FaithArise

FaithArise FaithArise Ministries aims to share and teach the Word of God, strengthen other & support other ministries.

We welcome believers who acknowledge the Sovereignty of God and authority of scripture as His revealed Word.

“GANITO ANG PAG-IBIG.”Alam mo ba kung ano ang tunay na pag-ibig?Hindi lang ito salita.Hindi lang ito pakiramdam.Hindi la...
16/04/2026

“GANITO ANG PAG-IBIG.”

Alam mo ba kung ano ang tunay na pag-ibig?

Hindi lang ito salita.
Hindi lang ito pakiramdam.
Hindi lang ito pangako.

Sabi sa 1 John 3:16:
“Sa ganito natin nakikilala ang pag-ibig: ibinigay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating kapwa.”

Ganito ang pag-ibig 👇
nagbibigay.
nagsasakripisyo.
handa kahit masakit.

Hindi lang tinanggap ni Jesus ang krus,
ginawa Niya ito para sa’yo.

At ngayon…
tayo naman ang tinatawag.

To love like Him.
To give like Him.
To live not just for ourselves.

Love is not just something you feel.
It’s something you do.






“PINALIT KA NIYA.”Ito ang hindi mo kayang gawin sa sarili mo.Hindi mo kayang burahin ang kasalanan mo.Hindi mo kayang li...
15/04/2026

“PINALIT KA NIYA.”

Ito ang hindi mo kayang gawin sa sarili mo.

Hindi mo kayang burahin ang kasalanan mo.
Hindi mo kayang linisin ang sarili mo.
Hindi mo kayang bayaran ang kasalanan mo.

Pero ginawa ni Jesus ang imposible.
Sabi sa 2 Corinthians 5:21:
“Siya na hindi nagkasala ay ginawang kasalanan para sa atin, upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa pamamagitan niya.”

Ang walang kasalanan…
ginawang kasalanan.

Para ang makasalanan…
maging matuwid.

That is the Great Exchange.

Yung kasalanan mo → napunta kay Cristo
Yung katuwiran Niya → ibinigay sa’yo

Hindi mo ito pinaghirapan.
Hindi mo ito kinita.

Tinanggap mo lang.





“MAGBANTAY KA.”Hindi lahat ng tahimik…ay ligtas.Hindi lahat ng okay…ay handa.Minsan akala mo ayos ka langpero unti-unti ...
14/04/2026

“MAGBANTAY KA.”

Hindi lahat ng tahimik…
ay ligtas.

Hindi lahat ng okay…
ay handa.

Minsan akala mo ayos ka lang
pero unti-unti ka nang lumalayo.

Sabi ni Jesus sa Mark 13:33:
“Mag-ingat kayo, magbantay kayo; sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang panahon.”

Hindi ito para takutin ka.
Ito ay para gisingin ka.

Be alert.
Be ready.
Be aware of your spiritual life.

Hindi mo alam kung kailan…
kaya ngayon ang mahalaga.

Hindi bukas.
Hindi “mamaya na.”
Ngayon.





“LUMAYO TAYO… PERO HINANAP TAYO.”Hindi lang ikaw.Hindi lang ako.Lahat tayo.May mga panahon na lumayo tayo sa Diyos.Pinil...
14/04/2026

“LUMAYO TAYO… PERO HINANAP TAYO.”

Hindi lang ikaw.
Hindi lang ako.

Lahat tayo.

May mga panahon na lumayo tayo sa Diyos.
Pinili natin ang sarili nating daan.
Pinili natin ang gusto natin.

Isaiah 53:6
“Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naligaw; bawat isa’y lumihis sa kanyang sariling daan. Ngunit ipinasan ni Yahweh sa kanya ang kaparusahan ng ating lahat.”

We all wandered.
We all sinned.
We all went our own way.

Pero hindi doon nagtapos ang kwento.

Ipinasan ni Cristo ang kasalanan natin.

Yung dapat na parusa sa’yo,
Siya ang tumanggap.

Yung dapat na sakit,
Siya ang nagdala.

Hindi para husgahan ka…
kundi para iligtas ka.

You may have wandered…
But you are not forgotten.

Jesus is waiting for you to come back!
He is willing to restore the joy of your salvation.

53:6




“LUMIPAT KA NA SA BUHAY.”May mga tao na buhay…pero pakiramdam nila patay.Walang direksyon.Walang kapayapaan.Walang kasig...
13/04/2026

“LUMIPAT KA NA SA BUHAY.”

May mga tao na buhay…
pero pakiramdam nila patay.

Walang direksyon.
Walang kapayapaan.
Walang kasiguraduhan.

Pero may pangako si Jesus sa John 5:24:
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, kundi lumipat na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay.”

Hindi Niya sinabi na “magkakaroon pa lang.”
Ang sabi Niya: MERON KA NA.

Hindi mo kailangang hintayin ang future.
Hindi mo kailangang manghula kung ligtas ka.

If you believe in Jesus, ibig sabihin
lumipat ka na sa buhay.

From guilt → to grace
From fear → to peace
From death → to life

Hindi ito self-improvement.
Ito ay transformation.

