11/08/2026
๐๐๐๐
๐๐พ๐ ๐๐๐๐: ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐๐ผ๐: ๐ฐ๐ฐ โ๐๐๐๐พ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ผ๐๐๐,โ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐!
Patuloy ang pagtupad ng Sangguniang Kabataan ng Labangal sa layuning magkaroon ng mas organisado, maayos, at makikilalang mga purok sa ating barangay. Sa pamamagitan ng ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐ฆ๐ง๐๐ฃ: ๐ฆ๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ, ๐ง๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด, ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฟ๐ผ๐ธ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป sa ilalim ng Komitiba ng Active Citizenship, matagumpay nating naisakatuparan ang pamamahagi ng โWelcome Signagesโ sa lahat ng apatnapuโt apat (44) na purok ng Barangay Labangal.
Matapos ang unang pamamahagi sa 22 purok, kahapon ay naipamahagi naman ang natitirang 22 purok. Sa kabuuan, kumpleto na ang lahat ng 44 purok ng Barangay Labangal na may kani-kaniyang โWelcome Signage.โ
Ang mga signage na ito ay hindi lamang nagsisilbing palatandaan ng bawat purok, kundi simbolo rin ng pagkakakilanlan, pagkakaisa, at pagmamalaki ng bawat komunidad sa ating barangay.
Ang proyektong ito ay pinangunahan ni ๐๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐ค๐ฃ. ๐พ๐๐จ๐จ๐๐ฃ๐๐ง๐ ๐
๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐ค๐ฃ๐๐ข๐ค, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya sa ilalim ng Komitiba ng Active Citizenship, kasama ang suporta at pakikiisa ng buong Sangguniang Kabataan ng Labangal.
Nakiisa rin sa isinagawang distribusyon ang ๐๐ ๐พ๐๐๐๐ง๐ฅ๐๐ง๐จ๐ค๐ฃ ๐๐ค๐ฃ. ๐๐ก๐๐๐๐ ๐
๐ค๐๐ฃ๐ฃ๐ ๐. ๐๐๐๐ฆ๐ช๐๐๐ค, kasama sina ๐๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐ก๐๐๐จ, ๐๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐๐ง๐ค๐ฃ๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ฉ, ๐๐ฉ ๐๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐ค๐ฉ๐๐จ.
Naging katuwang din sa distribusyon at pagtiyak na maayos ang proseso ang ๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐๐ ๐๐ง๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ง. ๐๐๐ฃ๐ค๐๐ก ๐๐ค๐ข๐๐ง๐๐จ, na nagpakita rin ng buong suporta sa adhikain ng kabataan para sa komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng 44 Purok Chairpersons at mga residente ng Barangay Labangal sa inyong mainit na pagtanggap, pakikiisa, at suporta. Ang proyektong ito ay patunay na sa sama-samang pagkilos, kaya nating palakasin ang pagkakakilanlan at pagkakaisa ng bawat purok sa ating barangay.
44 Puroks. 44 Signages. Isang Labangal.
๐๐๐ก๐๐ฉ๐ฌ๐๐ฒ, ๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐ฅ!