Send Love Project Youth Movement

Send Love Project Youth Movement Committed to community, by the youth, for the youth.

Ngayong Araw ng Manggagawa, hindi lang ito pagdiriwang ng sipag at tiyaga, kundi panawagan para sa makatarungan at makat...
01/05/2025

Ngayong Araw ng Manggagawa, hindi lang ito pagdiriwang ng sipag at tiyaga, kundi panawagan para sa makatarungan at makataong trato sa bawat manggagawa.

Panahon na para baligtarin ang tatsulok—ang mga manggagawang matagal nang nasa laylayan ay karapat-dapat ding mapunta sa itaas. Ang kanilang pawis at pagod ang pundasyon ng bawat gusali, daan, ospital, paaralan, at kabuhayan ng bansa.

Panahon na para sa pagbabago. Hindi sapat ang pagkilala—dapat may pagkilos. Ipaglaban ang karapatan, itaas ang sahod, at igalang ang dignidad ng bawat manggagawa.

Hindi lang dapat pinupugayan, kundi pinapakinggan at pinangangalagaan.

Maligayang araw ng mga manggagawa!


Hindi lang ito isang petsa sa kalendaryo. Isa itong paalala—malalim at makabuluhan—ng tapang na nakaukit sa kasaysayan n...
09/04/2025

Hindi lang ito isang petsa sa kalendaryo. Isa itong paalala—malalim at makabuluhan—ng tapang na nakaukit sa kasaysayan ng ating bayan. Tapang ng mga Pilipinong piniling isakripisyo ang sarili alang-alang sa kalayaan ng mas nakararami.

Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, muling pinatutunayan ng sambayanan na ang dugong magiting ay hindi kailanman nagpagapi. Sa harap ng pang-aapi, panlilinlang, at panganib, nananatiling matatag ang ating paninindigan—dahil ang ating ipinaglalaban ay hindi lamang para sa sarili, kundi para sa kinabukasan ng bawat Pilipino.

Sa panahong tila naliligaw ang kahulugan ng tapang sa magulong tinig ng kapangyarihan, muling itinatala ng kasaysayan ang paalala: ang tunay na kagitingan ay hindi palaging maingay. Minsan, ito’y naririnig sa katahimikan ng isang pusong handang magparaya, sa simpleng pagkilos para sa tama, at sa taimtim na pag-ibig sa inang bayan.

Ito ang apoy na patuloy na naglalagablab sa ating pagkatao.
Ito ang ating pagkakakilanlan—ang diwang magiting ng sambayanang Pilipino.

Maligayang Araw ng Kagitingan!


𝐒𝐎𝐁𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀! Hindi lang sa isip, salita, at gawa—kundi sa tapang, talino, at diskarteng walang kapantay. Para sa la...
05/03/2025

𝐒𝐎𝐁𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀! Hindi lang sa isip, salita, at gawa—kundi sa tapang, talino, at diskarteng walang kapantay. Para sa lahat ng babaeng kayang buhatin ang mundo (kahit naka-heels). Saludo kami sa inyo!

Sa bawat larangan—mula sa tahanan hanggang sa industriya, mula sa lansangan hanggang sa pamahalaan— "𝘉𝘢𝘣𝘢𝘦 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘴𝘦𝘬𝘵𝘰𝘳, 𝘢𝘢𝘯𝘨𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴!", walang makakapigil sa'yo. Kaya, 𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘!




Address

Gonzaga
3513

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Send Love Project Youth Movement posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Send Love Project Youth Movement:

Share