22/08/2026
August 22, 2026 | Saturday
Maligayang Kaarawan, Mahal naming Kapitan!
Sa isang nilalang na ang buhay ay nagsisilbing tanglaw sa pamayanan, nawa’y ang pagdatal ng panibagong taon ng inyong buhay ay maging simula ng higit pang masaganang biyaya, maringal na tagumpay, at walang hanggang kaligayahan.
Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng matatag na kalusugan, malawak na pang-unawa, pusong mapagkumbaba, at lakas na maglingkod sa ating minamahal na Barangay Casongsong. Ang inyong malasakit at tapat na paglilingkod ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat mamamayang umaasa sa inyong makatarungan at makabuluhang pamumuno.
Sa araw na ito, buong puso naming ipinahahatid ang aming taos-pusong pagbati. Nawa’y ang bawat sandali ng inyong buhay ay mapuno ng ligaya na hindi kumukupas, pag-asa na hindi natitinag, at mga pangarap na isa-isang nagkakatotoo.
Maligayang kaarawan, Hon. Marla Sebastian
Nawa’y manatili kayong isang ilaw ng pag-asa, haligi ng pagkakaisa, at huwaran ng wagas na paglilingkod.
Taos-pusong pagbati mula sa Sangguniang Kabataan ng Casongsong.