“TIRAHAN KA NG DIYOS.”Alam mo ba kung sino ka sa paningin ng Diyos?Hindi ka lang basta tao.Hindi ka lang dumadaan sa mun...
11/04/2026

“TIRAHAN KA NG DIYOS.”

Alam mo ba kung sino ka sa paningin ng Diyos?
Hindi ka lang basta tao.
Hindi ka lang dumadaan sa mundo.

Sabi sa 1 Corinthians 3:16:
“Hindi ba ninyo alam na kayo’y templo ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo?”

Ibig sabihin…
Tirahan ka ng Diyos.

Hindi Siya malayo.
Hindi Siya nasa ibang lugar lang.

Kung ikaw ay kay Cristo,
nasa loob mo ang presensya Niya.

Kaya ingatan mo ang puso mo.
Ingatan mo ang iniisip mo.
Ingatan mo ang buhay mo.

Hindi dahil kailangan mong maging perfect, kundi dahil may naninirahan sa’yo na banal.

You are not ordinary.
You carry the presence of God.





“MALAPIT ANG DIYOS SA’YO.”Minsan pakiramdam mo…ang layo ng Diyos.Parang Tahimik Siya.Parang hindi Siya sumasagot.Parang ...
10/04/2026

“MALAPIT ANG DIYOS SA’YO.”

Minsan pakiramdam mo…
ang layo ng Diyos.
Parang Tahimik Siya.
Parang hindi Siya sumasagot.
Parang ikaw lang ang nagsasalita.

Pero hindi iyon ang totoo.
Sabi sa Psalm 145:18:
“Ang Panginoon ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kanya, sa lahat ng tumatawag sa kanya nang tapat.”

Hindi mo Siya kailangang sigawan para marinig ka.
Hindi mo Siya kailangang hanapin sa malayo.

Malapit Siya.

Sa bawat bulong ng panalangin mo.
Sa bawat tahimik mong luha.
Sa bawat “Lord…” na hindi mo matapos.

God is not distant.
He is near.

Kung pakiramdam mo nag-iisa ka ngayon…
subukan mong tumawag ulit sa Kanya.

Baka mas malapit Siya kaysa sa inaakala mo.






“SI JESUS LANG ANG DAAN.”Sa dami ng paniniwala ngayon…sa dami ng “paraan” na sinasabi ng mundo…Nakakalito.May nagsasabin...
08/04/2026

“SI JESUS LANG ANG DAAN.”

Sa dami ng paniniwala ngayon…
sa dami ng “paraan” na sinasabi ng mundo…
Nakakalito.

May nagsasabing lahat daw ng daan ay tama.
May nagsasabing basta mabuti ka, okay na.
May nagsasabing basta gumawa ng kabutihan sa kapwa.

Pero malinaw ang sinasabi ng Biblia sa Acts 4:12:
“Walang kaligtasan sa kanino mang iba; sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na dapat nating ikaligtas.”

Hindi “isa sa mga daan” si Jesus.
Siya ang DAAN.

Hindi “optional” ang Kanyang pangalan.
Ito ang tanging pangalan na nagliligtas.

Hindi ito para manghusga,
ito ay paanyaya.
Paanyaya na makilala Siya.
Paanyaya na maligtas.
Paanyaya na magkaroon ng tunay na buhay.

If you believe that Jesus is the only way, comment:
✝️ “Si Jesus ang daan.”





Street Evangelism Streets alive with hope! Out sharing the Gospel today—conversations sparked, hearts touched, and lives...
08/04/2026

Street Evangelism

Streets alive with hope!

Out sharing the Gospel today—conversations sparked, hearts touched, and lives forever changed by Jesus’ love. No corner too dark when light shines bright!

Mark 16:15
“And he said to them, “Go into all the world and proclaim the gospel to the whole creation.”

All Glory to God🙌

“Unti-unting lalakas ang pananampalataya mo.”Minsan ba naiisip mo…“Bakit parang ang hina ng faith ko?”Kapatid, Hindi ka ...
07/04/2026

“Unti-unting lalakas ang pananampalataya mo.”

Minsan ba naiisip mo…
“Bakit parang ang hina ng faith ko?”

Kapatid, Hindi ka nag-iisa.
May mga araw na puno ka ng doubt.
May mga oras na parang tahimik ang Diyos.
At may moments na parang ang layo Niya.

Pero hindi ibig sabihin noon…
wala nang pananampalataya.

Sabi sa Romans 10:17:
“Kaya’t ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.”

Faith doesn’t always come as strength.

Minsan… dumarating ito bilang paalala.
Paalaala ng mga pangako ng Diyos.
Paalaala ng kabutihan Niya noon.
Paalaala na kahit tahimik Siya… gumagalaw Siya.

Kaya kung pakiramdam mo mahina ka ngayon,
lumapit ka lang ulit sa Kanyang Salita.
Hindi mo kailangang pilitin maging malakas.

Makinig ka lang…
at unti-unting lalakas ang puso mo.






Address

General Trias
4107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FaithArise posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to FaithArise:

Share