Kaya Natin Youth - Guagua

Directions Website Contact the organization

Kaya Natin Youth - Guagua The sanctuary where ethical leadership begins. Amplifying the voice of the Filipino youth in promoting good governance and inclusive leadership.

๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜†๐˜‚ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ, ๐—š๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฎ!Noong ika-1 ng Setyembre, ang Kaya Natin Youth - Guagua ay naghatid ng mainit na pagkain para ...
04/09/2026

๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜†๐˜‚ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ, ๐—š๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฎ!

Noong ika-1 ng Setyembre, ang Kaya Natin Youth - Guagua ay naghatid ng mainit na pagkain para sa mahigit kumulang 150 na indibidwal mula sa tatlong evacuation centers:

โ€ข Guagua Elementary School
โ€ข San Antonio Integrated School
โ€ข Parish of Saint Anthony of Padua - IFI San Antonio

Ang naabot nating tulong ay naging posible dahil sa inyong pagtitiwala at sa pondo ng ating community drive, na inilaan upang makapagbigay ng agarang suporta sa ating mga kababayan sa oras ng pangangailangan.

Sa mga nais magpahatid ng kanilang suporta sa ating donation drive, nananatili pa rin kaming bukas sa inyong mga donasyon.
๐™‚๐˜พ๐™–๐™จ๐™: Neil Lawrence Bau (09623754473)
๐˜ฝ๐™‹๐™„: Neil Lawrence Bau

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa ating proyekto, maaaring magtungo sa link na ito:
https://www.facebook.com/share/p/1DV5e4LJiF/

Basta't sama-sama, Kaya Natin! ๐Ÿ’™

๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜†๐˜‚ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ, ๐—š๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฎ!Dahil sa patuloy na pagbaha na dulot ng Habagat, maraming pamilya at kababayan natin sa iba't ...
04/09/2026

๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜†๐˜‚ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ, ๐—š๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฎ!

Dahil sa patuloy na pagbaha na dulot ng Habagat, maraming pamilya at kababayan natin sa iba't ibang barangay sa Guagua, Pampanga ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan at pansamantalang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation center.

Noong Setyembre 1, 2026, ang Kaya Natin! Youth (KNY) โ€“ Guagua, kasama ang ating mga dedikado at masisipag na volunteers, ay matagumpay na nakapag-abot ng kabuuang 70 relief goods upang makapagbigay ng agarang tulong at pantawid-gutom sa ating mga displaced families sa mga sumusunod na pasilidad:

โšฒ Sta. Filomena Brgy. Hall at Daycare Center
โšฒ San Roque Chapel at Brgy. Hall
โšฒ Guagua Elementary School

Mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming-maraming salamat sa lahat ng nagpaabot ng tulong sa ating online donation drive, gayundin sa ating volunteers na naglaan ng kanilang oras, lakas, at sipag para mag-repack, mag-buhat, at mag-abot ng relief goods sa ating mga kababayan. Ang tagumpay ng inisyatibong ito ay hindi magiging posible kung wala ang inyong walang-sawang suporta at pagmamalasakit.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa ating proyekto, maaaring magtungo sa link na ito:
https://www.facebook.com/share/p/1DV5e4LJiF/

Basta't sama-sama, Kaya Natin! ๐Ÿ’œโšœ๏ธ๐Ÿฉต




๐™๐™ง๐™–๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™š๐™ฃ๐™˜๐™ฎ ๐™๐™š๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ฉ ๐™–๐™จ ๐™ค๐™› ๐˜ผ๐™ช๐™œ๐™ช๐™จ๐™ฉ 31, 2026 (7:30 ๐™‹๐™ˆ)Maraming salamat sa lahat na patuloy na naglalaan ng puso at nag-aabo...
31/08/2026

๐™๐™ง๐™–๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™š๐™ฃ๐™˜๐™ฎ ๐™๐™š๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ฉ ๐™–๐™จ ๐™ค๐™› ๐˜ผ๐™ช๐™œ๐™ช๐™จ๐™ฉ 31, 2026 (7:30 ๐™‹๐™ˆ)

Maraming salamat sa lahat na patuloy na naglalaan ng puso at nag-aabot ng tulong para sa mga apektado.

๐—ง๐—ข๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—™๐—จ๐—ก๐——๐—ฆ ๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ฆ๐—˜๐——: PHP 8,129.00

Matapos ang buong araw na paghahanda, bukas ay maguumpisa nang lumarga ang ating mga volunteer sa target evacuation centers.

Tuloy-tuloy ang ating pagtutulungan at pag-agapay sa mga nangangailangan. Nananatili pa ring bukas ang ating donation drive para sa mga nais pang magpahatid ng kanilang suporta. Maaaring gamitin ang mga detalye sa ibaba:

๐™‚๐˜พ๐™–๐™จ๐™: Neil Lawrence Bau (09623754473)
๐˜ฝ๐™‹๐™„: Neil Lawrence Bau

Bastaโ€™t sama sama, Kaya Natin! ๐Ÿค

๐™๐™ง๐™–๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™š๐™ฃ๐™˜๐™ฎ ๐™๐™š๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ฉ ๐™–๐™จ ๐™ค๐™› ๐˜ผ๐™ช๐™œ๐™ช๐™จ๐™ฉ 30, 2026 (2:00๐™‹๐™ˆ)Isang taos-pusong pasasalamat ang ating ipinapaabot sa lahat ng tumugo...
30/08/2026

๐™๐™ง๐™–๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™š๐™ฃ๐™˜๐™ฎ ๐™๐™š๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ฉ ๐™–๐™จ ๐™ค๐™› ๐˜ผ๐™ช๐™œ๐™ช๐™จ๐™ฉ 30, 2026 (2:00๐™‹๐™ˆ)

Isang taos-pusong pasasalamat ang ating ipinapaabot sa lahat ng tumugon at nagmalasakit para sa ating mga kababayan.

