Akesmi-Akbay Kalikasan

Akesmi-Akbay Kalikasan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Akesmi-Akbay Kalikasan, Nonprofit Organization, BLK 17 LOT 11 HENERAL DOS SUB. PASONG KAWAYAN II, General Trias.

The AKBAY KALIKASAN (AKESMI)
We aim to promote and coordinate waste management and environmental protection through tree planting actions and eco-garden development in the community using sustainable IEC campaign programs and ensure proper coordination.

09/08/2026
09/08/2026
Bakit pinayagan ang pagtatayo ng poste sa ilog?Mga Batas at Regulasyon PD 1067 (Water Code): Bawal ang pagtatayo ng mga ...
09/08/2026

Bakit pinayagan ang pagtatayo ng poste sa ilog?

Mga Batas at Regulasyon PD 1067 (Water Code): Bawal ang pagtatayo ng mga estruktura na makakaantala sa natural na daloy ng tubig o magiging sanhi ng pagbaha.

Mayroon ding tinatawag na easement zone o palugit sa gilid ng ilog (3 metro para sa urban areas, 20 metro sa agricultural) na hindi dapat tayuan ng permanenteng gusali.

Republic Act No. 2056: Ipinagbabawal at pinarurusahan ang pagtatayo ng mga harang, d**e, poste, o iba pang gawaing umaabot sa mga pampublikong ilog at daluyan ng tubig.

Panganib sa Kaligtasan: Ang mga poste sa ilog ay maaaring sumabit sa mga inanod na basura o puno tuwing may bagyo, na magiging sanhi ng mas malalang pagbaha o pagguho ng lupa.




゚viral

Patuloy na I momonitor ng Akbay Kalikasan Ang isyu ng matinding pagbaha sa Imus at Kawit tungkol sa mga malalaking poste...
09/08/2026

Patuloy na I momonitor ng Akbay Kalikasan Ang isyu ng matinding pagbaha sa Imus at Kawit tungkol sa mga malalaking poste ng CALAX na itinayo mismo sa loob o tabi ng ilog at ang pagtatabon sa paligid nito na umani ng matinding puna mula sa mga residente ng Cavite.

Kumakalat ngayon ang usaping ito sa social media, lalo na matapos makaranas ng malawakang pagbaha ang mga karatig-lugar tulad ng Kawit, Imus, at General Trias bunsod ng malalakas na ulan.

Narito ang mahahalagang detalye at konteksto ukol sa sitwasyong itoReklamo ng mga MamamayanBanta sa Waterways: Maraming residente (tulad ng mga nakatira malapit sa Gahak at kalapit-lugar) ang nagpahayag ng pangamba na ang dambuhalang mga kolumna o poste ng expressway na permanenteng humaharang at nagpapakipot sa natural na daluyan ng tubig na sana ay lalabas papuntang karagatan ng Kawit.

Pagtatabon at Konstruksyon: Ang ginagawang pagtatabon o backfilling sa paligid ng mga tinatayong poste para sa nagpapatuloy na konstruksyon ng CALAX (gaya ng Subsection 1 patungong Kawit Interchange) na diumano ay isinisisi ng ilan bilang sanhi ng mas mabagal na paghupa ng baha.

https://www.facebook.com/share/19gLHuuX4j/
08/08/2026

https://www.facebook.com/share/19gLHuuX4j/

Iginiit ng pamunuan ng Cavite-Laguna Expressway na walang nakitang indikasyon na direktang sanhi ng kanilang construction activities ang pagbaha sa ilang komunidad sa Imus at Kawit, Cavite.

Sa inilabas na pahayag ng CALAX nitong Agosto 8, sinabi ng management na matagal nang nakakaranas ng pagbaha ang mga naturang lugar at maaaring ito ay dahil sa malakas na pag-ulan.

Pahayag din ng CALAX na nakikipag-ugnayan ito sa mga lokal na stakeholder para sa maintenance ng waterways at drainage channels.


Akesmi-Akbay Kalikasan nabahala sa matinding pagbaha sa CaviteAng matinding pagbaha na kasalukuyang nararanasan sa Imus ...
08/08/2026

Akesmi-Akbay Kalikasan nabahala sa matinding pagbaha sa Cavite

Ang matinding pagbaha na kasalukuyang nararanasan sa Imus at Kawit ay malinaw na paalala na hindi maaaring balewalain ang epekto ng pagkasira at pagbara ng mga natural na daluyang tubig.

Maraming residente ang muling nalubog sa baha, nawalan ng ari-arian, at nahirapang makapasok sa trabaho at paaralan.

Naniniwala kami na kailangang magkaroon ng masusing imbestigasyon at transparent na pag-aaral sa mga proyektong pang-imprastraktura, kabilang ang CALAX, upang matukoy kung may naging kontribusyon ito sa pagbabago ng daloy ng tubig at sa lumalalang pagbaha sa mga apektadong komunidad.

Sa harap ng krisis na ito, nananawagan kami sa lahat ng sektor—mga mamamayan, lokal na pamahalaan, mga ahensiya ng gobyerno, at mga pribadong kumpanya—na magkaisa upang agarang maibalik at mapangalagaan ang mga daluyang tubig sa Cavite.

Ang pag-unlad ay hindi dapat isulong kapalit ng kaligtasan ng mamamayan at ng kalikasan.

Panahon na upang magkaroon ng kongkretong aksyon, pananagutan, at pangmatagalang solusyon upang hindi na muling maranasan ng mga taga-Imus at Kawit ang paulit-ulit na pagbaha na nagdudulot ng pinsala sa buhay at kabuhayan.




NGAYONG MARTES, JUNE 23 SA USAPANG BERDE NI PROF. Julio O Castillo Jr                                           "Viral V...
22/06/2026

NGAYONG MARTES, JUNE 23 SA USAPANG BERDE NI PROF. Julio O Castillo Jr

"Viral Video" ng pagbunot ng Puno? Ano ang epekto nito sa Kalikasan?

Isang viral video sa Roxas Boulevard ang nagdulot ng mga tanong sa publiko matapos makitang binunot at inilipat ang ilang puno sa gitna ng isang proyekto.

Ano nga ba ang proseso ng earth balling?
Nasusunod ba ang mga batas at patakaran?
Ano ang magiging epekto nito sa kalikasan at sa kinabukasan ng Maynila?

Alamin ang buong usapin ngayong Martes, Hunyo 23, 2026 | 2:00–3:00 PM sa Usapang Berde ni Prof. Julio.

📺 Panoorin sa Flash TV Digital Channels at Facebook Live.

Usapang Berde ni Prof. Julio — kung saan ang kalikasan ay may tinig at ang mga isyu ay binibigyang-linaw!


゚viralシfypシ゚


Address

BLK 17 LOT 11 HENERAL DOS SUB. PASONG KAWAYAN II
General Trias
4107

Opening Hours

Monday 8am - 9pm
Tuesday 8am - 9pm
Wednesday 8am - 9pm
Thursday 8am - 9pm
Friday 8am - 9pm
Saturday 8pm - 9pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Akesmi-Akbay Kalikasan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share