Kensington 6 HOAI - Lancaster New City

Kensington 6 HOAI - Lancaster New City Official Page - KSP6HOAI

Pagkatapos po nating mag linis, Garden waste collection naman  sa Lunes, Sept  28.Magwalis at magputol po tayo ng mga ha...
22/09/2026

Pagkatapos po nating mag linis, Garden waste collection naman sa Lunes, Sept 28.
Magwalis at magputol po tayo ng mga halaman at maliliit na puno para maisabay sa Garden waste collection. Huwag po kalimutang isako ang mga dahon at talian ang mga sanga.

Maraming salamat po!

Magandang Araw mga Kapitbahay!Community Clean-Up Drive: September 26, 2026 @ 6:00 A.M.Tayo po ay magkakaroon ng clean-up...
22/09/2026

Magandang Araw mga Kapitbahay!

Community Clean-Up Drive: September 26, 2026 @ 6:00 A.M.

Tayo po ay magkakaroon ng clean-up drive along KS6 Main Road from Entrance Gate.

Inaanyayahan po ang lahat na gustong lumahok at tumulong para sa kalinisan ng ating village.

Magdala lamang po ng mga cleaning materials tulad ng mga nasa baba:

- Walis Ting-ting
- Sako / Trash Bag
- Garden Scissor, Rake,
- at iba pang gamit pang linis

Magkita-kita po tayo sa Main Gate ng 6:00 A.M.
See you!

HOA Financial Statement – July 2026We are pleased to share our Financial Statement for July 2026 as part of our commitme...
31/08/2026

HOA Financial Statement – July 2026

We are pleased to share our Financial Statement for July 2026 as part of our commitment to transparency and accountability.

Thank you to all homeowners who consistently pay their dues on time. We encourage everyone to continue settling their dues promptly to help sustain our community services and operations.

Timely payment of dues enables the Association to meet its financial obligations and continue providing necessary services for the benefit of the entire community

Thank you for your continued support and cooperation.

-KSP6HOAI Board of Directors

ANNOUNCEMENTPlease be advised that the KS6 Admin Office will be closed tomorrow, August 21, 2026, in observance of Ninoy...
20/08/2026

ANNOUNCEMENT

Please be advised that the KS6 Admin Office will be closed tomorrow, August 21, 2026, in observance of Ninoy Aquino Day.

Regular office hours will resume on Saturday, August 22, 2026, from 9:00 AM to 1:00 PM.

Thank you for your understanding!

OPISYAL NA PAHAYAG NG BOARD OF DIRECTORSKensington Phase 6 Homeowners Association, Inc.Para sa Aming Minamahal na mga Ho...
08/08/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG BOARD OF DIRECTORS
Kensington Phase 6 Homeowners Association, Inc.

Para sa Aming Minamahal na mga Homeowners at Residente ng Kensington Phase 6:

Nais ipabatid ng Board of Directors sa lahat na nakatanggap tayo ng kahilingan mula sa mga kinatawan ng Kensington Phase 7 at Kensington Phase 7A na humihiling ng extension ng pansamantalang pass-through arrangement sa KS4 Gate 2.

Matapos ang maingat na pagsusuri at masusing deliberasyon, nagpasya ang mayorya ng Board na HINDI APRUBAHAN ang hinihiling na extension.

Hindi naging madali ang desisyong ito. Kinikilala namin ang mga concerns na ipinahayag ng ating mga kalapit na komunidad tungkol sa accessibility at traffic, at taos-puso naming nauunawaan ang mga hamon na kanilang kinakaharap. Gayunpaman, bilang mga halal na kinatawan ng Kensington Phase 6, ang aming pangunahing responsibilidad ay protektahan ang kapakanan at pinakamabuting interes ng ating mga homeowners.

Sa pagbuo ng desisyong ito, maingat na isinaalang-alang ng Board ang mga sumusunod:

Kaligtasan at Seguridad ng Ating mga Residente. Ang pagdami ng access ng mga sasakyan ay hindi maiiwasang magdulot ng karagdagang security risks at maglalagay ng mas malaking responsibilidad sa kasalukuyang security measures ng ating komunidad.

Operational at Financial Impact sa Association. Ang pagpapatuloy ng pass-through arrangement ay nangangailangan ng karagdagang resources para sa security, traffic management, maintenance, at administration. Dahil ang mga gastusing ito ay sasagutin ng Association, tungkulin ng Board na tiyakin na ang resources ng Association ay pangunahing ginagamit para sa kapakinabangan ng mga homeowners ng Kensington Phase 6.

Fiduciary Duty ng Board. Ipinagkatiwala sa Board ang pamamahala sa mga gawain at resources ng Association sa isang maingat, responsable, at makatuwirang paraan, na laging isinasaalang-alang ang kapakanan at pinakamabuting interes ng komunidad.

Bagama't nauunawaan at kinikilala namin ang concerns ng ating mga kalapit na komunidad, matibay ang aming paniniwala na ang mga pangmatagalang usapin tungkol sa access ay dapat lutasin ng Developer at ng mga kinauukulang government agencies, partikular ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), sa pamamagitan ng isang permanente at legal na solusyon na makatarungang tutugon sa interes ng lahat ng apektadong komunidad.

