28/05/2026
May 27, 2026 | Wednesday | 8:00 PM – 1:00 AM
Ang GSFIB Guardian Sigma Force ay muling nagbigay ng service duty para sa posting at monitoring ng mga business establishments sa AOR ng PK2.
Habang papunta ang grupo sa kanilang area of duty, nakasaksi sila ng dalawang magkahiwalay na aksidente. Ang una ay banggaan ng isang owner-type jeep at isang kulong-kulong, habang ang pangalawa naman ay karambola ng tatlong motorsiklo kung saan parehong malubha ang kalagayan ng mga sangkot.
Agad namang tumawag ang GSFIB sa ating mga kapulisan upang magkaroon ng agarang responde at maibigay ang kinakailangang tulong sa mga nasugatan.
Patunay lamang na bukod sa pagbabantay at monitoring, handa ring umaksyon ang grupo sa oras ng pangangailangan at emerhensiya. 🙏🥰