22/10/2026
πππ. ππππππ πππππ ππππππππ πππππππππ ππ ππππ ππππ π
Matagumpay na nakarating ang mga delegado ng Sto. Cristo Youth Ministry sa Minor Basilica and National Shrine of La Virgen Divina Pastora, Gapan City, para sa pagdaraos ng ika-11 Central LuzonYouth Pastoral (CLYP) 2026.
Taglay ang pananampalataya at diwa ng paglilingkod, nakikiisa ang ating mga kabataan sa pagtitipong ito na naglalayong higit pang palalimin ang kanilang ugnayan sa Diyos, patatagin ang kanilang pananampalataya, at palawakin ang kanilang paglilingkod sa Simbahan at sa kapwa.
Sa ilalim ng temang, βLakasan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan.β (Juan 16:33), nawaβy magsilbing inspirasyon ang pagtitipong ito upang patuloy na harapin ng bawat kabataan ang mga hamon ng buhay nang may tapang, pag-asa, at matatag na pananalig kay Kristo.
Patuloy po nating ipanalangin ang ating mga delegado. Nawaβy samahan sila ng patnubay at biyaya ng Panginoon sa buong pagdiriwang, at nawaβy maging makabuluhan ang kanilang pakikibahagi sa gawaing pastoral ng Simbahan.
Nawaβy magbalik sila na may panibagong sigla, mas malalim na pananampalataya, at pusong handang tumugon sa tawag ng Diyos sa paglilingkod. ππ»βοΈ