20/09/2026
The service continues at Mindanao State University - General Santos!
๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฅ ๐๐ข๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐ฆ || ๐ ๐ฆ๐จ ๐๐๐ฃ๐๐-๐๐๐๐๐ก๐๐
May mga estudyanteng pumapasok na may baon na pangarap, ngunit walang baon na pagkain. Sa loob ng ating unibersidad, may mga MSUan na araw-araw na nakikipagsapalaran hindi lamang para makapagtapos, kundi para makaraos.
May mga umaga na kape lamang ang laman ng tiyan. May mga tanghali na pinipiling magtiis dahil kailangang pagkasyahin ang kaunting pera. May mga gabing mas pinipiling matulog nang gutom kaysa humingi. Hindi natin alam ang lahat ng kanilang kwento. Ngunit alam nating hindi dapat maging hadlang ang gutom sa pangarap.
Dito nagsisimula ang MSU Hapag-Kalinga.
Isang inisyatibang naglalayong maghatid ng pagkain at pangunahing pangangailangan sa mga kapwa nating MSUan na nangangailangan ng tulongโsa pamamagitan ng isang organisado, maayos, at transparent na sistema ng pagtanggap at pamamahagi ng donasyon.
Hindi kailangang maging marami ang iyong maibigay.
Dahil minsan, ang isang lata ng sardinas ay isang hapunan. Ang isang kilo ng bigas ay ilang araw na pag-asa. At ang maliit na ambag ng bawat isa ay maaaring maging isang buong hapag para sa nangangailangan.
Maari kang magbahagi ng mga sumusunod:
โSardinas at iba pang canned goods
โ Bigas at iba pang pangunahing pagkain
โ Gatas
โ Gulay at prutas
โ Iba pang grocery items
โ Kinakailangang gamot
โ Monetary donations para sa pagbili ng karagdagang pangunahing pangangailangan
Ang mga monetary donation ay itatala at ia-audit upang mapanatili ang transparency at accountability. Ang mga nakalap na pondo ay gagamitin sa pagbili ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan at hindi direktang ipamamahagi bilang cash sa mga benepisyaryo.
๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ ๐ฆ๐จ๐ฎ๐ป! ๐งบ