13/04/2026
Taos-pusong pasasalamat kay kapitana Nerissa Yumang Garcia at Kap. Michael Garcia sa kanilang walang sawang suporta sa mga kabataan at sa iba’t ibang organisasyon ng Sto. Rosario! 🏀✨
Isang matagumpay na One Day League ang ginanap kahapon na nagbigay saya, sigla, at pagkakaisa sa ating mga kabataan.
Maraming salamat din kay Kagawad Jed Magrimbao sa pagbibigay ng oportunidad para maisakatuparan ang larong ito, at kay Kagawad De los Santos para sa bola na ginamit ng ating mga players. 💯
Lubos din kaming nagpapasalamat kina Ate Judith, Kuya Diego, at Ate Neng sa kanilang pagbibigay ng softdrinks na nagbigay sigla sa ating mga kabataan.
Hindi rin magiging ganito kasaya at kaayos ang event kung wala ang suporta ng mga grupong aming pinasasalamatan: Artikulo, Sabado Nyts, ODG, Mama’s Boys, KSR, at ang SiKlab Kabataan na pinangunahan ni Ma Isabel Evangelio. 🙌
Ang simpleng pagtutulungan ay nagbunga ng isang masayang araw na puno ng laro, pagkakaisa, at inspirasyon. Hangad namin na mas marami pang ganitong aktibidad para sa ating komunidad! ❤️