12/07/2026
๐๐ PAGSIBOL ๐๐
DISTRICT 3810 HANDOVER & INDUCTION CEREMONIES
๐
July 11, 2026 | Saturday
๐ Okada Manila โ Grand Ballroom
Isang makasaysayang araw ng paglipat ng pamumuno at panibagong simula para sa Rotary District 3810 at sa Rotary Club of City of General Trias Prime.
Malugod naming binabati ang aming ICP, Rtn. Dexter "Dex" Fontanilla, sa pagtanggap ng responsibilidad na pamunuan ang aming club. Nawa'y pagpalain ka ng Diyos ng karunungan, lakas, at inspirasyon habang pinangungunahan mo ang ating samahan sa patuloy na paglilingkod sa komunidad.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay Immediate Past President, CP Emer Jason R. Grepo, sa kanyang tapat, mahusay, at makabuluhang pamumuno. Maraming salamat sa iyong dedikasyon, malasakit, at matibay na pundasyong iniwan para sa ating club. Ang iyong paglilingkod ay naging inspirasyon at naglatag ng daan para sa mas marami pang proyektong magbibigay ng positibong epekto sa ating komunidad.
Sa bagong Rotary Year, sama-sama nating ipagpapatuloy ang diwa ng Service Above Selfโnagkakaisa sa layuning maglingkod, magbigay ng pag-asa, at lumikha ng pangmatagalang positibong pagbabago.
Congratulations, President Dex Fontanilla!
Maraming salamat, Immediate Past President EJ Grepo!
๐๐ Together, we serve. Together, we create lasting impact. ๐๐