Apostolado ng Panalangin Gumaca, Quezon

Apostolado ng Panalangin Gumaca, Quezon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Apostolado ng Panalangin Gumaca, Quezon, Community Organization, Brgy. San Diego Pob, Gumaca.

July.26,20264th Sunday of the month of JulyMonthly Mass Apostolado ng Panalangin Gumaca, Quezon (Linggo o Araw ng mga Lo...
26/07/2026

July.26,2026
4th Sunday of the month of July
Monthly Mass Apostolado ng Panalangin Gumaca, Quezon
(Linggo o Araw ng mga Lolo at Lola kapistahan nina San.Joaquin at Santa.Anna mga magulang ng Mahal na Birheng Maria)

𝐀 𝐁𝐋𝐄𝐒𝐒𝐄𝐃 πŸ”πŸŽπ“π‡ ππˆπ‘π“π‡πƒπ€π˜, ππˆπ’π‡πŽπ 𝐄𝐔𝐆𝐄𝐍𝐄!Greetings from: Apostolado ng Panalangin Gumaca, Quezon
08/07/2026

𝐀 𝐁𝐋𝐄𝐒𝐒𝐄𝐃 πŸ”πŸŽπ“π‡ ππˆπ‘π“π‡πƒπ€π˜, ππˆπ’π‡πŽπ 𝐄𝐔𝐆𝐄𝐍𝐄!

Greetings from: Apostolado ng Panalangin Gumaca, Quezon

July.3 2026Unang Biyernes ng buwan ng Hulyo 2026Apostolado ng Panalangin Gumaca, Quezon
03/07/2026

July.3 2026

Unang Biyernes ng buwan ng Hulyo 2026
Apostolado ng Panalangin Gumaca, Quezon

MES DE JUNIO ❀️‍πŸ”₯Ikalabing-siyam na ArawPanginoong Jesus, Diyos ng kabanalan, ikintal Mo sana sa amin angmasidhing takot...
19/06/2026

MES DE JUNIO ❀️‍πŸ”₯
Ikalabing-siyam na Araw

Panginoong Jesus, Diyos ng kabanalan, ikintal Mo sana sa amin ang
masidhing takot na lumabag sa Iyo. Pangalagaan Mo po ang aming buhay-
panalangin at ingatan Mo kaming huwag marahuyo sa makamandag na tukso
ni Satanas. Batid po naming ang kasalanan ang naglalayo sa amin sa Iyo. Ito
lamang ang pinaka-masaklap sa Puso Mo, ang kasalanan na lubhang
kinasusuklaman Mo. Kaya turuan Mo kaming tumakas kahit sa anino ng
masama at mamatay na muna bago kami magkasala. Alang-alang sa Iyong
hirap at sakit, kaisa ng Ama at ng Espiritu Santo. Siya Nawa.

MES DE JUNIO πŸ”₯ Ikalabing-pitong ArawAmang makapangyarihan, ihilig Mo kami sa pananalangin. Malimit, hinihilakami ng kata...
17/06/2026

MES DE JUNIO πŸ”₯
Ikalabing-pitong Araw

Amang makapangyarihan, ihilig Mo kami sa pananalangin. Malimit, hinihila
kami ng katamaran sa pagdulog sa Iyo. Nalilibang kami sa magusot na takbo
ng buhay. Mula ngayon, ang Salita Mo ay maging batobalani sana upang
maakit kaming laging magbumabad sa pananalangin.
Hipuin mo ang aming kalooban upang laging manabik sa pakikipagniig sa
iyo, at mabuhay na kaisa Mo. Isabuhay sana naming lagi ang katotohanan at
magningning sa aming mukha ang liwanag ng Iyong Salita. ldinadalangin din
namin ang iba, upang kaming lahat ay maligtas (Sant. V:10) Hinihingi namin
ito sa Iyo, Ama, sa Ngalan ni Jesus, kasama ng Espiritu Santo. (Jn. 16:23).
Siya Nawa.

MES DE JUNIO πŸ”₯ Ikalabing-anim na arawAma naming makapangyarihan, dagdagan Mo ang aming pananampaplataya.Nananalig kami s...
16/06/2026

MES DE JUNIO πŸ”₯
Ikalabing-anim na araw

Ama naming makapangyarihan, dagdagan Mo ang aming pananampaplataya.
Nananalig kami sa Salita ni Jesus na "kahit gabutil lamang ng mustasa ang
aming pananampalataya ay malilipat namin ang bundok." (Lk. 17:5-6)
Gisingin Mo po ang aning nahihimbing na pananampalataya sa lyo, ngunit
lakipan Mo kami ng mga gawa ng pag-ibig. Pakilusin sana ng Banal na
Espiritu ang aming buong katauhan sa pananampalatayang nagbubunsod sa
pagtulad kay Jesus "na maamo at mababang-loob.
Taglayin nawa namin ang matimyas na pananalig at pagmamalasalakit sa
kapuwa at ang paglilingkod sa sambayanan tungo sa kabanalan at kaligtasan.
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Mo at ng Espiritu Santo. Siya Nawa.