Ang aming desisyon ay hindi dapat ituring bilang pagtanggi na makipagtulungan o kawalan ng malasakit. Sa halip, ito ay pagpapakita ng aming obligasyon na kumilos nang maingat, responsable, at naaayon sa mandato at tiwalang ipinagkaloob sa amin ng mga homeowners ng Kensington Phase 6.

Nananatiling bukas ang Board sa pakikilahok sa konstruktibong diyalogo kasama ang mga concerned homeowners' associations, Developer, Barangay, at mga kinauukulang government agencies upang makatulong sa pagkamit ng isang makatarungan, sustainable, at pangmatagalang solusyon.

Nagpapasalamat kami sa lahat ng ating homeowners sa inyong patuloy na tiwala, pang-unawa, at suporta. Tinitiyak namin sa inyo na ang bawat desisyon ng Board ay ginagawa nang ang kapakanan, kaligtasan, at financial stability ng ating komunidad ang pangunahing prayoridad.

Para at sa ngalan ng Board of Directors
Kensington Phase 6 Homeowners Association, Inc.

ANNOUNCEMENT Dahil po sa inaasahang masamang panahon at para din po sa kaligtasan ng lahat, ang atin pong GENERAL ASSEMB...
07/08/2026

ANNOUNCEMENT

Dahil po sa inaasahang masamang panahon at para din po sa kaligtasan ng lahat, ang atin pong GENERAL ASSEMBLY na gaganapin bukas ay pansamantala po muna nating ipagpapaliban.
Ang bagong schedule para sa GA ay aming pong ipapaalam sa oras na bumuti ang lagay ng panahon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
Ingat po tayong lahat at nawa'y maging ligtas ang bawat pamilyang KS6

PARASA MGA MAGULANG NA MAY ANAK EDAD 6 HANGGANG 59 MONTHS OLD Inaanyayahan ang lahat ng may mga batang edad 6 hanggang 5...
07/08/2026

PARASA MGA MAGULANG NA MAY ANAK EDAD 6 HANGGANG 59 MONTHS OLD

Inaanyayahan ang lahat ng may mga batang edad 6 hanggang 59 buwan na samantalahin ang Measles-Rubella (MR) Vaccination at Vitamin A Supplementation na isasagawa ng Barangay Health Center.
🗓️ Agosto 11, 2026 (Martes)
🕗 8:00 AM
🔴 KS6 OPEN SPACE
Ang pagbabakuna laban sa tigdas at rubella, kasama ang Vitamin A supplementation, ay mahalaga upang mapanatiling malusog at protektado ang ating mga anak laban sa mga sakit na maaaring maiwasan.
Hinihikayat namin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga kwalipikadong anak at makiisa sa programang ito.
💙 Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat batang taga-KS6!

COMMUNITY ANNOUNCEMENT!!!Garden Waste Collection ScheduleDear Homeowners,Please be informed of the Garden Waste collecti...
05/08/2026

COMMUNITY ANNOUNCEMENT!!!

Garden Waste Collection Schedule

Dear Homeowners,

Please be informed of the Garden Waste collection schedule on Friday, August 7, 2026.

Collection Guidelines:

- Garden waste only. Do not mix construction debris or household waste.
- Bag or sack all waste and secure it tightly.
- Place outside your property on the scheduled collection date.

Thank you!

KSP6HOAI

Sa lahat ng ating mga Katolikong Residente:Kayo po ay inaanyayahang dumalo sa gaganaping Dalaw Patron sa Sabado, ika 8 n...
05/08/2026

Sa lahat ng ating mga Katolikong Residente:

Kayo po ay inaanyayahang dumalo sa gaganaping Dalaw Patron sa Sabado, ika 8 ng Agosto.
Magkakaroon ng prusisyon,pagkatapos ng misa, mula KS8 papuntang KS6 ng 8 ng gabi.
Pagdating sa KS6, ang Mahal na Birhen ay ihahatid sa Antig's Residence.

Sa ika 9 ng Agosto, magkakaroon po ng Holy Mass sa KS6 Basketball court.
6:30pm magdadasal ng rosaryo
7pm Banal na Misa

Pagkatapo po ng misa ay ihahatid naman ang Mahal na Birhen sa KS12.

Maraming salamat po at inaasahan po ang inyong pagdalo.

ANNOUNCEMENTWhat: KSP6 HOAI GENERAL ASSEMBLYWhen: Aug. 8, 2026 SaturdayWhere: KS6 Open SpaceTime: 8amAgenda:• Updates on...
31/07/2026

ANNOUNCEMENT

What: KSP6 HOAI GENERAL ASSEMBLY
When: Aug. 8, 2026 Saturday
Where: KS6 Open Space
Time: 8am
Agenda:
• Updates on Committees
• Street Leaders
• Road User’s Fee
• Updates on Aqualink
• Main Road Parking
• No Parking areas
• Other Matters

Address

Kensington 6, Lancaster New City, Brgy. Navarro
General Trias
4107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kensington 6 HOAI - Lancaster New City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share