04/06/2025
https://www.facebook.com/share/p/16R6Ptyh4a/
Tumaas ng halos 500% ang mga kaso ng HIV sa Pilipinas sa nagdaang dekada, dahilan para nanawagan ang Department of Health (DOH) na ideklara itong isang health emergency.
Ayon sa datos ng DOH, mula sa 21 bagong kaso kada araw noong 2014, pumalo ito sa 48 kaso kada araw noong 2024.
Ngayong 2025, umabot na sa 56 bagong kaso bawat araw — 44% mas mataas kumpara sa parehong panahon noong isang taon.
Mas bumabata rin ang mga tinatamaan ng HIV — mula edad 35–49 noong 2002–2005, ngayo’y karamihan ay nasa edad 25–34.
Sexual contact ang pangunahing paraan ng hawaan, at mula 2007, karamihan sa mga kaso ay mula sa male-to-male sexual contact (MSM). | via JC Cosico