11/04/2026
Nangunguna sina Senator Bam Aquino at Senator Kiko Pangilinan sa pinakabagong Senate favorability ratings.
Ayon sa latest Pahayag survey ng Publicus Asia para sa first quarter ng 2026, nakuha ni Senator Aquino ang pinakamataas na favorability rating na 59%, habang tabla naman sa ikalawang puwesto si Senator Pangilinan na nakakuha ng 50%.
Ang kanilang mataas na ratings ay sumasalamin sa kanilang pagtugon sa nararanasang energy emergency sa bansa bunsod ng krisis sa Middle East.
Isinusulong ni Aquino ang pagbibigay ng agarang assistance para sa middle class na lubhang naiipit sa pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang mga bilihin. Kasabay nito ang kanyang mariing panawagan para sa pagpapatupad ng price caps sa oil prices upang maprotektahan ang mga transport workers tulad ng PUV drivers.
Nakatutok naman si Pangilinan sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagsusulong ng fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka upang maibsan ang kanilang mataas na production costs.