02/12/2024
Mahalagang Anunsyo:
Eto na pinakamagandang balita siguro sa taon na to!
Mag-uumpisa na po ang drilling activities ng General Trias Water Corporation sa 2nd week of December 2024 dito sa subdivision natin para maitayo ang water pumping station para maibsan ang kakulangan ng tubig sa lugar natin.
Maraming salamat sa mga previous officers PHAI 2024 sa pamumuno ni Pres. Billy Basilio,at Josie Go Basilio sa walang sawang pagfollowup sa issue para maiparating sa kinauukulan.
Pasasalamat sa Punong Barangay Eleazar Isdo Deliva sa agarang pagtugon sa pagsupply ng tubig sa panahong walang wala talaga.
Pasasalamat din sa mga representative at pamunuan ng General Trias Water Corporation sa pagbigay ng pangmatagalang solusyon.
Pasasalamat din sa pamunuan ng Silver Star sa pagtugon sa lupang paglagyan ng pumping station.
Makakaasa po kayo na magbibigay kami ng progress report hanggang matapos ang proyekto.
Maraming salamat!