22/12/2025
Tagumpay!!! 🎉
Sa pangalawang pagkakataon ng pagkakaisa para sa paglilingkod sa aming lugar, muling napatunayan na kapag nagkakaisa ang komunidad, walang imposible. 💪🤝 Ang simpleng pagtitipon na ito ay hindi lamang tungkol sa kalinisan at kaayusan, kundi isang simbolo ng pagkakapatiran, respeto, at malasakit sa bawat isa.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta upang maisakatuparan ang programang ito. Sa bawat pawis, oras, at ngiti na ibinahagi ninyo, mas lalo naming naramdaman ang tunay na diwa ng bayanihan lalo na ngayong kapaskuhan. 🙌
Ang Tropical Village ay patuloy na magiging halimbawa ng isang komunidad na handang magtulungan para sa ikabubuti ng lahat. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang mga proyektong nagbubuklod at nagbibigay pag-asa sa ating lugar.
Hindi ito ang huli—tiyak na may mga susunod pa ulit,mas marami pang aktibidad na magpapalakas at magbubuklod ulit sa atin.
Hanggang sa susunod, Tropical Village!
Mula sa amin sa Scouts Royale Brotherhood Kappa Iota Chapter,TBS Pabahay,TBS Country Meadow at 13 Hudas maligayang araw ng Pasko sa inyong Lahat!