MES DE JUNIO πŸ”₯ Ikalabing-limang ArawMatamis naming Jesus, sana ipadama Mo sa amin ang ligaya ng pagigingligtas sa walang...
15/06/2026

MES DE JUNIO πŸ”₯
Ikalabing-limang Araw

Matamis naming Jesus, sana ipadama Mo sa amin ang ligaya ng pagiging
ligtas sa walang hanggang buhay. Sa taus-pusong pag-sisisi sa kinasadlakang
pagkasuwail, ipadama Mo sa amin si Jesus na magpapabago sa aming puso,
isip at loob. Maging bukas nawa kaming lagi sa paglukob Kataastaasan at sa
apoy ng Banal na Espiritu ay mapaghari Mo ang kabanalan sa aming buhay.
Pabanalin Mo po kami at dalisayin sa Iyong biyayang nagpapabanal.
Hubarin Mo sa amin ang masamang ugali, ang lahat ng kasalanan at buhay
Mo ang mamalas sa amin. Tumbasan namin ng katapatan ang pag-ibig ng
Ama. Tulungan Mo kaming itakwil ang sarili, ang pagkamagagalitin, ang
pagsisinungaling, lahat ng bisyo at laging pasanin ang aming pananagutan at
sumunod sa Iyo. Pagtibayin Mo kami sa kabanalan. Sa pamamagitan Mo na
aming kapatid, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo. Siya Nawa.

MES DE JUNIO❀️‍πŸ”₯Ikalabing-apat na ArawKamahal-mahalang Puso ni Jesus, Ikaw ang Puno ng ubas at kami ang mgasanga. Kung w...
14/06/2026

MES DE JUNIO❀️‍πŸ”₯
Ikalabing-apat na Araw

Kamahal-mahalang Puso ni Jesus, Ikaw ang Puno ng ubas at kami ang mga
sanga. Kung wala Ka, wala nang banal at walang may halaga, Huwag Mong
ipahintulot na kami'y mawalay sa Iyo. Huwag Mo sanang pabayaang kami'y
maging tuyong sanga, na puputulin lamang upang ipanggatong sa apoy.
Kaisa ng Puso Mo, sa bawat sandali'y tatalima kami sa ilyong mga utos at
Salita. Tataglayin namin ang Banal na pagkatakot sa Iyo upang kami'y di na
muling magkasala.
Itulot mong kami'y maging kasandugo Mong lingkod na nakakapit sa
kalooban Mo. Nais naming katulad Mo'y magliwanag na pumupunit sa
kadiliman ng kasakiman sa kapuwa, pagka-masarili at kawalang-katarungan
na siyang ugat ng kasalanan. Kaisa mo'y turuan kaming magtanggol sa mga
inaapi at makibalikat sa paghihirap ng mga dukhang bisig sa paggawa.
Hinihingi namin ito sa Ngalan Mo, kasama ng Ama at ng Banal na Espiritu.
Siya Nawa.

MES DE JUNIO ❀️‍πŸ”₯Ikalabing-tatlong ArawPanginoong Jesus, Ikaw ang una sa buhay namin. Ikaw muna bago ang lahat.Hindi Ka ...
13/06/2026

MES DE JUNIO ❀️‍πŸ”₯
Ikalabing-tatlong Araw

Panginoong Jesus, Ikaw ang una sa buhay namin. Ikaw muna bago ang lahat.
Hindi Ka namin ipagpapalit sa anumang bagay sa lupa, kahit sa kayamanan,
kapangyarihan, karangalan at katanyagan. Ikaw ang aming kayamanan, kaya
iniibig ka namin nang lalo sa lahat, ang buong puso at kaluluwa, bilang
kami'y mga alipin Mo at lingkod na nakatalaga sa Iyo. Mahal Ka namin, kahit
ang aming buong buhay, panahon at kayamanan ay inihahandog namin sa Iyo
bilang tanda ng aming pagkilala, pagmamahal at paglilingkod, Sa pamamagitan Mo, Jesukristong Panginoon, kasama ng Amang makalinga at
kaisa ng Banal na Espiritu. Siya Nawa.

June.12,2026 (Friday)No Mas Amor!Ngayon ay ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus.Mabu...
13/06/2026

June.12,2026 (Friday)
No Mas Amor!

Ngayon ay ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus.

Mabuhay ang Puso ni Jesus!
Mabuhay ang Apostolado ng Panalangin!

Address

Brgy. San Diego Pob
Gumaca
403

Telephone

+639777883920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Apostolado ng Panalangin Gumaca, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share