01/10/2026
𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀, 𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔
Bilang paghahanda para sa nalalapit na Kapistahan ni Maria, Ina ng Tagapagligtas, inaanyayahan ang lahat sa siyam na araw ng Misa Nobenaryo mula Oktubre 2 hanggang Oktubre 10, 2026 sa ating simbahan.
Ang nobenaryo ay sisimulan sa pagdarasal ng Banal na Rosaryo sa ganap na ika-4:00n.h. na susundan ng Nobena ng ika-4:30n.h. at magtatapos sa Banal na Misa ng ika-5:00n.h. Kapag matapat ng Linggo, magsisimula ang pagdarasal ng Rosaryo ng ika-3:00n.h. na susundan ng Nobena.
Ang mga sponsors o mga komunidad, ministri, at organisasyon na nakatalagang manguna sa bawat araw ng nobena ay ipopost sa ating page tuwing ika-6:00 ng umaga.