Narito ang ating opisyal na ulat para sa mga donasyong naitala:

๐—ง๐—ข๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—— / ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—–๐—˜: ๐—ฃ๐—›๐—ฃ 1220.00

Patuloy pa rin nating binubuksan ang ating cash donation drive para sa mga nais pang mag-abot ng tulong. Maaaring gamitin ang mga sumusunod na detalye:

๐™‚๐˜พ๐™–๐™จ๐™: Neil Lawrence Bau (09623754473)
๐˜ฝ๐™‹๐™„: Neil Lawrence Bau

(๐™„๐™ˆ๐™‹๐™Š๐™๐™๐˜ผ๐™‰๐™: Mangyaring isama ang note o mensahe na "๐™๐™Š๐™ ๐™ƒ๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™ ๐™๐™€๐™‡๐™„๐™€๐™" sa inyong transaksiyon upang matiyak ang tamang pag-allocate ng inyong donasyon.)

Kayantabe yu kami, Kabalen. Bunsod ng mga nagdaang pagbaha sa ilang komunidad dito sa Guagua, kasalukuyang nangangailang...
29/08/2026

Kayantabe yu kami, Kabalen.

Bunsod ng mga nagdaang pagbaha sa ilang komunidad dito sa Guagua, kasalukuyang nangangailangan ng agarang suporta ang ating mga kababayan. Bilang tugon, naglulunsad ng cash donation drive ang Kaya Natin Youth - Guagua upang makapag-abot ng tulong pinansyal para sa kanilang mga pangunahing pang-araw-araw na pangangailangan.

Maaaring i-scan ang QR code sa ibaba para sa inyong mga donasyon.

Upang mapatibay ang tiwala ng mga nagnanais magbigay-tulong, magkakaroon ng updates sa official page ng organisasyon ukol sa halaga ng mga nakolektang donasyon.

Para sa mga katanungan, mag-mensahe lamang sa aming FB page. Maraming salamat sa inyong patuloy na malasakit at pagtugon. Basta sama-sama, Kaya Natin!๐Ÿค





๐Ÿ‘ป EXORCISE THE GHOST PROJECTS ๐Ÿ‘ป๐Ÿ“… Friday, September 5, 2025๐Ÿ• 8:00 am๐Ÿ“ North Gate, House of Representatives, Batasan Compl...
03/09/2025

๐Ÿ‘ป EXORCISE THE GHOST PROJECTS ๐Ÿ‘ป
๐Ÿ“… Friday, September 5, 2025
๐Ÿ• 8:00 am
๐Ÿ“ North Gate, House of Representatives, Batasan Complex

Ngayong Ghost Month, hindi lang multo ang dapat itaboy โ€” kundi ang mga ghost projects na nilunok ang buwis ng taumbayan at nagdulot ng baha, at perwisyo.

Sa House of Representatives mismo, sama-sama nating paalisin ang mga multong proyekto na ginawang kasangkapan para sa korapsyon.

JOIN OUR MESSENGER GROUP: https://m.me/j/AbbrgaxuoeWgSXs9/

Bayani ng Kahapon, Modelo ng mga Kabataan Ngayon ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNgayong araw, ating ginugunita ang katapangan at sakripisyo ng ating ...
25/08/2025

Bayani ng Kahapon, Modelo ng mga Kabataan Ngayon ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong araw, ating ginugunita ang katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa atin. Ang kanilang tapang, katapatan, at tapat na paglilingkod ay mga halagang walang kupas na dapat isabuhay ng kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Nawaโ€™y maipagpatuloy natin ang kanilang pamana sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan, mga pinunong may dangal, at tagapagtanggol ng kapayapaan at katarungan.

Mabuhay ang ating mga bayani! Mabuhay ang kabataang Pilipino!





๐—–๐—ฎ๐˜๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐˜‚ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป! ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต โ€“ ๐—š๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฎTatlong taon na ang lumipas mula nang nagsimulang magsama-sam...
19/07/2025

๐—–๐—ฎ๐˜๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐˜‚ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป! ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต โ€“ ๐—š๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฎ

Tatlong taon na ang lumipas mula nang nagsimulang magsama-sama ang kabataan ng Guagua. Hindi para sa pansarili, kundi para sa kapwa. Sa gitna ng mga hamon, natutong tumugon, makinig at kumilos ang isang henerasyong naniniwala sa malasakit at responsibilidad.

Sa simpleng pagnanais na makatulong, nabuo ang Bayanihan Learning Hub โ€” isang ligtas na espasyong naging daan upang matuto, lumago at mangarap ang maraming kabataan. Mula roon, lumawak ang pagkilos: medical missions, feeding programs, at relief operations para sa mga naapektuhan ng sakuna.

Hindi lahat naging madali, pero sa bawat hakbang naging malinaw ang isang bagay: may magagawa ang kabataan, at may magagawa pa.

Tatlong taon pa lang ang lumilipas ngunit hindi dito nagtatapos. Patuloy kaming maninindigan, makikinig at kikilos.

Ito ang kabataang Guaguaeรฑo. Patuloy sa paglilingkod. Patuloy sa pag-asa.





๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ
05/07/2025

๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ

PRIDE MONTH CELEBRATION NG KNY! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœŠ
05/07/2025

PRIDE MONTH CELEBRATION NG KNY! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœŠ

Address

Guagua
2003

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kaya Natin Youth - Guagua posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kaya Natin Youth - Guagua:

Shortcuts

Share