌 Panuntunan at patakaran:
15 Under Division
• Strictly 10-12 Players only
• Birthcertificate (katunayan para sa edad)
• No registration fee
• Team Line-up Registration Form
Open Division
• Strictly 10-12 players only
• Registration & Bond Fee - ₱1,500
• Team Line-up Registration Form
• First come, first served for Slot Reservation
• Slot will be confirmed after complete payment
⚠️ Deadline ng pagpaparehistro: September 30, 2025
••Exclusive only for Brgy. Bagong Buhay••
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na ipakita ang iyong talento sa basketball, makipagtagisan ng galing, at higit sa lahat, makibahagi sa kasiyahan ng ating pamayanan! 💪🔥
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa SK Chairperson/Committee on Sports sa pamamagitan ng aming official FB page o sa SK Office.
Tara na at makiisa sa Barangay Basketball League 2025 — Larong Kabataan, Tagumpay ng Barangay! 🏆
✍️: Vince Raven Ilao, SK Chairperson
🎨: Cyreen Jill Aliling, SK Kagawad